UPA recognizes the presence & contribution of diff Amerasian groups w/ a distinct focus & purpose. Naniniwala ang UPA na may lugar at karapatang mapahalagahan ang iba’t-ibang tao at grupo na nais magbigay ambag sa pagpapabuti sa kalagayan ng mga Amerasians. Hindi kailangan malimitahan sa isang grupo lang ang gagalaw para sa kapakanan ng mga Filipino Amerasians, ang kailangan lang ay magkaroon ng b
ukas na puso at isip na makapag-connect sa iba’t-ibang grupo. Ang UPA ay bukas sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga grupo ng mga Amerasians, gayundin ang iba’t-ibang sector ng lipunan tulad ng media, non-government organizations, local government units, national agencies, international institutions, etc. Ang focus ng UPA ay national and global advocacy and network building – to go beyond the borders of our own exclusive communities and start discussing our issues openly and by engaging other sectors who will be able to respond to our concerns. The issue for example of discrimination cannot be addressed if discussions and efforts are limited within the Filipino Amerasian community. We should be able to engage sectors who may be prone to doing discriminatory acts against us through dialogue, behavioral change communication campaigns and policy advocacy. UPA sincerely believes that the best way to move forward and gain progress in addressing decades of issues of Amerasians is through humility, unity, focus, dedication and by developing peaceful and respectful strategic alliances. HISTORY
Ang United Philippine Amerasians (UPA) ay sinimulang buoin noong July 2011 sa pamamagitan ng isang workshop na dinaluhan ng 44 Filipino Amerasians mula sa Angeles City, Olongapo City at Castillejos, Zambales. Ang workshop na ito ay naging isang pagkakataon para mapagusapan ang kasalukukyang kalagayan ng mga Filipino Amerasians, pagkatapos ng 10 taon since the 1st National Amerasian Conference. Napagtanto ng grupo na since the 1999 study of UP Center for Women's Studies, ay marami sa mga issues na nabanggit doon ang patuloy na issues ngayon. Naisip ng mga Amerasians na magtatag ng isang grupo na pangungunahan nila ngayong sila'y nasa wastong edad na. Isang grupo na susubok tumugon o maging tulay upang mas mapaganda ang mga polisiya, programa at pagtingin sa mga Filipino Amerasians. Kinikilala ng UPA ang magagandang gawain at kontribusyon ng iba't-ibang indibidwal at grupo ng mga Filipino Amerasians sa bansa. Gayundin kinikilala din ang pagmamalasakit ng ilang mga sinserong mga lokal na opisyal at mga non-government organizations. Kasalukuyan, ang UPA ay nanawagan sa mga indibidwal at grupo ng Filipino Amerasians sa iba't-ibang parte ng Pilipinas na makipag-ugnayan at makipagtulungan upang maging isa tayong malakas na boses. Bukas ang pinto ng network para sa inyo. Nagpapasalamat kami sa malasakit at walang patid na suporta ng Women's Education, Development, Productivity and Research Organization (WeDpro), Buklod ng Kababaihan Center at Nagkakaisang Kababaihan ng Angeles (NagKA). Gusto rin namin iparating ang aming pasasalamat sa kontribusyon ng Bayanihan Foundation Worldwide sa pagbibigay ng suporta sa dalawang workshops na ginanap noong July 2011 at January 2012. Bukas ang pintuan ng UPA sa pakikipagtulungan sa mga iba pang mga ahensya at organisasyon na naniniwala sa adhikain namin.