Bcc-Youth Service

Bcc-Youth Service BRIDE OF CHRIST CHURCH CALAWIS — YOUTH
On fire for God! 🔥
A generation hungry for His presence, yielded to His will, and united in His Spirit.
📍 Purok 5, Brgy.

Calawis, Antipolo City
🕒 5:00 PM – 6:30 PM
👩‍💻 Led & Managed Youth Leader: Sis. Angela

🌿 A Spontaneous Escape with the Youth! 🤍A spontaneous nature trip, simple bonding, lots of laughter, conversations, and ...
21/08/2026

🌿 A Spontaneous Escape with the Youth! 🤍

A spontaneous nature trip, simple bonding, lots of laughter, conversations, and memories that will surely be unforgettable. 🥹✨ After the storm and several days of rain, the Lord blessed us with beautiful weather, so we took the opportunity to enjoy the day, bond together, and appreciate His beautiful creation. ☀️🌿

Thank You, Lord, for the beauty of Your creation, for the beautiful weather, and for the gift of friendship and fellowship! 🙏💚

📖 “This is the day the Lord has made; let us rejoice and be glad in it.” — Psalm 118:24

And also thank brother carlo and sister yang and sister sheng for biglaang Nature trip plan hehehe, and welcome sa dalawang new member ng BCC youth

OF CHRIST CHURCH

1st children ministry outreach (CMO) SUCCESS ✅
21/08/2026

1st children ministry outreach (CMO)
SUCCESS ✅

Late upload (July 18,2026)Pag tuturo sa mga kabataan ng basic English sa pangunguna ni brother Clarence
26/07/2026

Late upload (July 18,2026)
Pag tuturo sa mga kabataan ng basic English sa pangunguna ni brother Clarence

Super late upload (June 28,2026)2nd youth fellowship Water baptism
26/07/2026

Super late upload (June 28,2026)
2nd youth fellowship
Water baptism

Late upload  part 3Date: May 10-11 , 2026"Our Topic for youth fellowship"5 Barriers for Youth’s Spiritual Growth“Break t...
25/05/2026

Late upload part 3
Date: May 10-11 , 2026

"Our Topic for youth fellowship"

5 Barriers for Youth’s Spiritual Growth
“Break the Barriers, Find the Light”

Bilang mga kabataan, hindi madaling manatiling malapit sa Diyos dahil maraming bagay ang humahadlang sa spiritual growth natin. Minsan nahihirapan tayong mag-focus kay God dahil sa distractions, takot, insecurities, at mga tanong sa buhay. Pero kahit may mga struggles tayo, hindi tayo iniiwan ng Diyos. Gusto Niya tayong tulungan na mas lumalim ang faith natin at mas makilala Siya.

🔸Digital Distraction
Sa panahon ngayon, maraming kabataan ang mas nauubos ang oras sa cellphone, social media, online games, at iba pang distractions. Hindi masama ang technology, pero kapag mas marami na tayong oras sa screen kaysa kay God, unti-unting humihina ang spiritual life natin. Mahalaga na matutunan nating balansehin ang oras at unahin ang relasyon natin sa Diyos.
📖 “Seek ye first the kingdom of God…” — Matthew 6:33

🔸Fear of Judgment
May mga youth na gustong lumapit sa Diyos pero natatakot sa sasabihin ng ibang tao. Minsan iniisip nila na baka hindi sila tanggapin dahil sa past mistakes nila. Pero tandaan natin na mahal tayo ng Diyos at hindi Niya tayo hinuhusgahan base sa pagkakamali natin. Sa Kanya, may bagong simula palagi.
📖 “Do not fear, for I am with you…” — Isaiah 41:10

🔸Checklist” Mentality
Minsan nagiging routine na lang ang pagsisimba, pagdarasal, o pagbabasa ng Bible. Ginagawa natin ito dahil nakasanayan o required, pero nawawala na ang tunay na connection kay God. Ang relationship sa Diyos ay hindi parang checklist kundi isang personal at totoong relasyon na dapat pinapahalagahan araw-araw.
📖 “These people honor me with their lips, but their hearts are far from me.” — Matthew 15:8

