14/05/2026
Para kanino ka tumatakbo tuwing Thursday runs with IRC?
Para sa mga kaibigan?
Para kay crush?
Para sa sarili?
Maraming salamat for showing up. Every. Single. Time. 🫶
May kanya-kanya man tayong rason kung bakit tayo pumupunta, pero naisip mo ba na baka may isa sa community natin na pumupunta rin para makita ka o kayo? Na baka kayo ang happy pill niya?
Nakakapagod tumakbo, pero baka kayo ang pahinga niya sa mundong magulo at maingay. eme not eme
Hindi ko rin sure saan papunta ’to, pero point is: always check on your friends and peers. Kahit simpleng “kumusta?” lang.
Ngayong Mental Health Awareness Month, sana maalala natin na hindi lahat ng laban nakikita. Minsan, sapat na yung may isang taong nagpaparamdam na hindi ka nag-iisa.
At kung sakaling hindi mo pa naririnig today: masaya kaming andito ka. 💚
~ 🦋