The PSC is bonded by the twin principles of 'Paglingkuran ang Sambayanan' and 'Paragon of Scholarship' and is composed of leaders representing alumni- and resident-members of the Pi Sigma Fraternity and Pi Sigma Delta Sorority in Pampanga. Polisiya ng mga Admin ng PSC Page:
Ang mga nailalathala sa Page na ito ay mga iba't-ibang makabuluhang proyekto at kaganapan ng Kapatirang Pi Sigma at Pi Sigma
Delta, at ang mga kahanga-hangang tagumpay ng organisasyon na NAIS NATING IPAABOT SA PUBLIKO. Ang Page na ito ay hindi para mag-forum shopping; kung ayaw ang Page ay huwag i-Like.
2. Ang nagpo-post na may mga fictitious account (gawagawa lamang; madalas ay nagpo-post ng mga paninira) ay tatanggalin sa listahan.
3. Ang nagpo-post ng mga PERSONAL NA ATAKE sa kung sino man ay tatanggalin sa listahan.
4. Ang pagpo-post upang sabihin (nang walang batayan) na ang isang tao ay may kakulangan sa pag-iisip, breeding, itsura, table manners, kasarian, sekswal na oryentasyon, sekswal na abilidad, parentage, o ang antas ng kalinisan sa
pangangatawan, ay malinaw na MGA PERSONAL NA ATAKE.
5. Ang pagtatanong hinggil sa basehan o pinanggalingan ng datos ng isang post ay HINDI PERSONAL NA ATAKE.
6. Ang pagtutukoy sa depekto ng lohika sa isang post ay HINDI PERSONAL NA ATAKE.
7. Ang pagbibigay ng factual information (pati mga links, kung mayroon man) upang pabulaanan ang isang post ay HINDI PERSONAL NA ATAKE. Walang puwang ang paninira at panlalait sa kapwa, opisyal man o kasapi ng PSC, sa isang pamayanan sa Internet na may malinis na hangaring magtulungan.