🔸Comparison & Identity Crisis
Maraming kabataan ang nagko-compare ng sarili nila sa iba—sa itsura, talento, achievements, o buhay. Dahil dito, nawawalan sila ng confidence at nakakalimutan nila ang tunay nilang value. Pero tandaan natin na bawat isa ay may unique purpose mula sa Diyos. Hindi natin kailangang maging katulad ng iba para maging mahalaga.
📖 “For we are God’s masterpiece…” — Ephesians 2:10

🔸Doubt & Unanswered Questions
Normal lang magkaroon ng doubts at mga tanong tungkol sa faith at buhay. Hindi ibig sabihin nito na mahina ang pananampalataya natin. Minsan ginagamit pa ito ng Diyos para mas mapalalim ang relationship natin sa Kanya. Ang importante ay patuloy tayong naghahanap ng sagot at nagtitiwala sa plano Niya.
📖 “Trust in the Lord with all your heart... Proverbs 3:5

▪️Reflection▪️
Lahat tayo may pinagdadaanan at may barriers sa spiritual growth natin. Pero hindi hadlang ang struggles para gamitin tayo ng Diyos. Kapag patuloy tayong lumalapit sa Kanya sa pamamagitan ng prayer, worship, Bible reading, at fellowship, mas magiging matatag tayo sa faith. Hindi man madali ang journey, may liwanag na naghihintay kapag pinili nating sumunod kay God.

“Break the barriers, find the light.”

PART 2BCC-CALAWIS HOUSE CHURCH YOUTH FELLOWSHIPMay 10–11, 2026 | Kaysakat, Brgy. San Jose, Antipolo City“Break the Barri...
25/05/2026

PART 2

BCC-CALAWIS HOUSE CHURCH YOUTH FELLOWSHIP

May 10–11, 2026 | Kaysakat, Brgy. San Jose, Antipolo City

“Break the Barriers, Find the Light” ✨

Isang napaka blessed at unforgettable na experience para sa aming mga youth ang fellowship na ito. Sa loob ng dalawang araw, hindi lang kami nag-enjoy kundi mas lalo rin kaming napalapit sa Diyos at sa isa’t isa. Mula sa night bonfire fellowship, bonding moments, kuwentuhan, tawanan, morning devotion, worship, prayers, at mga activities lalo na ang mga classic na pang-90s games, tunay naming naramdaman ang saya ng pagiging bahagi ng youth ministry. ❤️

Higit sa lahat, naging makabuluhan ang lesson tungkol sa “5 Barriers for Youth’s Spiritual Growth.” Marami kaming natutunan tungkol sa mga bagay na maaaring humadlang sa aming spiritual growth at kung paano kami mas magiging matatag sa aming faith habang patuloy na lumalakad kasama ang Diyos.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa mag Asawa na sina Brother Clarence at Sister Tintin sa pagbubukas ng kanilang tahanan at sa mainit na pagtanggap sa amin sa kanilang bahay. God bless your generous hearts po! 🙏

Maraming salamat din kina Brother Carlo at Ate Yang Yang, aming mga Youth Pro, sa inyong guidance, support, efforts, at pag-aalaga sa aming mga kabataan. Tunay pong naging pagpapala kayo sa fellowship na ito. 💖

Nagpapasalamat din po kami sa lahat ng mga magulang na nagtiwala sa kanilang mga anak na makasama sa fellowship. Salamat po sa inyong support at prayers para sa youth ministry namin. 🙌

Special thanks din kay Danilo Doroteo sa ligtas na paghahatid sa amin papunta sa venue. Maraming salamat po!

At siyempre, maraming salamat sa lahat ng mga youth na sumama at naging bahagi ng fellowship na ito. Ang inyong presence, participation, at energy ang lalong nagpasaya at nagpakulay sa event na ito. Sama-sama tayong magpatuloy sa paglago sa pananampalataya at paglilingkod sa Panginoon. 🔥

📖 2 Peter 3:18: "But grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ. To him be glory both now and forever! Amen."

BCC-CALAWIS HOUSE CHURCH YOUTH FELLOWSHIPMay 10–11, 2026 | Kaysakat, Brgy. San Jose, Antipolo City“Break the Barriers, F...

Address

Purok 5 Brgy Calawis
Antipolo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bcc-Youth Service posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share