Angat Kalusugan Association Inc.

Angat Kalusugan Association Inc. Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Angat Kalusugan Association Inc., Nonprofit Organization, Angat Bulacan, Angat.

Happy Birthday po Mayora Lesslie Tigas Bautista !🎉
08/07/2025

Happy Birthday po Mayora Lesslie Tigas Bautista !🎉

Ilang kaarawan mo na ang dumaan nang hindi tayo nagkakasama dahil sa tawag ng aking tungkulin sa bayan. Salamat sa malawak mong pang-unawa. Maraming salamat din sa walang sawa mong pagsuporta sa aking adbokasiya—sa pagyakap mo ng tungkulin hindi lamang bilang ina ng ating mga anak kundi maging ang pagiging ina sa bayan ng Angat.

I may not be physically with you on your special day but remember that I will always be at your side forever. Happiest birthday Mommy! May you have an amazing day out there! I love you!

☝️
26/04/2025

☝️

angat ang PAGTUTULUNGAN sa Angat Kalusugan!Bilang bahagi ng ating nasimulang misyon, tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid n...
17/02/2025

angat ang PAGTUTULUNGAN sa Angat Kalusugan!

Bilang bahagi ng ating nasimulang misyon, tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid natin ng serbisyong medikal para sa ating mamamayang Angatenyo na nangangailangan ng atensyong medikal.

Maraming salamat po sa ating mga Angat Kalusugan Coordinator, sa paglalaan lagi ng oras upang kayo’y aming makatuwang sa paghahatid ng tulong sa mismong tahanan ng ating mga benepisyaryo, damang-dama ang inyong tunay na pagmamahal at malasakit para sa kapwa!🫶

Maraming salamat din po sa ating butihing Mayor Jowar Bautista sa patuloy na pagsuporta sa mga pangangailangang medikal ng ating mga kababayang Angatenyo.


26/01/2025

PAGPAPALAWIG NG “ANGAT KALUSUGAN”: BOLUNTARYONG GRUPO PARA SA SERBISYONG PANGKALUSUGAN

Pinalawak natin ang programang “Angat Kalusugan”, na naglalayong maghatid ng serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay. Ang boluntaryong grupong ito ay binubuo ng mga residente, health workers, medical professionals na nagtutulungan upang magbigay ng libreng konsultasyon, gamot, at impormasyon tungkol sa tamang pangangalaga sa kalusugan.

Kabilang sa mga inisyatiba ang regular na medical mission, dental check-ups, at health seminars. Sa pamamagitan ng mga on ground health services, naihatid ang mga serbisyong medikal sa mga liblib na lugar at mas mabilis na natutugunan ang pangangailangan ng komunidad.

Ang pagpapalawig ng programang ito ay patunay ng malasakit sa kalusugan ng mga Angatenyo. Layunin nitong tiyakin na ang bawat residente, anuman ang lokasyon, ay may access sa dekalidad na pangangalagang medikal.

26/01/2025

PAGTATAYO NG SUPER RHU: ALTERNATIBONG PAGAMUTAN PARA SA ANGAT

Upang mapalawak ang serbisyong medikal at masiguro ang agarang tulong sa mga nangangailangan, itinatag ang Super Rural Health Unit (Super RHU) sa bayan ng Angat sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jowar Bautista. Ang Super RHU ay dinisenyo bilang isang modernong alternatibong pagamutan na kayang tugunan ang mga pangunahing pangangailangang medikal ng mga residente.

Nilalayon ng pasilidad na ito na magbigay ng mas komprehensibong serbisyo tulad ng libreng konsultasyon, diagnostic tests, minor procedures, maternal care, at pagbabakuna. Bukod dito, mas pinaigting ang kapasidad ng Super RHU sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maraming medical equipment, gamot, at trained healthcare professionals upang matugunan ang mas malawak na saklaw ng mga pasyente.

Dahil sa mga mahihirap na pangangailangan sa pagtatayo ng isang ospital, sinikap natin na magkaroon ng pinakamainam, pinakamabilis at pinakapisbileng alternatibo sa pamamagitan ng Super RHU na napapakinabangan sa kasalukuyan.

