Brgy. Taywanak Ibaba

Brgy. Taywanak Ibaba Official page of Brgy. Taywanak Ibaba.

📢 ANUNSYO PARA SA PUROK 5 AT PUROK 6Magandang araw po sa lahat ng ating mga kabarangay! Nais po naming ipagbigay-alam na...
18/08/2026

📢 ANUNSYO PARA SA PUROK 5 AT PUROK 6

Magandang araw po sa lahat ng ating mga kabarangay! Nais po naming ipagbigay-alam na balik-normal na po ang supply ng tubig sa Purok 5, 6 at Purok 7.
Matagumpay na po nating naipalit at naisayos ang ating bagong motor at submersible pump upang masiguro ang mas malakas at tuluy-tuloy na agos ng tubig sa ating barangay.

Taos-puso po kaming humihingi ng paumanhin sa abala at perwisyo na naidulot ng ilang araw na pagkawala ng tubig habang isinasagawa ang pagkukumpuni. Maraming-maraming salamat po sa inyong mahabang pasensya, kooperasyon, at pag-unawa!

Update po sa patubig!!Nakabili na po ng motor ng tubig at submersible pump..
17/08/2026

Update po sa patubig!!
Nakabili na po ng motor ng tubig at submersible pump..

Update po sa Patubig sa tank 3Hinuhugot na po ang mga tubo para po pag dating ng motor ay ikakabit na lang po.Humihingi ...
17/08/2026

Update po sa Patubig sa tank 3
Hinuhugot na po ang mga tubo para po pag dating ng motor ay ikakabit na lang po.
Humihingi pa po kami ng kaunting oras para po maayus na ang ating patubig.
Maraming Salamat po!

16/08/2026

UPDATE SA ATING PATUBIG sa PUROK 5 to 7

Magandang araw sa lahat! Nais po naming magbigay ng maikling ulat at linaw ukol sa pagbili ng ating kagamitan para sa patubig ngayong araw:

Bakit ngayon lang bibili ng motor?
Pinagsikapan nating makahanap ng supplier na nagbibigay ng matibay at may malinaw na WARRANTY. Medyo nahirapan tayong makakita ng may warranty sa mga shop na malapit sa atin, pero hindi tayo nagpadalos-dalos upang masigurong protektado ang ating pondo.

Halaga at Pag-iingat sa Budget:
Ang ilalabas na pera ngayong araw ay humigit-kumulang ₱50,000 para pa lamang sa motor ng tubig. Dahil malaking halaga ito, nararapat lamang na sigurado tayong may hawak na warranty para sa ating kapanatagan kung sakaling magkaroon ng aberya o factory defect.

Karagdagang Kagamitan (Pump):
Sa ngayon, motor pa lamang ang ating bibilhin. Hindi pa po natin tiyak kung kakailanganin pa nating bumili ng hiwalay na pump. Susuriin muna natin ang performance ng bagong motor sa ating linya bago magdesisyon kung maglalabas pa ng karagdagang budget para sa pump.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta. Para sa transparency at kaayusan ng ating patubig!

MALIGAYANG KAPISTAHAN NI SAN ROQUE, BARANGAY TAYWANAK IBABA! 🎉​Isang mapagpala at masayang pagbati mula sa Sangguniang B...
15/08/2026

MALIGAYANG KAPISTAHAN NI SAN ROQUE, BARANGAY TAYWANAK IBABA! 🎉

​Isang mapagpala at masayang pagbati mula sa Sangguniang Barangay ng Taywanak Ibaba sa ating buong komunidad sa ating pagdiriwang ng Kapistahan ng ating mahal na Patron, si San Roque!

Announcement!Sa lahat po ng ating mga residente sa Purok 5, Purok 6, at Purok 7:Nais po naming humingi ng taos-pusong pa...
15/08/2026

Announcement!
Sa lahat po ng ating mga residente sa Purok 5, Purok 6, at Purok 7:
Nais po naming humingi ng taos-pusong paumanhin at pag-unawa dahil sa kasalukuyang kawalan ng supply ng tubig sa inyong mga lugar.

Nagkaroon po ng hindi inaasahang pagkasira ang ating water motor pump. Dahil dito, kinakailangan po itong hugutin mula sa tubigan upang agad na maipagawa o mapalitan ang nasirang bahagi nito.
Iniintay pa po ang schedule ng pag hugot.
Hinihingi po namin ang inyong Pang unawa.
Maraming Salamat po!

13/08/2026
"Pag aayos ng Streetlight"Dahil sa mga nagdaang pag-ulan, ilan sa mga posteng ilaw sa ating kalsada ang naapektuhan at n...
13/08/2026

"Pag aayos ng Streetlight"

Dahil sa mga nagdaang pag-ulan, ilan sa mga posteng ilaw sa ating kalsada ang naapektuhan at nasira. Sa kabila ng mga pagsubok sa panahon, mabilis na umaksyon ang ating grupo upang agad na maiayos at maibalik ang liwanag sa ating mga kalsada. 🌧️➡️
Maraming Salamat po Konsihal Marvin Marjes at mga Barangay Tanod na tumulong...

Bukas na po ito sa ating Barangay Basketball Court!
13/08/2026

Bukas na po ito sa ating Barangay Basketball Court!

📢 MATAGUMPAY NA LIGTAS TIGDAS CAMPAIGN SA BARANGAY TAYWANAK IBABA! 💉👶​Naging matagumpay ang isinagawang pagbabakuna laba...
11/08/2026

📢 MATAGUMPAY NA LIGTAS TIGDAS CAMPAIGN SA BARANGAY TAYWANAK IBABA! 💉👶

​Naging matagumpay ang isinagawang pagbabakuna laban sa Tigdas at Rubella (Ligtas Tigdas) para sa mga kabataan ng ating barangay!
​Ang mahalagang programang ito para sa kalusugan ay naisakatuparan sa pangunguna ng ating masipag na Kapitana, kasama ang buong Sangguniang Barangay, at ang ating mga dedikadong Barangay Health Workers (BHWs) at health personnel na walang sawang naglilingkod sa ating komunidad.
​Isang taos-pusong pasasalamat din sa lahat ng mga magulang at guardians na nakiisa at nagdala ng kanilang mga anak upang mabigyan ng proteksyon laban sa sakit. Ang inyong pagmamalasakit ay patunay ng ating pagtutulungan para sa isang malusog at ligtas na barangay! ❤️

Address

Taywanak Ibaba
Alfonso
4123

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Taywanak Ibaba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share