20/03/2024
Stakeholders must know this..
Tatlong uri ng takot ni g**ong Juan
Unang takot
ay ang takot na mapariwara
ang buhay ng kabataan
kaya ng ito ay kanyang makitang
may binubully, naninigarilyo, nag-iinum, nagbubulakbol o hindi nakikinig
sa silid-aralan ay kanyang pinagsabihan
ngunit pumasok si PANGALAWANG TAKOT
Pangalawang takot
ay baka mabaliktad siya
dahil nung pinagsabihan
o napagalitan nya ang bata
ay naging feeling "AAffeee" ito
kaya ngayon ang g**ong
nagmamalasakit
ay siya ng naging HALIMAW
sa mata ng karamihan.
PANGATLONG TAKOT
dahil feeling "afffeee"
si batang napagsabihan
ito ay nagsumbong sa kanyang magulang
at ang pobreng g**o ay kanilang pinagtulungan,
pinisbook sinumbong
sa kung saan-saan at tinakot na patatanggalan ng lisensiya upang di na pamarisan...
Eh ang tanong bakit ba ang bata ay nagkaganyan?
baka naman pera lang ang pinabaon nyo pagpasok sa paaralan
at nakalimutan ang habilin na huwag makikipagaway at huwag magbisyo at
higit sa lahat igalang ang inyong PANGALAWANG MAGULANG.
ANG TANONG?
Ano ba ang mas gusto nyo, sitahin ang maling gawain o hayaan nalang para kahit papano hindi nayuyurakan ang pagkatao ni g**ong Juan at ang lisensiya ay nasa maayos pang kalagayan.?
Anong g**o ang mas nakakatakot?
ung nagagalit sa maling gawain o pinagsasawalang bahala ang tungkulin
dahil sa rasong sa dulo siya rin
ang babaliktarin?
by:sir Jovelano Urzame