05/06/2025
🌟TARA NA,UISians!BRIGADA ESKWELA 2025 NA! 🌟
Magsimula tayong muli—mas masigla, mas makulay, at mas nagkakaisa!
Inaanyayahan namin ang lahat ng UIS'ians—mga guro,mga magulang,mga mag-aaral,at mga kaagapay ng paaralan na makiisa sa Brigada Eskwela 2025 mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 13! Sama-sama nating linisin, ayusin, at pagandahin ang ating paaralan bilang paghahanda sa bagong taon ng pagkatuto. 🧹🏫
Hindi lang ito simpleng gawain,ito’y simbolo ng bayanihan ng bawat UIS'ian.
Kaya halina’t ipinta natin ang tagumpay gamit ang sipag, tiyaga, at pagmamahal sa ating paaralan.
Sa Brigada, bawat tulong ay mahalaga. Bawat isa, may ambag.
UISians, G na ba kayo?
📌 Mark your calendars: June 9–13!