14/06/2026
WALANG HANGGANG PASASALAMAT PO SA INYONG LAHAT!
Lubos at taos-puso ang pasasalamat ng Sangguniang Kabataan, sa pangunguna ni SK Chairperson Gyo Emmanuel Catapang, sa matagumpay na pagtatapos ng paSiKatan League 2026 at sa Awarding Ceremony na naganap noong ika-8 ng Hunyo, taong 2026. Lubhang imposible ang proyektong ito kung wala ang lahat ng mga taong nag-abot ng tulong pinansyal, sa lahat ng matyagang tumulong pamula sa paghahanda para sa liga hanggang sa awarding ceremony laloโt higit ang lahat ng mga Active Youth na hindi alintana ang pagod at puyat, sa lahat ng mga sumuporta, mga nakiisa, mga manlalaro, sa mga opisyal, at sa lahat ng kabataang nagpamalas ng pakikiisa sa Sanguniang Kabataan.
Lubos rin po kaming nagpapasalamat sa ating minamahal na Mayora, Mayor, Jo-Ann Ponggos at sa Sangguniang Bayan sa kanilang paghahandog ng mga Trophy at Medals para sa lahat ng mga nanalong indibidwal at koponan sa ating paliga. Napakalaking tulong po nito laloโt higit sa limitadong pondo ng Sangguniang Kabataan para sa proyektong ito. Kayaโt taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyo, Mayora!
Kaugnay naman ng idinaos na awarding ceremony, binabati ng Sangguniang Kabataan ang lahat ng mga kabataang manlalaro ng Munlawin Norte! Sa lahat ng mga nanalo at mga hindi pinalad, lahat kayo ay ipinagmamalaki namin! Ang taglay niyong talento ay isang biyaya na nararapat maipagmalaki ng ating barangay. Patuloy nawa kayong sumuporta at makiisa sa lahat ng proyekto at aktibidades ng Sanggunian.
Muli po, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Hanggang sa susunod na liga, Munlawin!