19/07/2026
Isang taos-pusong pagbati kay John Prince F. Sausa ng Pacac Integrated School sa pagwawagi bilang 1st Runner-up sa NutriArt Contest bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-52nd Nutrition Month sa Bayan ng Allacapan.
Ang iyong husay, sipag, at pagkamalikhain ay tunay na kahanga-hanga at nagsilbing inspirasyon sa maraming kabataan. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang karangalan para sa iyong paaralan kundi maging sa buong komunidad ng Pacac.
Nawa'y patuloy mong pagyamanin ang iyong talento at gamitin ito upang magbigay-inspirasyon sa iba. Muli, taos-pusong pagbati sa iyong napakagandang tagumpay. Patuloy mong ipagmalaki ang Pacac! ๐๐จ๐
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-52nd Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo, matagumpay na isinagawa ng Local Government Unit of Allacapan ang NutriArt Contest (Elementary Level) at Poster Making Contest (High School Level) kahapon, Hulyo 18, 2026, sa Municipal Function Hall.
Dinaluhan ito ni Vice Mayor Jay-Ar D. Florida, na naghatid ng mensahe ng pagbati at paghanga sa mga mag-aaral, g**o, at mga magulang na patuloy na sumusuporta sa mga gawaing nagtataguyod ng wastong nutrisyon at paglinang ng talento ng kabataan.
Sa NutriArt Contest, itinanghal bilang kampeon si Stephany Aleph P. Cortez ng Cataratan Integrated School. Nakuha naman ni John Prince F. Sausa ng Pacac Integrated School ang 1st Runner-up, sinundan ni Uoiea M. Tangonan ng Tubel Elementary School bilang 2nd Runner-up, habang si Chantelle Joy F. Arquillo ng San Juan Elementary School ang nagkamit ng 3rd Runner-up.
Samantala, sa Poster Making Contest, nasungkit ni Angeline A. Talania ng Alig Valley National High School ang kampeonato. Itinanghal namang 1st Runner-up si Precious Zeryle B. De Guzman ng Allacapan Vocational High School, 2nd Runner-up si Mark Kenneth Corpuz ng Utan Integrated School, at 3rd Runner-up si Sarah T. Alnuaimi ng Allacapan Institute.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Municipal Nutrition Action Officer Francess Ann Salud, katuwang ang kaniyang mga staff at mga Barangay Nutrition Scholars (BNS).
Layunin ng aktibidad na mahikayat ang mga kabataan na maipahayag ang kahalagahan ng wastong nutrisyon sa pamamagitan ng sining, bilang suporta sa pagdiriwang ng ika-52nd Nutrition Month.