Sangguniang Kabataan - Brgy. Mayamot

Sangguniang Kabataan - Brgy. Mayamot The official page of Sangguniang Kabataan of Barangay Mayamot, Antipolo City.

Maligayang kaarawan, Power Coach Lanie! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’œMaraming salamat sa The Power Movers at kay former sk kagawad Mark sa pag-anya...
31/07/2026

Maligayang kaarawan, Power Coach Lanie! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’œ

Maraming salamat sa The Power Movers at kay former sk kagawad Mark sa pag-anyaya sa SK Mayamot at KAYA Mayamot na maging bahagi ng inyong Fitdance Marathon.

Isang karangalan ang makiisa sa programang nagsusulong ng aktibo at malusog na pamumuhay para sa ating komunidad. Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay at mas marami pang taong ma-inspire sa inyong adbokasiya.

Muli, happy birthday po, at maraming salamat! ๐Ÿ’œ



๐Ÿ’œ Virginia Summerville Clean-Up Drive & Feeding Program ๐Ÿงน๐ŸฒTaos-puso naming binabati ang ating Virginia Summerville Youth...
31/07/2026

๐Ÿ’œ Virginia Summerville Clean-Up Drive & Feeding Program ๐Ÿงน๐Ÿฒ

Taos-puso naming binabati ang ating Virginia Summerville Youth Organization sa matagumpay na pagsasagawa ng kanilang Clean-Up Drive at Feeding Program, isang proyektong handog ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Mayamot sa pangunguna ni SK Chairman - Hannah Cordis kasama ang KAYA Mayamot.

Bagama't hindi kami nakadalo sa aktibidad, natutuwa kaming makita na naging maayos at matagumpay ang pagpapatupad nito ng Sitio Virginia Summerville Youth Organization sa pangunguna ng kanilang youth leader na si Ate Jie.

Patuloy nating ipakita na sa pamamagitan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng kabataan, mas marami pa tayong magagawang mabubuting programa para sa ating komunidad.

Maraming salamat at mabuhay ang kabataang Mayamot! ๐Ÿ’œ



๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐๐† ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญSa bawat watawat na ating itinataas, ipinagdiriwang natin ang sipag, tiyaga, at tagumpay ng ...
31/07/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐๐† ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa bawat watawat na ating itinataas, ipinagdiriwang natin ang sipag, tiyaga, at tagumpay ng bawat kabataang Pilipino.

Inaanyayahan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Mayamot sa pangunguna ni SK Chairman - Hannah Cordis kasama ang KAYA Mayamot na ang lahat ay makiisa sa Pagpupugay ng Tagumpay: Flag Ceremony at Pagkilala sa ALS Graduates at Latin Honors Batch 1 bilang pagkilala sa mga kabataang nagsumikap upang maabot ang kanilang mga pangarap.

๐Ÿ“… August 3, 2026 (Lunes)
๐Ÿ•— 8:00 AM
๐Ÿ“ New SK Office, Unit 7 - Sitio Sto. Niรฑo 3, Barangay Mayamot

Hindi lamang natin bibigyang-pugay ang ating mga ALS Graduates at Latin Honor Awardees, kundi magbibigay rin tayo ng espesyal na pagkilala at inspirasyon sa ating mga Out-of-School Youth (OSY).

Sa ating mga kabataang pansamantalang nahinto ang pag-aaralโ€”hindi pa huli ang lahat. Maraming pagkakataon ang naghihintay sa inyo. Ang edukasyon ay hindi nasusukat sa bilis ng pagtatapos kundi sa tapang na muling bumangon at ipagpatuloy ang pangarap. Ang Alternative Learning System (ALS) at iba pang programang pangkabataan ay bukas para sa inyong bagong simula.

Sama-sama nating ipakita na sa Barangay Mayamot, walang kabataang naiiwan at bawat pangarap ay may pagkakataong matupad.

Tara na at makiisa sa isang umagang puno ng pag-asa, pagkilala, at pagmamahal sa bayan.

KAYA ang Pagkakaisa. KAYA ang Kinabukasan. ๐Ÿ’œ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



31/07/2026
๐‚๐‹๐„๐€๐-๐”๐ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„ & ๐Œ๐€๐’๐”๐’๐“๐€๐๐’๐ˆ๐˜๐€๐๐† ๐‡๐€๐๐ƒ๐Ž๐† | ๐๐„ร‘๐€ ๐Ÿ’๐‚๐Ÿงน๐ŸฒMatagumpay na naisagawa ang ating Clean-Up Drive at Feeding Program sa...
31/07/2026

๐‚๐‹๐„๐€๐-๐”๐ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„ & ๐Œ๐€๐’๐”๐’๐“๐€๐๐’๐ˆ๐˜๐€๐๐† ๐‡๐€๐๐ƒ๐Ž๐† | ๐๐„ร‘๐€ ๐Ÿ’๐‚๐Ÿงน๐Ÿฒ

Matagumpay na naisagawa ang ating Clean-Up Drive at Feeding Program sa Sitio Peรฑa 4C sa pangunguna ni SK Chairman - Hannah Cordis at ng KAYA Mayamot.

