09/03/2026
Ipinababatid po sa publiko
Paunawa sa Publiko mula sa Tanggapan ng Punong Lungsod
Dahil sa sunud-sunod na reklamong natanggap ng aming tanggapan kaugnay sa ilegal na pangongolekta ng pera ng isang nagngangalang Mark Herrera, kapalit ng mga pekeng proyektong iniuugnay sa Pamahalaang Lungsod ng Dasmariñas, mahigpit naming pinag-iingat ang publiko.
Si Mark Herrera ay hindi binigyan ng anumang awtoridad o pahintulot ng aming tanggapan upang pumasok sa alinmang transaksyon na may kinalaman sa mga proyekto gaya ng konstruksyon ng Center Islands, pagbili ng bigas, at iba pa, gamit ang pangalan ng inyong lingkod, ng Sangguniang Panlungsod, o ng Pamahalaang Lungsod ng Dasmariñas.
Ang lahat ng lehitimong proyekto at programa ng pamahalaan ay isinasagawa lamang sa pamamagitan ng opisyal, malinaw, at dokumentadong proseso. Walang sinumang indibidwal ang awtorisadong mangolekta ng pera o humingi ng anumang bayad kapalit ng pag-apruba, pagproseso, o paglalaan ng proyekto.
Mananatili ang Pamahalaang Lungsod ng Dasmariñas na tapat, malinaw, at may pananagutan sa bawat Dasmarineño. Huwag magpalinlang at siguraduhing makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na tanggapan para sa anumang transaksyon.
Sa ngayon ay masusing pinag-aaralan ang mga kasong kriminal na maaaring isampa laban kay Mark Herrera.
Maraming Salamat po!