27/09/2026
📢 PAALALA SA MGA KA-BARANGAY 📢
Idineklara po ng Malacañang na suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng Pamahalaan sa buong bansa bukas, Setyembre 28, 2026 (Lunes), simula alas-1:00 ng hapon, bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga” Day.
Kaya naman, pinapayuhan po ang lahat ng ating mga Ka-Barangay na mas maaga nang kumuha ng mga kinakailangang dokumento at serbisyo sa ating Barangay bago ang nasabing oras.
Gayunpaman, tuloy-tuloy pa rin ang Serbisyong Quick na Quick at Click na Click!
Ang ating INARAWAN RESCUE 205 at BPSO ay patuloy na nakaantabay at handang rumesponde para sa kaligtasan, seguridad at kapakanan ng bawat Inaraweño.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
Maligayang “Kainang Pamilya Mahalaga” Day!
GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!
Idineklara po ng Malacañang na suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng Pamahalaan bansa bukas, September 28, 2026 (Monday), simula 1:00 PM, bilang bahagi po ng pagdiriwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga” Day.
Gayunpaman, magpapatuloy ang operasyon ng mga tanggapang nagbibigay ng health services, tulad ng City Health Office, Animal Bite Treatment Centers, at Outpatient Department ng mga pampublikong ospital.
Tuloy din ang mga serbisyong may kinalaman sa disaster preparedness and response, emergency and rescue operations, public safety, at iba pang mahahalagang serbisyo.
Kung may transaction sa City Hall o sa ibang tanggapan ng pamahalaan, pakitandaan po ang schedule bukas at magplano nang maaga.
Maligayang Araw ng Pamilya, Antipolo! 👨👩👧👦