Catholic Faith Defenders -Diocesan Shrine and Parish of St. Clement Chapter

Catholic Faith Defenders -Diocesan Shrine and Parish of St. Clement Chapter This is the official page of Catholic Faith Defenders (Angono Chapter). Welcome!

30/08/2026

Magandang hapon po sa lahat!

CFD Apologetics Talk

Topics: Apostle's Creed
Article 9 (The Resurrection of the Body) &
Article 10 (And Life Everlasting)

WHEN: September 26, 2026 (1 pm to 5 pm)
WHERE: 2nd Floor DSPSC Formation Center (Big Room)

Tara, makinig po at matuto, upang lalo nating maintindihan ang ating pananampalatayang Katoliko. Abangan ang mga karagdagang detalye. Salamat po!

29/08/2026

CFD Apologetics Talk, August 29, 2026

Diocesan Shrine and Parish of Saint Clement

Magandang umaga po sa lahat. Ipinababatid po ng Catholic Faith Defenders -- DSPSC Chapter na ang Apologetics Talk na gagawin mamaya sa ating Formation Center ay mapo-postpone, dahil sa recent Red Rainfall warning na abiso ng ating NDRRMC.

We will advise you all the resumption of this program once the weather is better.

Keep safe, stay dry, God bless

Mga kapatid! Tara na sa August 29, 2026, 1 pm to 5 pm, sa 2nd Floor Big Room, Formation Center ng Diocesan Shrine and Pa...
10/08/2026

Mga kapatid! Tara na sa August 29, 2026, 1 pm to 5 pm, sa 2nd Floor Big Room, Formation Center ng Diocesan Shrine and Parish of Saint Clement sa Angono, Rizal, makinig at matuto tungkol sa ating pananampalataya!

19/07/2026

Magandang araw po sa inyong lahat, mga ka-CFD! Ang lahat po ay inaanyayahang dumalo sa aming buwanang CFD Apologetics Talk!

WHAT: CFD APOLOGETICS TALK
WHEN: July 25, 2026, 1 pm to 5 pm
WHERE: 2nd floor Formation Center (Big Room), Diocesan Shrine and Parish of St. Clement, Angono, Rizal
TOPIC: Articles 7 and 8 of the Apostle's Creed

Makinig at matuto. See you!

28/02/2026
Nagsimula kanina ang pagbabalik ng Apologetics talks ng CFD Angono. Tinalakay ni Bro. Sean Paul Rodriguez ng CFD Quezon ...
28/02/2026

Nagsimula kanina ang pagbabalik ng Apologetics talks ng CFD Angono. Tinalakay ni Bro. Sean Paul Rodriguez ng CFD Quezon City Chapter ang Introduction to Apologetics at Article 1 of the Apostle's Creed sa mga kabataan ng DSPSC Ministry of Usherettes, Greeters and Collectors at Catholic Women's League.

Inaasahang sa mga darating na buwan ng 2026 ay ipapapatuloy ang pagtatalakay sa lahat ng mga "Articles of Faith" na nakapaloob sa ating Apostle's Creed.

Photos by Sis. Mary Grace de Guzman and Bro. Arjay Garcia

Magandang araw po sa inyo!Bukas po ang Catholic Faith Defenders (DSPSC Chapter) para po sa mga taga-Angono nais maglingk...
30/08/2025

Magandang araw po sa inyo!

Bukas po ang Catholic Faith Defenders (DSPSC Chapter) para po sa mga taga-Angono nais maglingkod sa Diyos at sa Simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng talento para sa mga gawain sa pagtatanggol sa ating pananampalataya.

Maraming oportunidad po sa larangan ng project management, social media management, pagsusulat, public speaking, at katesismo. I-message lang po ninyo si Sis. Ma. Tria Salve Isagan via Messenger (.isagan) or magpadala ng text message sa 09190012239.

Maraming salamat po!

Ang Liham ni San Clemente sa mga taga-Corinto”Si San Irenaeus ay nagsabing nakita ni San Clemente ang mga pinagpalang Ap...
18/11/2024

Ang Liham ni San Clemente sa mga taga-Corinto”

Si San Irenaeus ay nagsabing nakita ni San Clemente ang mga pinagpalang Apostol at nakipag-usap sa kanila. Ang pangangaral ng mga Apostol at kanilang tradisyon ay naranasan niya at patuloy na isinabuhay. Ayon pa sa teologong si Tertullian, si San Pedro ang naggawad ng ordinasyon kay Papa Clemente.

Bilang ika-4 na Papa ng mga unang Kristiyano sa Roma, humugot siya sa karunungan ng mga Apostol upang gabayan ang mga Kristiyano sa Corinto. Isang di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga nakatatanda at nakababatang namumuno sa Simbahan ang nanganib sumira sa kanilang kapatiran sa Corinto. Sabi ni Papa San Clemente sa kanyang liham (13), “Kaya nga, mga kapatid, tayo ay magpakumbaba, talikuran ang lahat ng kapalaluan at pagmamataas… at ang bugso ng damdamin, lalo na ng galit; at kumilos tayo ayon sa nasusulat… Maging mapagnilay sa mga salita ng Panginoong Hesus sampu ng kanyang halimbawa ng kaamuan at matiyagang pagtitiis… Sapagkat hindi tayo magkakaroon ng kaunting pinsala, bagkus ay malaking panganib, kung padalus-dalos nating ibibigay ang ating sarili sa mga hilig ng mga tao na naglalayon sa kapana-panabik na alitan at kaguluhan, upang ilayo tayo sa mabuti. Maging mabait tayo sa isa't isa ayon sa huwaran ng magiliw na awa at kagandahang-loob ng ating Lumikha.”

Ang kanyang liham ay puno ng pagpapaalala ng pagpapakumbaba, paghimok na magkaisa ang buong Simbahan sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, pagmamahalan, at paghahanda sa muling pagdating ni Hesukristo.

Papa San Clemente, gabayan ninyo po ang aming bayan, ilayo kami sa panganib ng pagmamataas at alitan, at ilapit kami sa kay Hesus. Amen.

©️ CFD Angono

Address

Angono
1930

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Catholic Faith Defenders -Diocesan Shrine and Parish of St. Clement Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share