17/05/2026
✨🎓 VACATION CHURCH SCHOOL 2026 GRADUATION CEREMONY 🎓✨
Theme: “Ako ay Kawangis ng Diyos”
📖 “Kung paanong ang katawan ay iisa ngunit maraming bahagi, at ang lahat ng bahagi ng katawan na iyon ay bumubuo ng iisang katawan, gayundin naman kay Cristo.”
— 1 Corinto 12:12-27 🤍
Una sa lahat, taos-puso po kaming nagpapasalamat at nagpupuri sa ating Amang Diyos at kay Hesukristo sa walang sawang paggabay, pagmamahal, at pagpapala na ipinagkaloob Niya sa amin sa buong paglalakbay ng Vacation Church School 2026. 🙏🏻✨
Sa bawat araw na aming pinagsamahan, tunay naming naramdaman ang presensya at kabutihan ng Panginoon. Siya ang naging sandigan ng bawat volunteer, g**o, at bata upang maging matagumpay, masaya, at makabuluhan ang aming VCS journey. Hindi man naging madali ang lahat, ngunit dahil sa biyaya ng Diyos, nalampasan namin ang bawat hamon nang puno ng pananampalataya at pagmamahalan. 🤍
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa Vacation Church School 2026, lalo na sa aming mga batang VCS na buong siglang nakilahok, natuto, at nagbahagi ng kanilang mga talento at ngiti. Kayo ang tunay na inspirasyon ng programang ito. 💖
Maraming salamat din po sa mga magulang na nagbigay ng kanilang tiwala, suporta, at pagmamahal sa amin upang maiparanas sa kanilang mga anak ang isang makabuluhang paglalakbay kasama si Lord. Salamat po sa inyong walang sawang pag-alalay at pakikiisa. ✨
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors na naging malaking bahagi ng tagumpay ng aming Vacation Church School 2026. Sa mga naglaan po ng pagkain para sa aming mga bata — Mrs. Florencia Casco, Mrs. Tessy Cardona, Mr. and Mrs. Nipay, at Ms. Jane Gavino — maraming salamat po sa inyong kabutihan at bukas-palad na pagbabahagi. Dahil po sa inyong tulong, naging mas masaya, mas espesyal, at mas makahulugan ang bawat araw ng aming VCS. Tunay pong naramdaman ng mga bata ang inyong pagmamahal at malasakit sa pamamagitan ng simpleng handog na pagkain na inyong ipinagkaloob. 🍱💖
Lubos din po naming pinasasalamatan ang Sangguniang Bayan Members para sa mga tokens na ipinagkaloob sa aming mga bata. Ang inyong suporta at generosity ay naging inspirasyon at nagbigay ng dagdag na saya at alaala sa aming mga participants. Ang inyong kabutihan ay hindi po namin malilimutan, at dalangin namin na patuloy kayong pagpalain ng ating Panginoon. 🎁✨
Nagpapasalamat din po kami sa Parish Council of Anao Ifi Anao sa kanilang tulong at suporta para maging matagumpay ang programang ito. 🤍
Isang espesyal at taos-pusong pasasalamat po kay Sr. Teodora Gonzales para sa kanyang walang sawang suporta, kabutihan, pag-unawa, at pagmamahal sa aming lahat. Ang inyong malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa Panginoon ay tunay naming hinahangaan at pinahahalagahan. Nawa’y patuloy po kayong pagpalain at bigyan ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, at masaganang biyaya.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat kay Deacon Joseph Ramiterre sa kanyang paggabay at pagbsuporta upang maging maayos, makabuluhan, at matagumpay ang aming Vacation Church School 2026. Nawa’y patuloy po kayong gamitin ng Panginoon bilang instrumento ng Kanyang pagmamahal at salita.
Lubos din po naming kinikilala at pinasasalamatan ang aming Diocesan Bishop of Tarlac, Right Reverend Gilbert G. Garcia, sa kanyang pagmamahal, suporta, at pagpapala sa aming Vacation Church School 2026. Maraming salamat po sa inyong patuloy na paggabay at pagpapaalala sa amin ng kahalagahan ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa Diyos. Ang inyong dedikasyon sa Simbahan at sa pagpapalago ng pananampalataya ng kabataan ay tunay na inspirasyon sa aming lahat. Isa pong malaking karangalan para sa amin ang inyong suporta at presensya sa programang ito. Dalangin po namin na patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng lakas, karunungan, at mabuting kalusugan upang maipagpatuloy ninyo ang inyong banal na misyon sa paglilingkod. 🤍🙏🏻
Sa pagtatapos ng aming VCS 2026, dala-dala namin ang mga aral, alaala, at pagmamahal na aming nabuo bilang iisang pamilya kay Kristo. Nawa’y manatili sa puso ng bawat bata ang katotohanang sila ay tunay na “Kawangis ng Diyos.” 🤍
To God be all the Glory! ✨
Photographer: Lovely Quemado
Food Sponsors:
Florencia Casco
Tessy Cardona
Mr. and Mrs. Nipay
Tokens:
Sb Members