25/09/2026
ANTIPOLO CITY STR-BSP HYMN--
Ang komposisyong Antipolo City STR-BSP Hymn ay orihinal na titik at musika ng ating pinakamamahal na Antipolo City Council Founder, Dr. Victor C. Cahapay, LT. Siya ay mas kilala ng mga Scouts at Scouters sa tawag na "Sir Vic."
Maririnig sa recording na sa saliw ng gitara, magiliw na kasamang umaawit si Sir Vic sa himno na kanyang nilikha na naglalarawan ng kasaysayan at pagpupunyagi ng Antipolo City Council. Malinaw na maririnig ang tinig ni Sir Vic na nagbibigay ng direktiba sa pasimula ng kanta. Ang himnong ito ang isa sa mga inspirasyon sa pagkakalikha ng ACC March na sumasalamin naman sa identity ng mga Antipolenyo Scouts.
Napakagandang balikan ang ating kasaysayan mula ng simulang mapasinayaan ang Antipolo City Council noong 2004 at hanggang sa pormal na maipagkaloob sa ating council ang Council Charter mula sa Boy Scouts of the Philippines National Office noong 2008.
Sir Vic Cahapay at iba pang mga nakasama niyang nagpasimula ng Antipolo City Council... isang Snappy Scout Salute po sa inyong lahat!