Green Masjid Agoo, La Union

Call Directions

Green Masjid Agoo, La Union ASsalamu Alaikum Ya khairah ummah

so kapipiya ginawa na mambagiyan tano langon

insha Allah ��

Alhamdulillah maraming salamat po sis sa inyong sadaqa 🥰 malaking  tulong na po ito , naway biyayaan  pa nawa kayo ni Al...
03/10/2026

Alhamdulillah maraming salamat po sis sa inyong sadaqa 🥰 malaking tulong na po ito , naway biyayaan pa nawa kayo ni Allah ng higit pa ameen 🤲🏻

01/10/2026

Alhamdulillah!
ito na po ang latest update sa ating Masjid

Kami po ay lubos na nagpapasalamat higit lalo sa Allah at salamat sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagbibigay ng kanila mga sadaqa para sa ating masjid .

Unti-unti na pong natatapos MashaAllah

24/06/2026

ISANG TAON NA KASALANAN AY MAPATAWAD SA PAG-FASTING NG ASHOORAH (June 25, 2026)❗❗❗

👉Sinuman ang mag-Fasting sa araw ng Ashoora ay mapapatawad ang isang taon na kasalanan👍

👉Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang kapayapaan):
“Ang pag-ayuno (fasting) sa araw ng Ashoorah ay Umaasa ako na mapatawad ang isang taon na kasalanan na nagawa bago pa ang taong ito" Iniulat ni Imam Muslim

PAALAALA:

👉Ang Fasting (pag-ayuno) sa araw lang ng Ashoora (June 25) ay Ipinahintulot at walang pagbabawal hinggil dito,

-Ang pagpaparami ng ayuno sa buwan ng Muharram ay isang mainam na Sunnah ng Mahal na Propeta.

👉 Sinabi ng Mahal ng Propeta (sumakaya ang biyaya at kapayapaan):
"Ang pinaka mainam na pag-aayuno pagkatapos ng obligadong pag-aayuno ay sa buwan ng Allah na tinatawag na Muharram" Inulat ni Imam Muslim

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

-حديث: "فضل الصيام بعد الفريضة شهر الله الذي تسمونه المحرم" أخرجَه مسلمٌ في صحيحه.
-حديث: "....وَصِيَامُ يَوْمِ عَاشُورَاءَ أَحْتَسِبُ عَلَى اللَّهِ أَنْ يُكَفِّرَ السَّنَةَ الَّتِي قَبْلَهُ " رواه مسلم 1162.
✍ Zulameen Sarento Puti

24/06/2026

DOBLE ANG REWARD SA ASHOORAH❗❗❗

"Magpakain (Iftar) sa taong nag-fasting para karing dalawang beses nagfasting "DOBLE ANG REWARD"👍

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang kapayapaan): "Sinuman ang magpakain sa taong nag-ayuno ay makatanggap ng gantimpala na tulad ng gantimpla ng taong nag-ayuno…..” Authentic na Hadith ayon ka Shaikh Albani

Ibig sabihin: para ka narin nag-ayuno ng karagdagan (doble ayuno)

👉Naging kaugalian ni Ibn Umar na hindi mag-IFTAR liban kung may kasabay na isang miskin (mahirap) sa isang salo-salong kainan.
Kapag hindi nag-imbita ang kanyang pamilya ng isang mahirap ay hindi siya kakain sa gabing yaon (magtatampo)"😓

👉 Kung nagpa-Iftar ka ng sampung tao ay para kana ring nagfasting ng sampung araw 👍👍

PAALAALA:

♦️Sikapin na magpakain kahit na maliit na bagay tulad ng pagbigay ng kapirasong ulam sa kapitbahay o gumawa ng mainum tulad ng kape, ginataan (bilo-bilo),malaming na Juice, simpling pakain, tinapay etc..) Baka hindi lang doble ang fasting mo kundi triple o higit pa👍

Isang taon na kasalanan ay mabubura kapag nag-fasting sa Ashoorah (June 25, 2026).
Magfasting din sa 24

Pinagkuhanan sa usapin:

حديث: مَنْ فَطَّرَ صَائِمًا كَانَ لَهُ مِثْلُ أَجْرِهِ ...... "صححه الألباني في صحيح الجامع:6415]

✍️ Zulameen Sarent Puti

24/06/2026

PUEDE PAGSABAYIN ANG NIYYAT SA QADAH AT NG ASHOORAH❗

👉 Kung may utang kang Fasting (ayuno) sa panahon ng Ramadhan na hindi mo pa napapalitan ay maaari mo itong palitan at isabay ang Niyyat (hangarin) sa pag-ayuno ng araw ng ASHOORAH

👉 Sinabi ni Shaikh Ibn Uthaimeen: "Sinuman ang nag-ayuno sa araw ng ASHOORAH o Arafa at siya ay may utang na ayuno ng Ramadhan ay ang kanyang ayuno ay tama.
Ngunit kung pinag-ayunuhan niya ang araw na iyan bilang pagpapalit (pagbabayad) sa Ramadhan (kasama ang araw ng ASHOORAH o Arafah) ay magkakaroon siya ng dalawang gantimpala;

a- Gantimpala (reward) sa araw ng ASHOORAH

b- Gantimpala sa pagbabayad ng Ramadhan (Qada)"

PAALAALA:

♦️ Isang araw lang po na utang sa Ramadhan ang mabayaran at hindi lahat ng utang na fasting.

♦️ Sa mga hindi pa nakabayad ng kanilang mga utang (Qada) sa Ramadhan ay samantalahin na ninyo ang pagkakataon na ito!

♦️ Ang mainam sa pagsagawa ng NIYYAT ay hinggil dito ay Ang NIYYAT mo ay ang Qada (paggbabayad) muli isabay mo na ang NIYYAT ng ASHOORAH.

