Mulawin HOA

Mulawin HOA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mulawin HOA, Community Organization, M. Santos Street Brgy. San Roque, Antipolo.

It is a community organization dedicated to maintaining a safe, orderly, and harmonious environment while promoting cooperation and enhancing residentsโ€™ quality of life.

๐‘จ ๐‘ป๐’“๐’–๐’๐’š ๐‘ด๐’–๐’๐’‚๐’˜๐’Š๐’ ๐‘ท๐’“๐’Š๐’…๐’† โœจIsa na namang produkto ng ating Sitio Mulawin ang nagtagumpay! ๐ŸŽ“Congratulations, Ma. Loi Siena Ra...
28/09/2026

๐‘จ ๐‘ป๐’“๐’–๐’๐’š ๐‘ด๐’–๐’๐’‚๐’˜๐’Š๐’ ๐‘ท๐’“๐’Š๐’…๐’† โœจ

Isa na namang produkto ng ating Sitio Mulawin ang nagtagumpay! ๐ŸŽ“

Congratulations, Ma. Loi Siena Ramos, RPM! ๐Ÿ’

Proud ang buong Sitio Mulawin sa iyong tagumpay. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang kabataan ng ating komunidad na patuloy na mangarap, magsikap, at abutin ang kanilang mga pangarap.

Nawaโ€™y mas dumami pa ang mga kabataan ng Mulawin na makapagtapos ng kolehiyo at maging mga propesyunal sa hinaharap. โค๏ธ

Muli, congratulations, Ma. Loi Siena Ramos, RPM! ๐ŸŒท

Isang buong-pusong pakikiramay sa pamilya ng naulila sa pagpanaw ng pinakamatandang residente ng Sitio Mulawin at ina ng...
09/09/2026

Isang buong-pusong pakikiramay sa pamilya ng naulila sa pagpanaw ng pinakamatandang residente ng Sitio Mulawin at ina ng aming Bise Presidente, Gng. Mhel S. Miravalles, Board Member Reister Siena, at lola ng Presidente ng Mulawin Youth, Pres. Ivan Siena Pangilinan.

Maaari po natin siyang dalawin sa kanyang kinalalagakan sa Our Lady of Peace Chapel, 2nd Floor.

Hindi ka namin malilimutan, โ€œLola Metreng.โ€ Kasama ka sa aming mga panalangin. ๐Ÿค

Nagpasya ang   na maaaring patawan ng parusa ng homeownersโ€™ associations (HOAs) ang mga miyembrong hindi nagbabayad ng k...
03/09/2026

Nagpasya ang na maaaring patawan ng parusa ng homeownersโ€™ associations (HOAs) ang mga miyembrong hindi nagbabayad ng kanilang kaukulang ambag o ๐˜ข๐˜ด๐˜ด๐˜ฐ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ด. Gayunman, hindi maaaring ipagkait sa mga ito ang karapatan nilang gamitin ang mga ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข, kabilang ang mga kalsada sa loob ng ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ.

Sa isang Desisyong isinulat ni Kasangguning Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa, isinantabi ng Ikatlong Dibisyon ng Korte ang petisyong inihain ng mga dating direktor at opisyal ng ๐™‡๐™– ๐˜พ๐™ค๐™จ๐™ฉ๐™– ๐˜ฝ๐™ง๐™–๐™ซ๐™– ๐™ƒ๐™ค๐™ข๐™š๐™ค๐™ฌ๐™ฃ๐™š๐™ง๐™จโ€™ ๐˜ผ๐™จ๐™จ๐™ค๐™˜๐™ž๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ, ๐™„๐™ฃ๐™˜.
(Association).

Hindi nakapagbayad ang mag-asawang Linley at Juvy Retirado ng kanilang buwanang ๐˜ข๐˜ด๐˜ด๐˜ฐ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ด mula 2016 hanggang 2021. Dahil dito, itinuring sila ng Association na delinquent o may atraso sa pagbabayad at pinatawan ng ibaโ€™t ibang parusa.

Kabilang sa mga ipinataw na parusa ang pagbabawal sa paggapas ng damo o pagsasagawa ng ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ sa loob ng limang metro mula sa kanilang ari-arian; pagbabawas sa dalas ng pagkolekta ng basura; pagbabawal sa paghahatid ng pagkain, package, appliance, at gas sa kanilang tirahan; pagpigil sa mga taxi, tricycle, at ride-hailing vehicle na pumasok sa ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ para sunduin sila; pagbabawal sa kanilang mga bisita na pumasok sa ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ; at paniningil ng ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ฆ sa mga truck at sasakyang naghahatid ng mga suplay at materyales sa kanilang construction site.

