16/07/2025
HOA Follow-Up sa Mayor’s Office para sa Pagpapagawa ng Kanal
Ngayong araw, nagtungo ang Homeowners Association ng St. Vincent, Pampang sa Mayor’s Office upang i-follow up ang kahilingan para sa pagpapagawa ng kanal na isinumite noong nakaraang taon.
Ang proyektong ito ay mahalaga para maiwasan ang pagbaha at mapanatili ang kalinisan sa komunidad.
Lubos ang aming pasasalamat sa butihing Mayor Carmelo "Jon" Lazatin II para sa patuloy na pakikinig at pagtugon sa pangangailangan ng ating barangay.