Kabataan ni Nanay Pilar

Kabataan ni Nanay Pilar Official page of Our Lady of the Pillar Parish Youth Ministry

Happy Sacerdotal Anniversary poo, Monsi! Ad multos annos!
17/06/2026

Happy Sacerdotal Anniversary poo, Monsi! Ad multos annos!

Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang anibersaryo ng Ordenasyon sa Pagkapari ng ating kura paroko, Msgr. James A. Contreras.

Huwag po nating kakalimutan na ipagdasal siya sa isang natatanging paraan sa araw na ito. Patuloy nating ipagkatiwala siya kay Nanay, ang Birhen ng Pilar ng Alaminos!

Mayroon ka bang tanging message/greeting para sa kanya? Maari ninyong i-COMMENT ito sa baba.

Happy anniversary, Monsi!

12/06/2026

SOLEMNITY OF THE SACRED HEART OF JESUS

12/06/2026

Halina at ating pagnilayan ang LABINDALAWANG PANGAKO NG MAHAL NA PUSO NI HESUS sa mga lumalapit at nagdedebosyon sa Kanya.

O Panginoon Hesus, gawin mong matulad sa Iyo ang aming mga Puso!

HAPPY 60TH WORLD DAY OF SOCIAL COMMUNICATIONS!Ibinabahagi namin sa inyo ang ilang sipi mula na mensahe ng Santo Padre Le...
16/05/2026

HAPPY 60TH WORLD DAY OF SOCIAL COMMUNICATIONS!

Ibinabahagi namin sa inyo ang ilang sipi mula na mensahe ng Santo Padre Leo XIV para sa araw na ito.

Maaring basahin ang buong mensahe sa: https://www.vatican.va/content/leo-xiv/en/messages/communications/documents/20260124-messaggio-comunicazioni-sociali.html

Nagnanais ba kayong maging bahagi ng Soccom Commission ng ating Parokya? Magpadala lamang ng Private Message sa Page na ito o kaya naman sa Virgen Del Pilar Soccom. Maari ring makipag-ugnayan sa mga kilala ninyong Soccom Members o sa Parish Office.

16/05/2026

EPISODE 10 | HAPPY 60TH WORLD DAY OF SOCIAL COMMUNICATIONS!!

Narinig niyo na ba ang salitang SoCCom?
Para sa special episode na ito, kasabay ng pagdiriwang ng Ascension Sunday, atin ngayong kilalanin kung sino nga ba ang mga SoCCoM or Social Communication Commission sa ating .

Kung saan tampok ang mga miyembro ng ating parokya upang mas ipakilala ang mga gawain ng isang SoCCoM member sa Simbahan.

Ating tandaan na ang SoCCom ay hindi lamang photo at video sila ang nagiging insturmento na gumagamit ng makabagong media upang ipahayag ang Mabuting Balita, maging paraan para makapagturo ng Katekesis, at tumulong sa pagbuo ng isang pananampalataya ng mga tao.

Nagnanais ba kayong maging bahagi ng Soccom Commission ng ating Parokya? Magpadala lamang ng Private Message sa Page na ito o kaya naman sa Virgen Del Pilar Soccom. Maari ring makipag-ugnayan sa mga kilala ninyong Soccom Members o sa Parish Office.



10/05/2026

NANAY! ITO PO ANG PA-MOTHER’S DAY NAMIN SA IYO!

Kasabay ng Stream, ang Diocesan Soccom Assembly, na ginanap kahapon, Mayo 9, 2026 sa Katedral ng San Pablo, tinanggap natin ang “Best Parish page” sa ginanap na kauna-unahang Sancti Pauli Media Awards ng Diocesan Commission on Social Communications - Diocese of San Pablo. Ang dalawa sa ating mga Litratistang Pilarista ay kinilala rin. Si Mark Russel Baldo ng RB PITIK, ay isa sa mga kinilalang finalists ng “Best Male Content Creator” Category samantalang si Dean Harvey Manhilot naman ay naging nominee sa “Best Photo of the Year”.

Ang lahat ng ito ay bahagi ng ating misyon. Bawat LIKE, COMMENT, at SHARE ay ambag upang mas marami ang ating maabot at makasama sa ating paglalakbay bilang .

Happy Mother’s Day, Nanay! You inspire us to do more for Jesus!

***

Kung ninanais mong maging bahagi ng Soccom Commission ng ating Parokya, huwag nang mag-atubiling mag-PM sa amin!

Diocese of San Pablo

Sa likod ng bawat eksena ay ang mga oras ng ensayo, pagtutulungan, at pagtitiyaga upang maipakita nang buo ang mensahe n...
10/04/2026

Sa likod ng bawat eksena ay ang mga oras ng ensayo, pagtutulungan, at pagtitiyaga upang maipakita nang buo ang mensahe ng ating pananampalataya.

Bawat practice ay naging pagkakataon upang mas mapalalim ang pag-unawa sa mga ginagampanang papel at sa layunin ng paglilingkod. Hindi man naging madali ang proseso, ang bawat pagod at sakripisyo ay naging bahagi ng isang mas makabuluhang paglalakbay.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa buong cast sa inyong dedikasyon, sipag, at pusong ibinahagi ninyo sa gawaing ito. Ang inyong kahandaan na maglaan ng oras at talento ay tunay na nagbibigay-buhay sa ating adhikain.

📸 PHOTOS | Estasyon Heneral 2026 (Late Upload)Huli man naibahagi, hindi kumukupas ang kahalagahan ng mga sandaling ito. ...
10/04/2026

📸 PHOTOS | Estasyon Heneral 2026 (Late Upload)

Huli man naibahagi, hindi kumukupas ang kahalagahan ng mga sandaling ito. Muling binigyang-buhay ng kabataan ng Our Lady of the Pillar Parish - Poblacion, Alaminos, Laguna , ang paglalakbay ng pananampalataya sa pamamagitan ng Estasyon Heneral.

Sa katahimikan ng pagninilay, sabay-sabay nating inalala ang sakripisyo at wagas na pag-ibig na inialay para sa atin. Ang bawat estasyon ay naging paalala na sa gitna ng pagsubok, may pag-asa; sa gitna ng paghihirap, may layuning banal.

Nawa’y magpatuloy ang alab ng pananampalataya sa ating mga puso, at magsilbing gabay ang Kanyang halimbawa sa bawat hakbang ng ating buhay.

02/04/2026

HIGHLIGHTS | Estasyon Heneral 2026

Ating balikan ang ilang mga kaganapan mula sa naganap na Estasyon Heneral sa ating parokya na pinangunahan ng mga Kabataan ni Nanay Pilar kahapon, Miyerkules Santo.



Address

Poblacion 3
Alaminos
4001

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan ni Nanay Pilar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share