Jowable Youth

Jowable Youth Ang JOWABLE Youth ay itinatag ng kasalukuyang Mayor Jowar Bautista sa bayan ng Angat, Bulacan.

Isa ka sa mga members ng JOWABLE Youth na nakitaan ng leadership potential. Sa huling meeting nga natin, sinabi mo na gu...
07/08/2026

Isa ka sa mga members ng JOWABLE Youth na nakitaan ng leadership potential. Sa huling meeting nga natin, sinabi mo na gusto mong tumakbong SK Kagawad. Kasama ka rin sa mga mahaharot pero masisipag na JOWABLE na kinareer ang pagbebenta ng lugaw para makaipon ng pang-Baguio.

How can we now fulfill all those plans and dreams you once shared? Ang dami mo pang gustong gawin. Ang dami mo pang puwedeng marating.

Maybe your death has a deeper purposeβ€”something beyond what we can understand today. But one thing is certain: you lived a life that made a difference. You left footprints through your service, your leadership, and your willingness to help others.
Mananatili sa alaala namin ang mga naiambag mo sa community service at ang inspirasyong iniwan mo sa kapwa kabataan.

Fly high, Alexa Medina . May your soul rest in eternal peace. You will always be remembered.

π“πˆππ€π“π€π–π€π†π€π 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 π˜πŽπ”π“π‡  𝐀𝐓 π˜πŽπ”π“π‡-π’π„π‘π•πˆππ† πŽπ‘π†π€ππˆπ™π€π“πˆπŽππ’ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆𝐀𝐓Naniniwala ang Local Youth Development O...
23/07/2026

π“πˆππ€π“π€π–π€π†π€π 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 π˜πŽπ”π“π‡ 𝐀𝐓 π˜πŽπ”π“π‡-π’π„π‘π•πˆππ† πŽπ‘π†π€ππˆπ™π€π“πˆπŽππ’ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆𝐀𝐓

Naniniwala ang Local Youth Development Office (LYDO) – Municipality of Angat na ang isang organisadong kabataan ay mahalagang katuwang sa pagbuo ng isang mas maunlad, mas aktibo, at mas responsableng komunidad. Kaya naman, inaanyayahan namin ang lahat ng Youth Organizations at Youth-Serving Organizations sa Bayan ng Angat na maging bahagi ng Youth Organization Registration Program (YORP).

Ang YORP ay programa ng National Youth Commission (NYC) na naglalayong kilalanin at irehistro ang mga organisasyong kabataan upang maging katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa pag-unlad ng kabataan at ng komunidad.

✨ ππ€πŠπˆπ“ πŒπ€π‡π€π‹π€π†π€ππ† πŒπ€π†ππ€π‘π„π‡πˆπ’π“π‘πŽ?

βœ”οΈ Opisyal na pagkilala bilang rehistradong Youth Organization
βœ”οΈ Pagkakataong makalahok sa leadership trainings at capacity development programs
βœ”οΈ Mas malawak na networking opportunities sa kapwa youth organizations
βœ”οΈ Access sa mga programa ng National Youth Commission (NYC) at mga oportunidad mula sa lokal na pamahalaan
βœ”οΈ Mas malakas na representasyon at boses ng organisadong kabataan sa komunidad
βœ”οΈ Pagkakataong maging katuwang ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pagpapatupad ng mga programang pangkabataan.

πŸ“Œ π’πˆππŽ 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐖𝐄𝐃𝐄𝐍𝐆 π’π”πŒπ€π‹πˆ?

β€’ Community-based youth organizations
β€’ School-based youth organizations
β€’ Faith-based youth organizations
β€’ Youth-serving organizations

πŸ“„ πŒπ†π€ πŠπ€πˆπ‹π€ππ†π€π

β€’ Accomplished Angat LYDO & NYC Registration Form
β€’ Endorsement Letter from Appropriate Authority
β€’ Constitution and By-Laws
β€’ Letter of Intent
β€’ List of Officers, Adviser, at Members in Good Standing
β€’ General Plan of Activities

πŸ“ 𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀 πŠπ€ππ€π“π€π€π, π’π”πŒπ€π‹πˆ 𝐍𝐀!

πŸ“„ Template Forms:
πŸ”— https://tinyurl.com/LYDO-NYC-YORP-TEMPLATE
πŸ”— https://tinyurl.com/LYDO-NYC-YORP-TEMPLATE
πŸ”— https://tinyurl.com/LYDO-NYC-YORP-TEMPLATE

πŸ“ Registration Link:
πŸ”— https://tinyurl.com/REGISTRATION-YORP
πŸ”— https://tinyurl.com/REGISTRATION-YORP
πŸ”— https://tinyurl.com/REGISTRATION-YORP

ℹ️ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŠπ€π‘π€π†πƒπ€π†π€ππ† πˆπŒππŽπ‘πŒπ€π’π˜πŽπ

πŸ“§ Email: [email protected]
πŸ“ Local Youth Development Office (LYDO) – Municipality of Angat

Sama-sama nating palakasin ang mga organisasyong kabataan at itaguyod ang isang mas aktibo, organisado, at empowered na komunidad ng mga kabataang AngateΓ±o.

