08/10/2026
๐ข PARA SA MGA KAPATID NAMIN NA NAGTATANONG TUNGKOL SA LEGALITIES NG CSI IG SPECIAL TASK FORCE
Marami po tayong natatanggap na inquiries tungkol sa aming registration, accreditation, legalities, at kung saan maaaring makakuha ng tamang impormasyon.
Kaya nais po naming linawin ang ilang karaniwang katanungan:
๐น May SES/SEC registration ba kayo?
โ
Opo. May registration po kami mula pa noong 2017.
๐น Accredited po ba kayo sa Camp Crame?
โ
Opo. accredited po kami sa ACPPi (Association of Chiefs of Police of the Philippines, Inc.) mula pa noong 2021.
๐น Bakit wala kayong laging post tungkol sa inyong legalities?
โ
Hindi naman po lahat ng dokumento at detalye ay kailangang ilagay sa social media. May tamang proseso po kami para ipakita at ipaliwanag ang mga ito nang maayos sa pamamagitan ng aming mga orientation, online man o face-to-face.
๐น Bakit may mga tanong sa comment section na hindi nasasagot?
โ
Dahil may mga katanungan na nangangailangan ng mas maayos at detalyadong paliwanag. May mga impormasyon din na mas nararapat talakayin sa proper orientation kaysa sagutin nang pahapyaw sa comment section.
๐ Mahalaga po sa amin ang transparency, tamang impormasyon at tamang proseso. Hindi po namin layunin na umiwas sa mga katanungan; nais lamang naming matiyak na ang impormasyong ibinibigay ay tama, malinaw at hindi nagdudulot ng maling pagkaunawa.
๐ค Sa mga nais maging bahagi ng CSI IG Special Task Force, makiisa po sa aming mga orientation upang mas maunawaan ninyo ang aming mga layunin, guidelines, responsibilities, proseso at legalities.
Huwag basta maniwala sa sabi-sabi. Magtanong sa tamang paraan, dumalo sa orientation, at alamin ang impormasyon mula sa tamang source.
COMMUNITY SERVICE WITH INTEGRITY โ IG SPECIAL TASK FORCE
BORN TO SERVE โข PEOPLE โข COMMUNITY โข NATION ๐ต๐ญ