Jowable Youth - Marungko

Jowable Youth - Marungko This account is managed privately by concerned youths of Marungko.

25/04/2026
Handa na ba kayo, runners? 🏃‍♂️✨Oras na para tumakbo—hindi lang para sa sarili, kundi para sa mas makabuluhang layunin!N...
23/04/2026

Handa na ba kayo, runners? 🏃‍♂️✨

Oras na para tumakbo—hindi lang para sa sarili, kundi para sa mas makabuluhang layunin!

Narito ang opisyal na Route Map at mahahalagang detalye para sa inyong ligtas at maayos na takbuhan. Basahin at tandaan ang inyong ruta! 👇

📍 ECOMILES LEARNERS SMILE FUN RUN ROUTE MAP

✅ 5KM Route

• Magsisimula sa New Municipal Hall of Angat
• Dadaan sa Sta. Lucia area
• U-turn point: Angat New Cockpit Arena
• Babalik sa New Municipal Hall

✅ 10KM Route

• Magsisimula sa parehong starting point
• Dadaan sa 5KM route
• Magpapatuloy papasok sa Brgy. Baybay at Brgy. Banaban
• U-turn point: Brgy. Hall of Banaban
• Babalik sa New Municipal Hall

🕓 Assembly Time: 4:30 AM
🏁 Gun Start:
• 10KM – 5:00 AM
• 5KM – 5:30 AM
📍 Meeting Place: Harap ng New Municipal Hall of Angat

💧 Hydration Stations – matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng ruta

🚑 Medical & Ambulance Support – handa para sa inyong kaligtasan

Sa bawat hakbang ninyo, may buhay na napapasaya at nabibigyan ng pag-asa. 🩵

Magkita-kita tayo sa starting line!

16/04/2026
Sa pagsisimula ng panibagong taon 2026, matagumpay nating isinagawa ang Gabay Kabataan Orientation katuwang ang JOWABLE ...
13/03/2026

Sa pagsisimula ng panibagong taon 2026, matagumpay nating isinagawa ang Gabay Kabataan Orientation katuwang ang JOWABLE YOUTH Organization sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Angat. Layunin nitong tipunin at makilala ang mga kabataang iskolar at benepisyaryo ng educational assistance noong nakaraang Disyembre 2025 na handang magsilbing inspirasyon sa kapwa nila kabataan. Ginanap ang orientation sa mga sumusunod na petsa:

• January 17, 2026
Brgy. Laog
Brgy. Sto. Cristo

• January 18, 2026
Brgy. San Roque
Brgy. Sta. Cruz

• January 24, 2026
Brgy. Encanto

• January 25, 2026
Brgy. Pulong Yantok

• January 31, 2026
Brgy. Paltok
Brgy. Niugan

• February 7, 2026
Brgy. Marungko
Brgy. Sulucan

• February 8, 2026
Brgy. Donacion
Brgy. Taboc

• February 14, 2026
Brgy. Banaban
Brgy. Baybay

• February 15, 2026
Brgy. Binagbag
Brgy. Sta. Lucia

Sa temang Sustaining Educational Assistance through Values Formation and Leadership Training, binigyang-diin na ang educational assistance ay hindi lamang tulong pinansyal, kundi isang pangmatagalang pamumuhunan sa paghubog ng karakter at kakayahan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng values formation, pinatatatag ang disiplina, integridad, at malasakit; habang sa leadership training naman ay hinahasa ang kanilang kakayahan sa pamumuno at aktibong pakikilahok sa komunidad, sa pamamagitan ng iba't ibang mga project proposal ng mga kabataan nakita rin ang kakayanan nilang magbigay ideya sa mga programang para sa kapakinabangan ng kapwa kabataan.

Sa Gabay Kabataan, patuloy nating inaalalayan ang bawat iskolar upang maging huwarang mag-aaral ngayon at epektibong lider-kabataan ng bayan bukas.

GABI NG PARANGAL 2026: DALUBHASA NG BAYAN — DANGAL AT MAG-AANGAT NG PAMAYANAN Mga Kabataang Angatenyo, inaanyayahan nami...
10/02/2026

GABI NG PARANGAL 2026: DALUBHASA NG BAYAN — DANGAL AT MAG-AANGAT NG PAMAYANAN

Mga Kabataang Angatenyo, inaanyayahan namin kayo para sa isang gabi ng pagdiriwang ng inyong tagumpay at upang ipakita sa buong bayan ang bunga ng inyong sipag, at dedikasyon!

Ang Gabi ng Parangal 2026 ay para sa inyo — ang mga dalubhasang nagsumikap, nagtagumpay, at patuloy na nagbibigay dangal sa ating komunidad.

📅 Petsa: March 7, 2026
📍 Lugar: Angat Municipal Gymnasium

💡 MAG-REGISTER NA!