Nakiisa ang JOWABLE Youth sa Agapay sa Pag-angat ng Karunungan: Brigada Eskwela 2026 noong Hunyo 01 -05, upang maghatid ...
08/07/2026

Nakiisa ang JOWABLE Youth sa Agapay sa Pag-angat ng Karunungan: Brigada Eskwela 2026 noong Hunyo 01 -05, upang maghatid ng suporta at pag-asa sa mga kabataang higit na nangangailangan.

Sa pakikipagtulungan ng iba't ibang katuwang na organisasyon at ng Pamahalaang Bayan ng Angat, personal na naipamahagi ang mga school supplies sa mga mag-aaral ng mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan bilang paghahanda sa panibagong taong panuruan.

Naniniwala ang JOWABLE Youth na ang bawat munting tulong ay may kakayahang makapagbigay ng malaking pagbabago. Sa bawat school supply na naipamahagi, kasabay din nitong naiparating ang mensaheng may isang komunidad na handang umalalay at maniwala sa pangarap ng bawat kabataan.

Lubos ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Angat, Angat Local Youth Development Council, kay Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, at sa lahat ng mga katuwang at volunteers na naging bahagi ng programang ito.

Patuloy kaming makikiisa sa mga programang nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kabataang AngateΓ±o, sapagkat ang bawat pangarap ay nararapat suportahan.

Sa bawat punlang naitanim, may kabataang piniling kumilos para sa kalikasan. 🌱Sa pamamagitan ng Luntiang Kinabukasan: Is...
05/07/2026

Sa bawat punlang naitanim, may kabataang piniling kumilos para sa kalikasan. 🌱

Sa pamamagitan ng Luntiang Kinabukasan: Isang Punla para sa Ligtas at Panatag na Bayan ng Angat, nakiisa ang JOWABLE Youth sa sama-samang adhikain na pangalagaan ang ating kapaligiran at mag-iwan ng luntiang pamana para sa susunod na henerasyon.

Ang bawat punlang itinanim ay hindi lamang simbolo ng pangangalaga sa kalikasan, kundi paalala rin na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagbuo ng isang ligtas, matatag, at maunlad na komunidad. Sa bawat pagkilos, naipapakita natin na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa simpleng pagtatanim at sama-samang pagkilos.

Lubos ang aming pasasalamat sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (Mdrrmo Angat), Angat Local Youth Development Council sa pangunguna sa makabuluhang programang ito, gayundin kay Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, sa lahat ng katuwang na organisasyon, at sa bawat boluntaryong naglaan ng oras at lakas upang maisakatuparan ang gawaing ito.
Patuloy nating patunayan na ang kabataang may malasakit sa kalikasan ay kabataang handang manguna para sa bayan.

Magtanim ngayon, magbigay ng pag-asa para sa kinabukasan. πŸ€

⏳ LESS THAN 24 HOURS LEFT! πŸƒβ€β™‚οΈπŸƒβ€β™€οΈFinal countdown na! Hanggang midnight na lang ang registration for Eco Miles – Learne...
16/04/2026

⏳ LESS THAN 24 HOURS LEFT! πŸƒβ€β™‚οΈπŸƒβ€β™€οΈ

Final countdown na!

Hanggang midnight na lang ang registration for Eco Miles – Learners Smile Fun Run 2026 at hindi na ito mae-extend. ❌⏰

⚠️ Limited slots na lang din ang natitira! Kaya kung sasama ka, ngayon na ang time πŸ‘€

Huwag palampasin ang takbong may puso para sa kalikasan at sa kinabukasan ng kabataang AngateΓ±o. πŸŒ±πŸ“š

Ito na β€˜yung last chance mo… sasama ka ba? πŸ’–

πŸ‘‰ REGISTER HERE: https://forms.gle/ZXhwptSDQoYDJewKA

πŸ“ April 25, 2026 | Angat, Bulacan

πŸŒ±πŸ’– Bawat hakbang, may kabuluhan!Inihahandog ng Angat Runners, sa pakikipagtulungan sa Angat Local Youth Development Coun...
25/03/2026

πŸŒ±πŸ’– Bawat hakbang, may kabuluhan!

Inihahandog ng Angat Runners, sa pakikipagtulungan sa Angat Local Youth Development Council (LYDC) ang Eco Miles – Learners Smile Fun Run.