Hindi lamang tayo nagtulungan upang mapanatiling malinis ang ating komunidad, kundi nagbahagi rin tayo ng libreng mainit na sopas para sa ating mga estudyanteng papasok at kagagaling lamang sa paaralan bilang munting handog upang mapunan ang kanilang lakas at mapasaya ang kanilang araw. ๐Ÿ“š๐Ÿฅฃ

Lubos ang aming pasasalamat sa ating mga kabataang volunteers na naglaan ng oras at lakas para sa paglilinis ng komunidad, gayundin sa ating mga masisipag na ladies na buong pusong naghanda at nag-asikaso ng sopas para sa ating mga estudyante. ๐Ÿ’œ

Sa bawat tumulong at nakiisa, maraming salamat! Patuloy nating patunayan na sa pagkakaisa at bayanihan, mas marami pa tayong kayang gawin para sa ating komunidad.



๐Ÿš€ ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐ˆ๐ƒ๐„๐€. ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐…๐”๐“๐”๐‘๐„. ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐’๐“๐€๐‘๐“.May business idea ka ba na handa nang gawing realidad? Ngayon na ang pagkakataon mo...
31/07/2026

๐Ÿš€ ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐ˆ๐ƒ๐„๐€. ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐…๐”๐“๐”๐‘๐„. ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐’๐“๐€๐‘๐“.

May business idea ka ba na handa nang gawing realidad? Ngayon na ang pagkakataon mong ipakita ang iyong galing sa ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—จ๐—ฝ: ๐—•๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ฎ๐—น ๐—˜๐˜…๐—ฝ๐—ผ! ๐Ÿ’กโœจ

Handog ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Mayamot sa pangunguna ni SK Chairman - Hannah Cordis katuwang ang KAYA Mayamot, ang programang ito ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Mayamot na maipakita ang kanilang inobatibong ideya at magkaroon ng pagkakataong makatanggap ng โ‚ฑ10,000 start-up grant upang masimulan ang kanilang negosyo.

๐Ÿ“Œ Sino ang maaaring sumali?
โœ”๏ธ Edad 15โ€“30 taong gulang
โœ”๏ธ Indibidwal o grupo na may business idea o start-up proposal
โœ”๏ธ Hindi kailangan ng existing business
โœ”๏ธ Rehistradong botante at residente ng Barangay Mayamot

๐Ÿ“‹ Mga Kailangang Isumite:
โœ… Registration Form
โœ… Required Identification Documents
โœ… Business Proposal
โœ… Pitch Deck

๐Ÿ—“๏ธ Important Deadlines
๐Ÿ“ Registration Form โ€“ August 8 | 11:59 PM
๐Ÿ“ Business Proposal & Pitch Deck โ€“ August 14 | 11:59 PM

๐Ÿ“ฒ I-scan ang QR codes sa mga larawan para sa Registration Form at Business Proposal Format.

I-submit ang registration form at business proposal sa:
Gmail: [email protected]

โœจ Turn your idea into impact. Pitch today. Build tomorrow.



๐ŸŽ“ ๐‚๐€๐’๐‡ ๐ˆ๐๐‚๐„๐๐“๐ˆ๐•๐„๐’ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐†๐„ ๐†๐‘๐€๐ƒ๐”๐€๐“๐„๐’ ๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐‹๐€๐“๐ˆ๐ ๐‡๐Ž๐๐Ž๐‘๐’ (๐’๐˜ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”) ๐๐€๐“๐‚๐‡ ๐ŸIsang malaking pasasalamat at ...
31/07/2026

๐ŸŽ“ ๐‚๐€๐’๐‡ ๐ˆ๐๐‚๐„๐๐“๐ˆ๐•๐„๐’ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐†๐„ ๐†๐‘๐€๐ƒ๐”๐€๐“๐„๐’ ๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐‹๐€๐“๐ˆ๐ ๐‡๐Ž๐๐Ž๐‘๐’ (๐’๐˜ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”) ๐๐€๐“๐‚๐‡ ๐Ÿ

Isang malaking pasasalamat at pagbati sa lahat ng ating mga college graduates na may Latin honors! Bilang pagkilala sa inyong sipag at talino, inihahanda ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Mayamot, SK Chairman Hannah Cordis, ang cash incentives para sa inyo! ๐ŸŽ‰

๐Ÿ“Œ BATCH 1 PAYOUT DETAILS
๐Ÿ“… Petsa: August 3, 2026 (Lunes)
โฐ Oras: 7:00 AM
๐Ÿ“ Lokasyon: New SK Office, Sto. Niรฑo 3 Pagrai Hills

โœ… MGA KAILANGAN (REQUIREMENTS)
Siguraduhing dala ang mga sumusunod na dokumento:
โ€ข Photocopy ng Valid ID (must be a resident of Brgy. Mayamot)
โ€ข Photocopy ng School ID
โ€ข Photocopy ng Certificate of Recognition (o Latin Honors Certificate)

๐Ÿ”” Paalala: Abangan ang anunsyo para sa Batch 2 Application!

