06/07/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Safety and Security Measures for the Closing of the Pilgrimage Season
Sa July 7, 2026 (Martes), ipagdiriwang po sa lungsod ang Closing ng Antipolo Pilgrimage Season. Mahigit walong libong mga bisita at deboto mula sa ibaโt ibang lugar ang inaasahang makikibahagi sa pagdiriwang na ito, kaya narito ang ilan sa mga paalalang pangkaligtasan at gabay sa mga motorista at mga bisita para sa isang payapa at ligtas na okasyon.
๐ป๐น๐จ๐ญ๐ญ๐ฐ๐ช ๐ด๐จ๐ต๐จ๐ฎ๐ฌ๐ด๐ฌ๐ต๐ป
๐. ๐๐จ๐๐ ๐๐ฅ๐จ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐
Pansamantalang isasara ang mga sumusunod na kalsada:
- M.L. Quezon Avenue (mula Dela Paz hanggang M. Santos)
- P. Oliveros (mula A. Bonifacio hanggang M.L. Quezon) simula 3:00 PM. Pinapayuhan po ang mga motoristang humanap ng mga alternatibong ruta.
๐. ๐๐ฎ๐ฌ & ๐๐๐ก๐ข๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐จ๐ฉ-๐๐๐ ๐๐ฎ๐ข๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฌ
Tanging mga bus lamang ang papayagang mag-drop-off sa kahabaan ng M.L. Quezon Avenue hanggang 3:00 PM.
Para sa mga Light Vehicle (Passenger Drop-off): Ang itinalagang drop-off area ay sa Dela Paz St. cor. M.L. Quezon Avenue (Landmark: Goldilocks).
Ruta para makarating dito: Mula P. Oliveros, kumaliwa sa Bonifacio St., kumanan sa Dela Paz St., at kumaliwa sa M.L. Quezon Avenue.
๐. ๐๐ซ๐จ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ ๐๐๐ฃ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ
Narito po ang ruta ng prusisyon na gaganapin ng 7:00 PM:
- P. Oliveros St.
- Kaliwa sa Gen. Luna St.
- Kaliwa sa J. Sumulong St.
- Kaliwa sa Sto. Niรฑo St.
- Kaliwa sa C. Lawis St.
- Kaliwa sa Gen. Luna St.
- Kaliwa sa P. Oliveros pabalik ng Antipolo Cathedral
๐บ๐จ๐ญ๐ฌ๐ป๐ ๐น๐ฌ๐ด๐ฐ๐ต๐ซ๐ฌ๐น๐บ
Dahil sa inaasahang dami ng mga dadalo, narito ang mga security reminders mula sa ating kapulisan upang mapanatili ang kaayusan. Ipinagbabawal po ang mga sumusunod sa dako ng pagtitipon:
- Backpacks o malalaking bag
- Hoodie o sweatshirts
- Cane-handle o matutulis na payong (Pwede po ang folding umbrellas)
- Mga patalim, kutsilyo, at anumang matutulis na bagay
- Paputok, pyrotechnics, o anumang madaling magliyab
- Mga nakainom ng alak o lasing
- Cap, hat, o sombrero
- Water tumbler o metal canister
- Illegal sellers o mga ambulant vendors
Para sa mga emergency concerns o anumang sakuna, maaari kayong makipag-ugnayan agad sa ating 24/7 Command Center:
09178540842
09277559911
Sa atin pong pagtutulungan at pagsunod sa mga patakarang ito, magiging ligtas, maayos, at mapayapa ang pagtatapos ng ating Pilgrimage Season.
Maraming salamat po!