Sa darating na ika-25 ng Abril, 2026, makiisa at tumakbo para sa makabuluhang layunin na hindi lang para sa kalusugan, kundi para rin sa AngateΓ±ong kabataan! πŸ₯°

Ang malilikom na proceeds ay ilalaan para sa mga piling mag-aaral ng pampublikong paaralan sa Bayan ng Angat. πŸ“πŸ“–


πŸ“Œ Para sa mga nais sumali:

1️⃣ Mag rehistro sa link below:

https://forms.gle/m9QqimWrfbedweKL6

Scan the QR code para sa online registration at payment.

2️⃣ Mag-register manually sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Angat LYDC o Angat Runners pages

🎁 Ang distribution ng race shirts at bib numbers ay iaannounce soon, kasama ang iba pang surprises gaya ng papremyo at kaabang-abang na panauhin.

Sama-sama tayong tumakbo para sa kalikasan, sa kabataan, at para sa kinabukasan ng bayan ng Angat. πŸ’œπŸ’™

10/02/2026

GABI NG PARANGAL 2026: DALUBHASA NG BAYAN β€” DANGAL AT MAG-AANGAT NG PAMAYANAN

Mga Kabataang Angatenyo, inaanyayahan namin kayo para sa isang gabi ng pagdiriwang ng inyong tagumpay at upang ipakita sa buong bayan ang bunga ng inyong sipag, at dedikasyon!

Ang Gabi ng Parangal 2026 ay para sa inyo β€” ang mga dalubhasang nagsumikap, nagtagumpay, at patuloy na nagbibigay dangal sa ating komunidad.

πŸ“… Petsa: March 7, 2026
πŸ“ Lugar: Angat Municipal Gymnasium

πŸ’‘ MAG-REGISTER NA!

Sundin lamang ang mga hakbang:

1️⃣ Punan ang registration form dito:

https://forms.gle/4jkjG5J65FFCuhtS9

2️⃣ Siguraduhing tama ang iyong impormasyon.

3️⃣ Hintayin ang confirmation message para sa iyong pagdalo.

πŸ“Œ Deadline ng Registration: February 22, 2026

Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng gabi ng inspirasyon, pagpupunyagi, at pagkilala sa mga kabataang nagtagumpay sa kanilang mga piniling larangan.

Muli, isang malugod na pagbati sa ating mga bagong Dalubhasa ng Bayan!

Limang taon ng pagkilos na pinanday ng tapang, malasakit, at paniniwala sa kakayahan ng kabataan.Sa paglipas ng panahon,...
25/01/2026

Limang taon ng pagkilos na pinanday ng tapang, malasakit, at paniniwala sa kakayahan ng kabataan.

Sa paglipas ng panahon, ang Jowable Youth ay naging isang tahanan para sa mga kabataang handang matuto, kumilos, at magbahagi ng oras at lakas para sa kapwa. Sa bawat programang naisakatuparan, mas pinagtitibay ang paniniwalang ang kabataan ay hindi lamang tagasunod, kundi mga lider na may malasakit at paninindigan.

Sa pagdiriwang ng Ikalimang Taon ng Pagkakatatag, patuloy nating pinanghahawakan ang adhikaing magsilbiβ€”tahimik man o lantadβ€”para sa komunidad at sa mas makabuluhang bukas. Ito ay paalala na may puwang para sa mga kabataang handang makiisa, makaramdam, at maging bahagi ng patuloy na pagkilos.

Magsilbing inspirasyon, kumilos nang may puso, at patuloy na maging liwanag para sa bukas.

Maligayang kaarawan, Mayor Reynante β€œJOWAR” Bautista πŸŽ‰Ang JOWABLE Youth ay isinilang mula sa paniniwalang ang kabataan a...
25/01/2026

Maligayang kaarawan, Mayor Reynante β€œJOWAR” Bautista πŸŽ‰

Ang JOWABLE Youth ay isinilang mula sa paniniwalang ang kabataan ay may kakayahang manguna, magmalasakit, at maglingkod nang may layunin. Sa likod ng paniniwalang ito ay isang lider, isang ama ang piniling magtiwala, makinig, at magbukas ng mga pintuan para sa mas marami.

Sa inyo pong kaarawan, muli naming pinagtitibay ang adhikaing patuloy na maglingkodβ€”hindi para sa pagkilala, kundi para sa kapwa at sa kinabukasan. Ang inyo pong paggabay ay nagsisilbing paalala na ang tunay na pamumuno ay nasusukat sa mga kabataang patuloy na tumitindig at kumikilos.

Maraming salamat po sa inspirasyon at tiwalang patuloy ninyong ipinagkakaloob. Kasama po ninyo kami sa pagpapatuloy ng paglilingkod at paghubog ng kabataang may malasakit at paninindigan.

Address

Angat, Bulacan
Angat
3012

Telephone

+639195550650

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jowable Youth posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Jowable Youth:

Shortcuts

Share