Sundin lamang ang mga hakbang:

1️⃣ Punan ang registration form dito:

https://forms.gle/4jkjG5J65FFCuhtS9

2️⃣ Siguraduhing tama ang iyong impormasyon.

3️⃣ Hintayin ang confirmation message para sa iyong pagdalo.

📌 Deadline ng Registration: February 22, 2026

Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng gabi ng inspirasyon, pagpupunyagi, at pagkilala sa mga kabataang nagtagumpay sa kanilang mga piniling larangan.

Muli, isang malugod na pagbati sa ating mga bagong Dalubhasa ng Bayan!

Noong ika-7 ng Pebrero 2026, matagumpay na isinagawa ang JOWABLE Youth Orientation Barangay Assembly kasabay ang Gabay K...
10/02/2026

Noong ika-7 ng Pebrero 2026, matagumpay na isinagawa ang JOWABLE Youth Orientation Barangay Assembly kasabay ang Gabay Kabataan Sustaining Educational Support and Youth Empowerment thru Values Formation and Leadership sa Marungko Multipurpose Court, sa pakikipagtulungan ng Local Youth Development Council. Ang nasabing programa ay naglalayong magsilbing plataporma sa pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan ng mga kabataan hinggil sa kanilang mahalagang papel sa komunidad at sa patuloy na pag-unlad ng bayan.

‎Sa nasabing pagtitipon, isinagawa ang mga talakayan ukol sa kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng kabataan, gayundin ang malaking impluwensiya ng kanilang mga ideya, pananaw, at kontribusyon sa paghubog ng isang responsableng pamayanan. Binibigyang-diin din ng programa ang layunin nitong makapagbigay kaalaman tungkol sa importansya at kahalagahan ng boses ng bawat mamamayan, lalo na ng kabataan, bilang mahalagang salik sa demokratikong proseso at sa pagkamit ng mabuting pamamahala sa bayan.

🌱💖 Bawat hakbang, may kabuluhan!Inihahandog ng Angat Runners, sa pakikipagtulungan sa Angat Local Youth Development Coun...
09/02/2026

🌱💖 Bawat hakbang, may kabuluhan!

Inihahandog ng Angat Runners, sa pakikipagtulungan sa Angat Local Youth Development Council (LYDC) ang Eco Miles – Learners Smile Fun Run.

Sa darating na ika-25 ng Abril, 2026, makiisa at tumakbo para sa makabuluhang layunin na hindi lang para sa kalusugan, kundi para rin sa Angateñong kabataan! 🥰

Ang malilikom na proceeds ay ilalaan para sa mga piling mag-aaral ng pampublikong paaralan sa Bayan ng Angat. 📝📖


📌 Para sa mga nais sumali:

1️⃣ Mag rehistro sa link below:

https://forms.gle/m9QqimWrfbedweKL6

Scan the QR code para sa online registration at payment.

2️⃣ Mag-register manually sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Angat LYDC o Angat Runners pages

🎁 Ang distribution ng race shirts at bib numbers ay iaannounce soon, kasama ang iba pang surprises gaya ng papremyo at kaabang-abang na panauhin.

Sama-sama tayong tumakbo para sa kalikasan, sa kabataan, at para sa kinabukasan ng bayan ng Angat. 💜💙

SINIMULAN ANG PEOPLE’S COUNCIL PARA SA PARTICIPATIVE GOVERNANCE
02/02/2025

SINIMULAN ANG PEOPLE’S COUNCIL PARA SA PARTICIPATIVE GOVERNANCE

SINIMULAN ANG PEOPLE’S COUNCIL PARA SA PARTICIPATIVE GOVERNANCE
Isinulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang pagtatatag ng People’s Council bilang bahagi ng adbokasiya para sa participative governance. Ang konsehong ito ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang kabataan, mga negosyante, manggagawa, magsasaka, kababaihan, senior citizens, at iba pang grupo, upang magkaroon sila ng direktang partisipasyon sa mga usaping panlipunan at pangkaunlaran ng bayan.

Sa pamamagitan ng People’s Council, mas titibay ang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mamamayan. Ang kanilang mga mungkahi at pananaw ay isasaalang-alang sa paggawa ng mga polisiya at programa, tinitiyak na ang bawat desisyon ng pamahalaan ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga Angatenyo.

Ang pagtataguyod ng bukas at inklusibong pamamahala ay isa sa mga pangunahing layunin ng ating administrasyon. Sa pamamagitan ng konsehong ito, ipinapakita natin na ang gobyerno ay hindi lang para sa tao, kundi kasama mismo ang tao sa paggawa ng solusyon at pagpapaunlad ng ating bayan.

Address

Angat
3012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jowable Youth - Marungko posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Jowable Youth - Marungko:

Share