Panday Sining Pampanga

Directions

Panday Sining Pampanga Multi-disiplinaryong samahan ng kabataang artista na naglalayong gamitin ang sining para sa bayan!

ARTISTA NG BAYAN, BAHAIN MULI NG PROTESTA ANG PAMPANGA! MAKIISA SA ARAW NG PANININGIL!Limampu't apat na taon na ang naka...
20/09/2026

ARTISTA NG BAYAN, BAHAIN MULI NG PROTESTA ANG PAMPANGA! MAKIISA SA ARAW NG PANININGIL!

Limampu't apat na taon na ang nakalilipas mula nang ilubog ng diktador na Marcos Sr. ang Pilipinas sa impiyerno ng Batas Militar. Sa ika-54 anibersaryo ng madilim na kabanata ng ating kasaysayan, bitbit ang alaala ng mga martir ng sambayanan, ating ipinagpupugay ang katapangan ng sambayanang Pilipino na tumindig at lumaban para sa kanilang mga demokratikong karapatan at kalayaan.

Kaya sa Setyembre 21, lalong paiigtingin natin ang ating pakikibaka at pag-aalabin ang paglaban sa pagpapabagsak ng papet at pasistang rehimeng US-Marcos!

Sumali sa coordination GC: https://m.me/j/mKTJ8SQn5qaCv0By

🚨ALERT | Cultural ED FEST! 🖌📚Sa papalapit na Anibersaryo ng Panday Sining hindi lang basta performance at paghiyaw ang i...
12/09/2026

🚨ALERT | Cultural ED FEST! 🖌📚

Sa papalapit na Anibersaryo ng Panday Sining hindi lang basta performance at paghiyaw ang inihanda kundi mga pag-aaral ukol sa kalagayan ng kultura ng Pilipinas.

Naghanda ang Panday Sining ng serye ng pang kultural na pag-aaral, halina't pag-usapan ang mga lumalaganap na kultura sa pilipinas, alamin kung ano ang dapat na maging anyo at layunin ng rebolusyonaryong sining, bakit mahalagang larangan ng pakikibaka ang kultura, at kung ano ang dapat na papel ng panitikan at sining sa mamamayan at sa rebolusyon. Sa seryeng ito ng mga pag-aaral.

Pandayin ng pag-aaral sa Sining na ipaglilingkod sa bayan!

🗓️: 09/12
📚: Revolutionary Aesthetics
🕟: 4:00PM
📍: Jitsi Meet (Online)
____________________________________________________________

🗓️: 09/13
📚: Cultural Imperialism
🕟: 4:00PM
📍: Jitsi Meet (Online)
____________________________________________________________

🗓️: 09/14
📚: Talks at the Yenan Forum on Literature and Arts
🕟: 4:00PM
📍: Jitsi Meet (Online)

Register naaaa!

https://forms.gle/F1NBKycMW5P41ijL7
https://forms.gle/F1NBKycMW5P41ijL7
https://forms.gle/F1NBKycMW5P41ijL7

11/09/2026

BAWAT SIPAG, BAWAT LAKAS, AY UMAKLAS! 🪕🎶

Matagumpay ang isinagawang demonstrasyon ng iilang mga progresibong grupo na kilos-protesta laban sa Pax Silica! Ngayong Setyembre 11, mula Clark hanggang BCDA Capas dumagundong ang boses ng mamamayan upang igiit na makatarungan ang lumaban para sa lupa at kabuhayan.

Sa pagtatapos ng mga programa, inilunsad ang konsiyerto laban sa Pax Silica kung saan itinanghal ng taumbayan ang mga likhang-sining na mapagpalaya, pag-awit, at kultural na pagtatanghal.

ARTISTA NG BAYAN, TULOY TULOY ANG LABAN!
SHUT THE PAX DOWN!
MAKIBAKA PARA SA PAMBANSANG DEMOKRASYA!

ARTISTS FIGHT BACK AGAINST PAX SILICA!Nagbabalik na ang mga para sa streets 😎JUST IN: Nakikiisa ang Panday Sining – Pamp...
11/09/2026

ARTISTS FIGHT BACK AGAINST PAX SILICA!

Nagbabalik na ang mga para sa streets 😎

JUST IN: Nakikiisa ang Panday Sining – Pampanga sa demonstrasyon ng pagtutol sa ginaganap na Pax Silica Investors Forum ng rehimeng US-Marcos at ang kanyang proyektong inilalako para sa mga dayuhang monopolyo kapitalistang ipinagtatangkang huthutin ang likas na yaman ng Pilipinas.

