Bantay Alerto Crime watch

Bantay Alerto Crime watch Ang inyong gabay para sa isang ligtas at handang komunidad. Serbisyong tapat!aksyon agad!

🚨 AKALA NG MARAMI: KAPAG NAIBALIK NA ANG GAMIT AT AYAW NANG MAGREKLAMO NG BIKTIMA, LAYA NA AGAD ANG MAGNANAKAW? 🛑Maling-...
06/06/2026

🚨 AKALA NG MARAMI: KAPAG NAIBALIK NA ANG GAMIT AT AYAW NANG MAGREKLAMO NG BIKTIMA, LAYA NA AGAD ANG MAGNANAKAW? 🛑

Maling-mali po ang paniniwalang ito.

Alamin natin ang totoong proseso ng batas para hindi tayo nalilinlang:

❌ ANG MALING PANINIWALA (MYTH):

Kapag nahuli ang isang magnanakaw, naisauli ang gamit, at sinabi ng biktima sa presinto na "Huwag na lang nating kasuhan, naawa ako/naibalik na naman ang gamit ko," ay pwedeng-pwede na itong palayain agad ng mga pulis.

✔️ ANG TOTOONG BATAS (FACT):

1️⃣ Hindi Pulis ang Nagpapasya Kung Sino ang Palalayain:

Walang kapangyarihan ang mga pulis na mag-absuwelto o magpalaya ng suspek sa sarili nilang desisyon. Ang pagnanakaw ay isang Public Crime o krimen laban sa buong lipunan. Ang piskal (prosecutor) o ang hukom sa korte lamang ang may legal na otoridad na magbasura ng kaso at mag-utos na palayain ang isang suspek matapos suriin ang mga ebidensya.

2️⃣ Babala sa mga Magnanakaw:

Huwag ninyong isipin na kapag nahuli kayo ay sapat na ang magmakaawa, magsauli ng ninakaw, at umasang aatras ang biktima para makaligtas kayo. Kapag pumasok ang pulisya at piskalya, ang Estado na ang umuusig sa inyo. May pananagutan pa rin kayo sa batas kahit magkaayos pa kayo ng biktima sa presinto.

3️⃣ Ang Limitasyon at Tungkulin ng Pulis:

Kung papakawalan ng pulis ang suspek nang basta-basta na walang utos mula sa piskal, ang mga pulis mismo ang pwedeng makasuhan ng Dereliction of Duty o Infidelity in the Custody of Prisoners.

Ang tanging dahilan kung bakit pwedeng mapilitang magpalaya ang pulis ay kung lumampas na ang takdang oras sa batas (Reglementary Period o 18 oras) para sa Less Grave Offenses at ayaw talagang pumirma ng biktima ng pormal na reklamo—upang maiwasan naman ng pulis ang kasong Arbitrary Detention.

ANG ARAL:Huwag nating kunsintihin ang maling sistema. Ang pag-urong sa reklamo o ang hindi pagsasampa ng kaso ay hindi automatic ticket para makalaya ang nagkasala.

Edukaduhin natin ang ating mga sarili para sa isang mas ligtas at maayos na komunidad! 🇵🇭

01/06/2026

Sen. Jinggoy Estrada holds press conference | June 01, 2026

Senator Jinggoy Estrada faces the media on Monday, June 1,as the Sandiganbayan seeks his arrest over plunder charges linked to the flood control scandal.

30/05/2026
27/05/2026

Ang pagrespeto sa batas ay nagsisimula sa paggalang sa mga taong nagpapatupad nito.

Hindi natin sila kailangan bastusin makipag usap ng mahinahon at may paggalang.

Respeto para sa ating mga kapulisan! 🤝👮‍♀️Marami pa rin sa kanila ang mabuti.

18/05/2026

Mag tiyuhin nagbarilan sa Batangas😔😢

BABALA: Sensitibong video na may kinalaman sa pagkasawi. Maging disente sa pagkomento.

17/04/2026

SARI SARI STORE NILOOBAN🚨

Isang nakakalungkot na balita ang ating natanggap matapos mabiktima ng pagnanakaw ang isang sari-sari store sa Patamaba Barangay San Vicente, Angono, Rizal. nangyari ang insidenteng ito noong April 9,2026 alas dos (2am) ng madaling araw natangay ng kawatan ang kabuuang pera at mga gamit na nagkakahalagang ₱30,000.00

isang paalala na hindi tayo dapat maging kampante sa seguridad ng ating mga kabuhayan at tahanan ang insidenteng ito ay naireport na sa ating Kapulisan at Barangay at kasalukuyang inaalam ang pagkakalinlan ng suspek

Paalala po sa ating mga ka-barangay, lalo na ang mga may-ari ng maliliit na negosyo, na maging mas mapagmatyag at mapanuri sa mga taong umaaligid sa inyong lugar. Ang pagnanakaw na ito ay hindi lamang kawalan sa biktima kundi banta rin sa katahimikan ng ating komunidad.

14/04/2026

⚠️ MODUS ALERT! ⚠️

Mag-ingat po sa taong ito. Kunwari ay lumalapit para manghingi ng tulong o "solicit," pero ang totoo ay nananalisi na pala ng gamit o pera.

Nangyari ang insidente nito lamang April 12, 2026 sa isang apartment sa Saint Anthony Barangay San Vicente Angono Rizal. Natangay ng suspek ang isang mamahaling cellphone na naglalaman ng mahahalagang files, bank transactions.

Maging mapagmatyag po sa ating paligid at huwag basta-basta magtitiwala sa hindi kakilala. Please share para aware ang ating mga kapitbahay. ✋🛑

14/04/2026
10/04/2026

Salamat at nabawi na rin ang motoksiklo na ninakaw, pero lesson learned: Huwag basta-basta magtiwala sa paligid. Maging vigilant tayo, mga paps!🛡️🔒

Address

Angono Rizal
Angono
1930

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bantay Alerto Crime watch posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share