31/07/2025
MAHALAGANG ANUNSYO: Simula August 1, muling mahigpit na ipatutupad, (tulad nung panahon ng pandemya at lockdown) ang Curfew Operations na may kalakip na kaparusahan alinsunod sa City Ordinance 2017-818.
🔹 Bawal sa mga menor de edad (17 pababa) ang gumala o manatili sa mga pampublikong lugar mula 10:00 PM to 4:00 AM, maliban kung may lehitimong dahilan.
🔹 Bawal sa magulang/guardian ang hayagang pagpapahintulot o kapabayaan sa paglabag.
KAUKULANG KAPARUSAHAN:
🟢 Unang paglabag:
* Para sa bata: Dadalhin sa pinakamalapit na Barangay Hall o Police Station. Sasailalim sa counselling ng Barangay Council for Protection of Children (BCPC).
* Para sa magulang/guardian: COMMUNITY SERVICE na hindi bababa sa 48 hours at MULTANG ₱ 2,000.00.
🟡 Ikalawang Paglabag
* Para sa bata at magulang/guardian: Pagdalo sa dalawang magkasunod na
counselling session ng BCPC.
*Para sa magulang/guardian: COMMUNITY SERVICE na hindi bababa sa 72 hours at MULTANG ₱ 3,000.00.
🔴 Ikatlo at mga susunod pang paglabag
* Para sa bata at magulang/guardian: Dadalhin sa City Social Welfare and Development Office para sa counselling at kaukulang aksyon sa kaso.
* Para sa magulang/guardian: COMMUNITY SERVICE na hindi bababa sa 120 hours at MULTANG ₱ 5,000.00. Posibilidad na masampahan ng kasong kriminal.
Bisitahin po ang link na ito para sa mga kaukulang parusa at eksemsyon sa ordinansang ito:
City Ordinance 2017-818: https://bit.ly/AntipoloCurfewforMinors
Mga Kaukulang Pasura at Eksemsyon: https://bit.ly/KaukulangParusa
Sama-sama po nating tiyakin ang kaligtasan ng kabataan sa Antipolo. 🤝