Alaminos Channel

Directions

Alaminos Channel Official Community-based multimedia platform of the City Government of Alaminos, Pangasinan

18/09/2026

1st Campus Caravan at PSU-Alaminos City Campus, matagumpay na naisagawa! 🎓

Isinagawa ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, sa pamamagitan ng City Information Office, katuwang ang iba’t ibang opisina at service providers, ang kauna-unahang Campus Caravan sa Pangasinan State University–Alaminos City Campus.

Layunin nitong ilapit sa mga estudyante ang serbisyo, learning opportunities, skills development, at iba’t ibang engaging activities.

Tampok sa programa ang mga seminar, training, booth activities, Larong Lahi, team building, at iba pang interactive activities na nagbigay ng bagong kaalaman at masayang karanasan sa mga mag aaral.

15/09/2026

OWWA Region 1 Serbisyo Caravan, isinagawa sa Alaminos City!

Layunin nitong ilapit ang iba’t ibang serbisyo at programa ng pamahalaan para sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Districts 1, 2, at 3 ng Probinsiya ng Pangasinan.

14/09/2026

Isinagawa ngayong araw ang Free Self-Care Activity for Employees para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, na pinangunahan ng City Human Resource Management Office (CHRMO), na may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan.”

Isang simpleng paraan ng pagbibigay-pahalaga sa ating mga kawani na patuloy na naglilingkod nang buong puso, dedikasyon, at malasakit para sa bawat Alaminian.

11/09/2026

Mula September 9–11, 2026, isinagawa ang Division-Wide Disaster Resilience Fair 2026, na ginanap sa Alaminos City National High School sa pangunguna ng Schools Division Office of Alaminos City, katuwang ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman, kahandaan, at pagkilos ng mga kalahok tungo sa isang mas ligtas, handa, at resilient na Alaminos City.

08/09/2026

Sa bawat sulok ng Silungan ni San Jose, may mga kwento ng pag-asa, pag-aaruga, at pagmamahal.

Dito, hindi lang basta tinatanggap ang bawat isa—sila ay pinapakinggan, inaalagaan, at ipinapaalala na sila ay mahalaga.

Sa pamamagitan ng mga programang naglalayong tumulong at magbigay suporta, patuloy nating naipapakita ang malasakit sa ating kapwa. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbabahagi ng liwanag, pag-asa, at kabutihan sa mga nangangailangan.
MGA SERBISYONG HANDOG NG SILUNGAN NI SAN JOSE:

Murang Bigas
Lunes at Biyernes

Libreng Gamot at Medical Check-up
Lunes, Miyerkules, at Biyernes
8:00 AM – 10:00 AM

Libreng Dental Extraction
Miyerkules at Biyernes
1:00 PM – 3:00 PM

Hapag Kalinga
Tuwing Linggo

07/09/2026

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔!

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria - ang Ina ng pananampalataya, kababaang-loob, at pag-asa.

Nawa’y patuloy niya tayong gabayan, pagpalain ang ating mga pamilya, at ingatan ang ating lungsod.

Mahal na Ina Maria, ipanalangin mo kami. 🙏

07/09/2026

𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍 | 𝐒𝐈𝐍𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐕𝐈𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐌𝐄𝐄𝐓 𝐒𝐀 𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍𝐎𝐒 𝐂𝐈𝐓𝐘!

Saksihan ang husay, galing, at determinasyon ng ating mga batang atleta sa kanilang laban para sa karangalan ng kanilang paaralan.

Mula sa Lungsod ng Alaminos, buong suporta at pagbati sa lahat ng kalahok!

01/09/2026

𝗣𝗢𝗩: 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗺𝗮𝘀 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 ’𝟵𝟬𝘀 𝗵𝗶𝘁𝘀 𝗱𝗶𝗳𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝘁. 🎄✨

No Wi-Fi, no reels, just parol, Christmas lights, Simbang Gabi, at childhood memories.

Miss mo ba ?

Stay safe & dry!

𝗕𝗘𝗥 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛𝗦 𝗡𝗔, 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦! 🎄Maulan man ang weather, cozy vibes naman ang hatid! Ready na ba kayo sa Paskong Pinoy feels? ✨...
01/09/2026

𝗕𝗘𝗥 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛𝗦 𝗡𝗔, 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦! 🎄

Maulan man ang weather, cozy vibes naman ang hatid! Ready na ba kayo sa Paskong Pinoy feels? ✨

Umbrella ready while Christmas mode is ON! ☔

Ngayong Araw ng mga Bayani, alalahanin natin ang mga taong nagpakita ng tapang, sakripisyo, at pagmamahal para sa ating ...
30/08/2026

Ngayong Araw ng mga Bayani, alalahanin natin ang mga taong nagpakita ng tapang, sakripisyo, at pagmamahal para sa ating bayan.

Address

Alaminos City
Alaminos
2404

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alaminos Channel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share