Naghain ang mag-asawa ng reklamo sa Human Settlements Adjudication Commission (HSAC), na nagpasyang labag sa Republic Act No. (RA) 9904, o Magna Carta for Homeowners and Homeownersโ€™ Associations, ang mga ipinataw na parusa. Bukod dito, tuluyan ding inalis ng HSAC ang kuwalipikasyon ng mga opisyal na responsable sa pagpapatupad ng mga parusa para humawak ng anumang posisyon sa Association.

Umapela ang mga opisyal sa Court of Appeals pero hindi pinagbigyan ang kanilang petisyon.

Pinagti

Pinagtibay ng Korte Suprema ang naging desisyon ng HSAC hinggil sa mga ipinataw na parusa.

Itinatakda ng Seksyon 7(a) ng RA 9904 ang dalawang magkahiwalay na karapatan ng mga may-ari ng bahay o ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด: ang karapatang makinabang sa mga pangunahing serbisyo at pasilidad ng komunidad, at ang karapatang gumamit ng mga ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข.

Nilinaw ng Korte na maaaring magpatupad ang HOAs ng mga parusa laban sa mga miyembrong may atraso sa pagbabayad, alinsunod sa kanilang mga alituntunin o ๐˜ฃ๐˜บ๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ด. Gayunman, may hangganan ang kapangyarihang ito. Maaaring paghigpitan ng HOAs ang paggamit o pagtamasa ng mga miyembrong may atraso sa pagbabayad sa ilang serbisyo at pasilidad ng komunidad, pero hindi nila maaaring ipagkait ang karapatan ng mga ito na gumamit ng mga ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข, gaya ng mga kalsada.

Batay sa pagkakaibang ito, sinabi ng Korte na ang paghihigpit sa mga delivery, pagpasok ng mga sasakyan, at pagbisita ng mga panauhin ay tuwirang lumabag sa karapatan ng mag-asawa na gumamit ng mga kalsada sa loob ng subdivision.

Isinantabi rin ng Korte ang pahayag ng mga opisyal na hindi sapat ang bigat ng kanilang paglabag para tuluyang madiskwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa Association. Ayon sa Korte, ang paghihigpit sa paggamit ng mga kalsada sa ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ para sa mahahalagang pangangailangan, gaya ng paghahatid ng mga produkto at transportasyon, ay nagdulot ng malaking pinsala at maaaring magbunga ng mapanganib na mga kahihinatnan. Dahil dito, itinuring ng Korte na sapat na mabigat at seryoso ang paglabag para bigyang-katwiran ang permanenteng diskwalipikasyon ng mga opisyal sa paghawak ng posisyon sa Association.

Basahin ang kabuuan ng ๐™‹๐™ง๐™š๐™จ๐™จ ๐™๐™š๐™ก๐™š๐™–๐™จ๐™š sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-homeowners-associations-may-sanction-delinquent-members-but-cannot-restrict-use-of-subdivision-

Basahin ang kabuuan ng ๐˜ฟ๐™š๐™จ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ sa https://sc.judiciary.gov.ph/278137-reuben-mikhail-p-sabig-et-al-vs-court-of-appeals-18th-division-cebu-city-and-spouses-linley-and-juvy-retirado/

Sumunod sa ๐˜พ๐™ง๐™š๐™™๐™ž๐™ฉ ๐˜ผ๐™ฉ๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™—๐™ช๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™‹๐™ค๐™ก๐™ž๐™˜๐™ฎ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

๐Ÿ“ข PAALALA, MGA KAPITBAHAY!Upang maiwasan po ang pag-iipon ng ating buwanang butaw, hinihikayat po ang lahat na regular n...
02/09/2026

๐Ÿ“ข PAALALA, MGA KAPITBAHAY!

Upang maiwasan po ang pag-iipon ng ating buwanang butaw, hinihikayat po ang lahat na regular na mag-update at magbayad ng kani-kanilang buwanang dues.

Nagtapos na po ang ikatlong buwan at tayo ay papasok na sa ikaapat na buwan. Ang halagang inyong ibinabayad ay mahalagang ambag para sa patuloy na pagpapaunlad, pagpapanatili, at pagpapaganda ng ating komunidad.

Para po sa inyong mga katanungan, updates, o iba pang concerns tungkol sa buwanang butaw, maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating Ingat-Yaman, Bernardo Pascual.

Maraming salamat po! ๐Ÿ’š

Ilang araw na ring nakararanas ng malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan. ๐ŸŒง๏ธMaging maingat po tayong lahat at panatilihing...
30/08/2026

Ilang araw na ring nakararanas ng malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan. ๐ŸŒง๏ธ

Maging maingat po tayong lahat at panatilihing bukas ang komunikasyon para sa anumang posibleng pangangailangan o problema.