Para sa karagdagang tanong, maaaring mag-message sa aming FB Page

๐Ÿ›ก๏ธ ๐Š๐€๐˜๐€ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ฌ๐ข๐ฒ๐จ๐ง, ๐Š๐€๐˜๐€ ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐ข๐ฒ๐š๐ค๐š๐ง, ๐Š๐€๐˜๐€ ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐’๐ˆ๐†๐”๐‘๐€๐ƒ๐Ž! ๐Ÿ›ก๏ธโœ… DAY 3 โ€” SITIO MAC ADAMSMatagumpay na naipagpatuloy...
30/07/2026

๐Ÿ›ก๏ธ ๐Š๐€๐˜๐€ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ฌ๐ข๐ฒ๐จ๐ง, ๐Š๐€๐˜๐€ ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐ข๐ฒ๐š๐ค๐š๐ง, ๐Š๐€๐˜๐€ ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐’๐ˆ๐†๐”๐‘๐€๐ƒ๐Ž! ๐Ÿ›ก๏ธ

โœ… DAY 3 โ€” SITIO MAC ADAMS

Matagumpay na naipagpatuloy sa Sitio Mac Adams ang Libreng Accident Insurance Program, isang proyektong handog ni SK Chairman - Hannah Cordis para sa Kabataang Mayamot, katuwang ang KAYA Mayamot.๐Ÿ’œ

Mas naging masaya ang ating Day 3 sa pamamagitan ng mga simpleng palaroโ€”Shooting Challenge at Sturdy Challenge para sa mga bata at 45 Seconds, 4 Shots Challenge para sa mga binata. ๐Ÿ€โœจ

Maraming salamat sa ating Youth Head na si Ate Reen at Jeremiah gayundin sa mga kabataang boluntaryo ng Sitio Mac Adams na tumulong at sumuporta na naging susi sa tagumpay ng programang ito. ๐Ÿซถ๐Ÿป

Tuloy-tuloy ang serbisyo. Tuloy-tuloy ang proteksyon. Tuloy-tuloy ang malasakit para sa Kabataang Mayamot! ๐Ÿ›ก๏ธ๐Ÿ’œ



๐Ÿ›ก๏ธ ๐Š๐€๐˜๐€ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ฌ๐ข๐ฒ๐จ๐ง, ๐Š๐€๐˜๐€ ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐ข๐ฒ๐š๐ค๐š๐ง, ๐Š๐€๐˜๐€ ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐’๐ˆ๐†๐”๐‘๐€๐ƒ๐Ž! ๐Ÿ›ก๏ธโœ… DAY 2 โ€” SITIO SALANG BAYANMatagumpay na naipagpatu...
29/07/2026

๐Ÿ›ก๏ธ ๐Š๐€๐˜๐€ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ฌ๐ข๐ฒ๐จ๐ง, ๐Š๐€๐˜๐€ ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐ข๐ฒ๐š๐ค๐š๐ง, ๐Š๐€๐˜๐€ ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐’๐ˆ๐†๐”๐‘๐€๐ƒ๐Ž! ๐Ÿ›ก๏ธ

โœ… DAY 2 โ€” SITIO SALANG BAYAN

Matagumpay na naipagpatuloy sa Sitio Salang Bayan ang Libreng Accident Insurance Program, isang proyektong handog ni SK Chairman - Hannah Cordis para sa Kabataang Mayamot, katuwang ang KAYA Mayamot. ๐Ÿ’œ

Mas naging masaya ang ating Day 2 sa pamamagitan ng mga simpleng palaroโ€”3-Point Shooting Challenge para sa mga bata at 45 Seconds, 4 Shots Challenge para sa mga binata. ๐Ÿ€โœจ

Maraming salamat sa ating Youth Leader na si Paul Oldan, gayundin sa mga kabataang boluntaryo ng Sitio Salang Bayan na tumulong sa pagtatayo ng tent, pag-aayos ng mga lamesa at upuan, at sa pagpapahiram ng speaker. Ang inyong suporta at pagtutulungan ang naging susi sa tagumpay ng programang ito. ๐Ÿซถ๐Ÿป

Tuloy-tuloy ang serbisyo. Tuloy-tuloy ang proteksyon. Tuloy-tuloy ang malasakit para sa Kabataang Mayamot! ๐Ÿ›ก๏ธ๐Ÿ’œ



Address

Barangay Mayamot
Antipolo

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Brgy. Mayamot posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share