IBASURA ANG PAX SILICA!
STOP THE US WAR MACHINE!
PHILIPPINES NOT FOR SALE!
ARTISTA NG BAYAN, TULOY TULOY ANG LABAN!




MGA ARTISTA NG BAYAN NG GITNANG LUSON, TUTULAN ANG PAX SILICA! TUTULAN ANG MGA HUWAD NA PROYEKTONG "PANGKAUNLARAN"! Mari...
02/09/2026

MGA ARTISTA NG BAYAN NG GITNANG LUSON, TUTULAN ANG PAX SILICA! TUTULAN ANG MGA HUWAD NA PROYEKTONG "PANGKAUNLARAN"!

Mariing kinukundena ng Panday Sining - Pampanga ang imperyalistang US sa kanyang pandarambong at paghihigpit sa kaniyang galamay sa ekonomiya at pulitika ng Pilipinas, kabilang dito ang Pax Silica at Luzon Economic Corridor.

Ang Pax Silica ay isang global supply chain sa kumpas ng Estados Unidos na nakapokus sa manufacture para sa semiconductors at artificial intelligence, sa pangakong industriya at trabaho para sa mga mamamayan. Ngunit sa likod ng mga pangakong ito ay ang higit na malalim na layunin ng imperyalistang US na tiyakin ang kontrol at seguridad ng sarili nitong supply chain at mga estratehikong industriya sa harap ng tumitinding tunggalian nito sa China.

Sa katwiran na pagsalag sa monopolyo ng China sa global supply ng Heavy Rare Earth Elements (HREE) at Critical Minerals, ang Pax Silica ay binuo noong Disyembre 2025 kabilang ang mahigit 25 na bansa, tulad ng Japan, Republic of Korea, United Kingdom, Israel, atbp. sa iba't ibang takdang kasunduan. Malaon ay isinama ang Pilipinas noong Abril 2026, na kung saan balak itayo ang mga data centers at ibang pasilidad ng Pax Silica sa New Clark City (NCC) sa Capas, Tarlac na may laking 1,618 ektarya ang sasakupin.

RENEWABLE ENERGY ANG PAGKUKUHANAN?

Kasabay ng pagpapalawak ng mga industrial at high-tech facilities ay ang lumalaking pangangailangan sa enerhiya. Ang mga data center, semiconductor facilities, advanced manufacturing plants, at iba pang imprastraktura ng digital economy ay nangangailangan ng napakalaking suplay ng kuryente.

Ipinapangalandakan ang renewable energy bilang pagkukunan ng proyekto na ito, kabilang dito ang MTerra Solar sa Nueva Ecija, ACWA Solar Plant sa NCC, at iba pang proyekto tulad ng windmills at hydropower. Ngunit hindi dapat gamitin ang salitang “renewable” upang pagtakpan ang mga epekto ng malalaking proyekto na ito sa lupa, tubig, agrikultura, pangisdaan, at kabuhayan ng mga katutubo at magsasaka.

NO 'PAX' IN PAX SILICA!

Dapat nating itanong: Para kanino ang kaunlarang ipinapangako? Sino ang tunay na makikinabang? At sino ang magbabayad nang kapalit nito?

Ang Pax Silica ay hindi lamang usapin ng teknolohiya, pamumuhunan, at industriya. Bahagi ito ng mas malawak na tunggalian ng mga makapangyarihang bansa para sa kontrol sa semiconductors, artificial intelligence, critical minerals, at iba pang estratehikong teknolohiya.

Habang ipinapangako ang “economic security” at “peace” sa pamamagitan ng Pax Silica, lalong inilulubog ang Pilipinas sa estratehikong interes at gerang paghahanda ng Estados Unidos.

Kaya walang tunay na kapayapaan kung ang Pilipinas ay ginagamit bilang piyesa sa estratehikong tunggalian ng malalaking kapangyarihan. Hindi dapat maging tagapag-suplay ng teknolohiya, enerhiya, likas-yaman at murang lakas-paggawa ang Pilipinas para sa imperyalistang interes.

Ang tunay na kapayapaan ay nakaugat sa pambansang kasarinlan, lupa para sa magsasaka, disenteng trabaho para sa manggagawa, at mga demokratikong karapatan para sa kapakanan ng sambayanan!

Kaya ang panawagan sa lahat ng artista ng bayan, magkaisa't lumaban para sa pambansang demokrasya't kasarinlan! Lumikha ng sining na mapaglilingkod sa bayan!