Stay safe, Mulawin Residents! ๐Ÿค

Happy Birthday, Kagawad/Atty Ambo Aquino! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚Wishing you good health, happiness, and continued success. May you continue ...
30/08/2026

Happy Birthday, Kagawad/Atty Ambo Aquino! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚

Wishing you good health, happiness, and continued success. May you continue to inspire and serve our community with dedication. God bless you always! ๐Ÿ’š

ONE DAY LEAGUE FOR A CAUSE | PARA KAY JULIO SIBALMatagumpay na naisagawa noong Agosto 2, 2026 ang One Day League for a C...
03/08/2026

ONE DAY LEAGUE FOR A CAUSE | PARA KAY JULIO SIBAL

Matagumpay na naisagawa noong Agosto 2, 2026 ang One Day League for a Cause para kay Julio Sibal, na may layuning makalikom ng tulong para sa kanyang pangangailangan.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at nagbahagi ng kanilang oras at tulong upang maging matagumpay ang ating fundraising event.

Espesyal na pasasalamat sa Lakcers Club, sa pamumuno ni Mr. Felicito Soriano, sa kanilang malaking suporta at pakikiisa sa gawaing ito.

Maraming salamat sa inyong malasakit at pagtutulungan para sa ating komunidad. ๐Ÿ’š

๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐๐€๐‘๐„๐๐“๐’ & ๐•๐„๐‡๐ˆ๐‚๐‹๐„ ๐Ž๐–๐๐„๐‘๐’ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† โœ”๏ธMatagumpay na naisagawa ang ating Kabataan Meeting with Parents...
03/08/2026

๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐๐€๐‘๐„๐๐“๐’ & ๐•๐„๐‡๐ˆ๐‚๐‹๐„ ๐Ž๐–๐๐„๐‘๐’ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† โœ”๏ธ

Matagumpay na naisagawa ang ating Kabataan Meeting with Parents at Vehicle Owners Meeting, kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin, programa, at mga paalala para sa kapakanan at kaayusan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng mga magulang, kabataan, at vehicle owners na naglaan ng oras upang makiisa at makibahagi sa talakayan. Ang inyong presensya, pakikiisa, at suporta ay mahalagang hakbang sa patuloy na pagpapaunlad ng ating samahan.

Sa sama-samang pagkilos at bukas na komunikasyon, mas mapagtitibay natin ang isang ligtas, maayos, at nagkakaisang komunidad. ๐Ÿ’š

Congratulations to the Auditor of Mulawin HOA! โœจ๐ŸŽ‰Isang taos-pusong pagbati sa ating Auditor at Committee on Audit and Fi...
30/07/2026

Congratulations to the Auditor of Mulawin HOA! โœจ๐ŸŽ‰

Isang taos-pusong pagbati sa ating Auditor at Committee on Audit and Finance, Mr. Oliver A. Dizon, sa kaniyang Masterโ€™s Hooding Ceremony para sa kursong Master in Public Administration.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng iyong sipag, dedikasyon, at walang sawang pagsusumikap. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon sa marami at maging daan sa mas marami pang tagumpay sa iyong propesyon at sa patuloy mong paglilingkod sa ating komunidad.

Mula sa buong Mulawin Homeowners Association, kami ay taos-pusong bumabati at ipinagmamalaki ang iyong natamong tagumpay.

Congratulations, Mr. Oliver A. Dizon! ๐ŸŽ“๐Ÿ‘

29/07/2026

Shout out sa mga kabataan dโ€™yan! Ma, anong ganap? ๐Ÿ˜ฑ๐Ÿ“ข

Question no more! Dahil ngayong August 1, 2026 (Sabado), 4:00 PM, magkakaroon ng Meeting ng Kabataan para sa mga edad 6 hanggang 17 taong gulang, kasama ang kanilang mga magulang, sa Mulawin Covered Court.

Ang pagpupulong na ito ay pangungunahan ng Mulawin HOA upang pag-usapan ang mga alituntunin at dagdag kaalaman para sa pagdidisiplina sa mga Kabataan ng Mulawin upang magkaroon ng mas maayos na samahan ang mga magulang at ang Mulawin HOA.

Kaya naman, mga kabataan, yayain na ang inyong mga magulang at sama-sama tayong makiisa sa talakayan. Ang inyong presensya ay mahalaga upang mas mahubog ang mga ipinagmamalaking Kabataan ng Sitio Mulawin. ๐Ÿซก

Kita-kits! ๐Ÿคฉ

Address

M. Santos Street Brgy. San Roque
Antipolo
1870

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mulawin HOA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share