Bukod dito, nagsikap ang pamahalaang lokal na maglaan ng pondo para sa TwinCare Hospital sa Angat upang makatulong sa mga gastusin ng mga pasyente na kinakailangang ma-admit o magpagamot doon. Sa ganitong paraan, nais tiyakin ng lokal na pamahalaan na ang bawat Angatenyo ay may sapat na suporta at akses sa mga serbisyong medikal kahit na wala pang pampublikong ospital sa bayan.

Patuloy tayong magsusumikap at gagawa tayo ng paraan upang sa mga susunod na panahon, makapagtayo tayo ng ospital para sa mas maayos at komprehensibong serbisyong pangkalusugan sa bayan.

26/01/2025

PAGLULUNSAD NG GAMUTAN SA BARANGAY (2022) AT MUNISIPYO SA BARANGAY (2024)

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jowar Bautista, inilunsad ang mga makabagong programang Gamutan sa Barangay (2022) at Munisipyo sa Barangay (2024) na layong magbigay ng mas malapit at mas accessible na serbisyo sa kalusugan at iba pang pangangailangan sa bawat komunidad.

Ang Gamutan sa Barangay na unang inilunsad noong 2022, ay nagbigay ng libreng konsultasyon at mga medikal na serbisyo sa mga residente ng bawat barangay, lalo na sa mga malalayong lugar. Sa pamamagitan ng programang ito, ang mga health workers ay dumadayo sa mga barangay upang magsagawa ng mga medical missions, libreng check-ups, at pagbibigay ng mga gamot, kaya’t mas napadali ang akses sa pangangalaga sa kalusugan ng mga Angatenyo.

Sumunod sa tagumpay ng Gamutan sa Barangay, inilunsad naman ang Munisipyo sa Barangay noong 2024, isang hakbang upang mas mapalapit ang mga serbisyo ng pamahalaang lokal sa bawat barangay. Layunin nitong maghatid ng mga serbisyong pang-administratibo, pati na rin ang mga programa at proyekto ng munisipyo, nang hindi na kinakailangang pumunta sa munisipyo mismo. Kasama sa mga serbisyong ito ang pag-aasikaso ng mga dokumento, mga konsultasyon ukol sa mga programa ng gobyerno, at iba pang serbisyong pangkomunidad.

Ang mga programang ito ay patuloy na nagpapatibay ng kahalagahan ng pamahalaang lokal na maghatid ng serbisyo nang direkta sa mga tao at tiyakin ang bawat isa sa bayan ng Angat na may agarang akses sa mga pangangailangan.

Patuloy nating palalawakin ang mga serbisyong ito upang mas maging magaan at mabilis ang pag-abot ng mga serbisyong pampamahalaan sa bawat Angatenyo.

Happy birthday po Mayor Jowar Bautista!💙Maraming salamat po sa pagiging isang mabuti, tapat at transparent na lider sa a...
25/01/2025

Happy birthday po Mayor Jowar Bautista!💙

Maraming salamat po sa pagiging isang mabuti, tapat at transparent na lider sa ating bayan.

Maraming salamat din po sa inyong di matatawarang pagsuporta sa mga pangangailangang medikal ng ating mga kababayang Angatenyo! Ang iyong tunay at totoong pagmamalasakit sa mamamayan ang syang magsisilbi sa aming inspirasyon upang ipagpatuloy ang pagtulong ng bukal sa loob at walang hinihintay na anumang kapalit.

Hiling namin sa Poong Lumikha na patuloy kayong pagkalooban ng maayos na kalusugan upang maipagpatuloy pa po ninyo ang inyong magandang hangarin para sa bayan at mamamayang Angatenyo!

23/01/2025


KOMPREHENSIBONG SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA LAHAT: PAGTATAYO NG DIALYSIS CENTER PARA SA MGA ANGATENYO

Naganap ang makasaysayang pagbubukas ng Dialysis Center para sa mga Angatenyo—isang mahalagang hakbang sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa ating bayan.

Ang Dialysis Center ay sagot sa matagal nang pangangailangan ng ating mga kababayang nangangailangan ng regular na gamutan. Hindi na nila kailangang bumiyahe pa sa ibang bayan, bawas ang gastusin at hirap sa kanilang mga pamilya.

Ang pagkakaroon ng sentrong ito ay hindi lamang isang proyekto; ito ay tagumpay para sa kalusugan, dignidad, at kaginhawaan ng bawat Angatenyo.

Address

Angat Bulacan
Angat
3012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angat Kalusugan Association Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share