STOP US WAR AND AGRESSION!
LUPANG NINUNO, DEPENSAHAN!
TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!
ISULONG ANG PAMBANSANG INDUSTRIYALISASYON!
REJECT PAX SILICA! DEFEND CENTRAL LUZON!
LIPUNA'Y PANDAYIN, ARMAS ANG 'YONG SINING!

TAAS-KAMAO PARA SA HUMAN RIGHTS DEFENDERS!Ngayong International Human Rights Day, buong pagpupugay naming itinataas ang ...
10/12/2025

TAAS-KAMAO PARA SA HUMAN RIGHTS DEFENDERS!

Ngayong International Human Rights Day, buong pagpupugay naming itinataas ang lahat ng human rights defenders na walang tigil na nagtatanggol sa mamamayan sa kabila ng pananakot, red-tagging, at patuloy na pag-atake. Sila ang unang sumasama sa mga komunidad na matagal nang pinabayaan, unang humaharap sa mga biktima ng abuso, at unang tumutindig kapag sinisikil ang karapatan ng taumbayan. Sa kanilang araw-araw na pakikibaka, makikita ang tapang na dapat sana’y ginagawa ng estado—tapang na hindi umaatras, hindi napapagod, at hindi bumibitaw sa prinsipyo ng hustisya at dignidad.

Bilang mga artista ng bayan, kinikilala namin na ang aming sining ay higit pa sa pagtatanghal—ito ay daluyan ng paglaban, inspirasyon ng masa, at salamin ng mga katotohanang ipinaglalaban ng human rights defenders. Sa kanilang lakas at paninindigan namin hinuhugot ang sining na kumakampi, naglalantad, at patuloy na kumikilos. Kaya’t ngayong araw, malinaw ang aming panawagan: ipagtanggol ang mga nagtatanggol. Hangga’t may human rights defenders na handang tumindig para sa mamamayan, mananatiling buhay ang sining at kilusang nagtataguyod ng karapatan at kalayaan.

PAGPUPUGAY SA ISANG TUNAY NA ARTISTA NG BAYAN!✊🏻Pinakamataas na pagpupugay kay Antipas "Biboy"  Delotavo, ika’y mananati...
03/12/2025

PAGPUPUGAY SA ISANG TUNAY NA ARTISTA NG BAYAN!✊🏻

Pinakamataas na pagpupugay kay Antipas "Biboy" Delotavo, ika’y mananatiling buhay ang diwa niya sa bawat obra na naglalahad ng katotohanan at pakikibaka ng sambayanan. Isa sa pinakamatalim niyang ambag, "Ang Itak sa Puso ni Mang Juan," ay patuloy na sumasaksi na ang sining ay hindi luksang palamuti, kundi sandata ng masa mula sa welga ng mga manggagawa ng Coca-Cola hanggang sa bawat laban ng uring inaapi.

Bilang mga artista ng bayan, tulad ni Antipas, patuloy naming isinusulong ang sining na nakaugat sa masa, naglilingkod sa pakikibaka, at hindi natitinag sa harap ng pagsikil. Sa hagod ng kanyang mga kulay, itinuro niyang ang sining ay sandata—at ang bawat obra ay panawagan.

Mabuhay ka, Ka Antipas "Biboy" Delotavo. Mabuhay ang sining na naglilingkod sa masa.

ICYMI: Matagumpay ang kilos-protesta kontra korapsyon, ng mga kabataan ng Clark o BayaniONE!Nakiisa ang Panday Sining Pa...
22/11/2025

ICYMI: Matagumpay ang kilos-protesta kontra korapsyon, ng mga kabataan ng Clark o BayaniONE!

Nakiisa ang Panday Sining Pampanga sa malawak na pagtindig ng kabataan laban sa korapsyon, pagpapanawagan para sa dagdag badyet sa edukasyon, at pagtutol sa patuloy na pandarambong ng Rehimeng Marcos-Duterte!

Sa malawak na pagkilos ng UP Clark at National University - Clark, kaisa ang mga pambansa-demokratikong mga organisasyon ng Anakbayan, Panday Sining, Bahaghari at STAND UP, muling pinapatunayan sa kasaysayan na ang kabataan ang hindi nauubos na balon ng bagong henerasyon ng palaban at militanteng lider-aktibista.

Sa paparating na araw ni Bonifacio, ating isabuhay ang diwa ng pakikibaka ng Katipunan, ating palawakin ang ating hanay at malawakang kumilos. Isulong ang bagong tipo ng Pambansa-Demokrasya, na syang tunay na makakapagpalaya sa tanikala ng sambayanan!

PAG-ASA NG BAYAN, KABATAAN!
ARTISTA NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!

Address

Angeles City
2009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Panday Sining Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share