♦️ Ang NIYYAT ay kaalaman ng puso at isipan lamang at hindi ito binibigkas.

AKTUWAL NA NIYYAT:

*Kung hangarin mo sa gabi na kinabukasan ay mag-ayuno ay NIYYAT na po ang tawag doon.

*Kapag ikaw ay nagising at nais kumain ng Sahor ay NIYYAT na po ang tawag doon.

*Kung ikaw ay kumakain ng Sahor ay NIYYAT na po ang tawag doon.

Pinagkuhanan sa usapin:

قال الشيخ ابن عثيمين في "فتاوى الصيام" (438) :
"من صام يوم عرفة ، أو يوم عاشوراء وعليه قضاء من رمضان فصيامه صحيح ، لكن لو نوى أن يصوم هذا اليوم عن قضاء رمضان حصل له الأجران: أجر يوم عرفة ، وأجر يوم عاشوراء مع أجر القضاء"

✍ Zulameen Sarento Puti

24/06/2026

ANG DUA NG TAONG NAG-FASTING AY TINATANGGAP❗❗❗

👉 Paramihin ang iyong DUA sa buong maghapon lalu kapag malapit na mag IFTAR dahil ang DUA rito ay tinatanggap👍🤲

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: “Katunayan, ipagkakaloob sa isang nag-aayuno sa panahon ng kanyang Iftar ang isang panalangin na hindi matatanggihan “tatanggapin ang kanyang panalangin”

👉Dagdag pa ng Mahal na Propeta: " Tatlong panalangin ang hindi matatanggihan: isa rito ay DUA ng taong nag-fasting (sa buong maghapon)"

👉Ang pinaka mainam sa lahat ng Dua na kadalasang ginagawa ng Propeta ay:

“Rabbana atina fid-dunya hasana, wa fil 'akhirati hasana, waqina 'adhaban-nar”

Na ang kahulugan ay: “Oh Allah, Ipagkaloob Mo sa amin ang kabutihan sa Dunya, at kabutihan sa Akhira “Jannah” at ilayo Mo sa amin ang parusa ng impiyernong apoy”

Kapag natapos kumain at habang naghihintay ng Iqamah ay magdua rin.

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: “Ang panalangin (Dua) sa pagitan ng Azan at Iqamah ay hindi matatanggihan “tatanggapin ang kanyang panalangin”

NOTE: Sa mga single jan alam na ninyo ang inyong gagawin pati ang nagnanais ng ✌✌✌😁

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: " قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: إن للصائم عند فطره دعوة لا ترد"
حديث: "قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: الدعاء لا يرد بين الأذان والإقامة"
- "رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ حَسَنَةً وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ"

حديث: "ثلاث لا ترد دعوتهم، منها: والصائم حتى يفطر..." رواه الترمذي وصححه الألباني
✍ Zulameen Sarento Puti

We would like to express our sincere appreciation to Al-Hafidh  Almar A. Mesig. for Imam leading Taraweeh and Tahajjud p...
20/03/2026

We would like to express our sincere appreciation to
Al-Hafidh Almar A. Mesig.
for Imam leading Taraweeh and Tahajjud prayers,
especially upon the completion of the Quran (Khatm)
particularly during this Ramadan 2026 here in Green Masjid Agoo La Union.

Alhamdulillah JazakAllahu Khayran to our Imam for leading us with sincerity, patience, and beauty throughout these blessed nights of Taraweeh and Tahajjud.
Thank you for guiding us through the completion of the Quran. May Allah accept every letter recited and make it a light in our hearts long after Ramadan ends.

May Allah protect you and grant you the highest station in Jannah Allahumma Ameen 🤲🏻

🌙✨ Eid Mubarak! ✨🌙 Wishing you and your family, friends, and loved ones a joyful and blessed Eid! May this special day b...
20/03/2026

🌙✨ Eid Mubarak! ✨🌙
Wishing you and your family, friends, and loved ones a joyful and blessed Eid! May this special day bring peace, happiness, and prosperity to your hearts and homes.

✨ (Taqabbalallahu minna wa minkum salih al a'mal)
May Allah accept all our prayers, fasting, and good deeds, Allahumma Ameen

from : Green Masjid Agoo La Union to yours 🤍

HINDI PUWEDENG SUMABAY MAG-EID ANG PILIPINAS SA SAUDI ARABIA❗❗❗👉 TANONG NG IILAN: "Kaming nasa Pilipinas, Maaari ba kami...
19/03/2026

HINDI PUWEDENG SUMABAY MAG-EID ANG PILIPINAS SA SAUDI ARABIA❗❗❗

👉 TANONG NG IILAN:

"Kaming nasa Pilipinas, Maaari ba kaming sumabay sa Saudi Arabia na mag-Eid bukas Araw ng Biyernes?

👉 Direktang Sagot: HINDI MAAARI❗❗

Sundin mo ang Anunsyo ng inyong Mufti sa Pilipinas at huwag sumunod sa anunsyo ng Saudi Arabia.

👉 Ang pinaka tamang pananaw ng mga Ulama (pantas) ay ang bawat bansa ay nararapat ang pagsilip ng unang buwan sa pag-umpisa at pagtatapos ng Ramadan.

♦️ Nararapat siyang sumunod sa anunsyo ng kanyang bansa (Mufti) at huwag sumabay sa anunsyo ng ibang bansa kahit ito ay bansang SAUDI ARABIA!!

👉 Sinabi ng Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan):
“Kayo ay mag ayuno kung ito ay inyong nakita (unang buwan) at inyong itigil ang pag-aayuno kapag inyong nakita (unang buwan..”

👉 Nagpahayag ang Permanent Committee ng Saudi Arabia ng:

“Nagkaisa ang lahat ng Ulama (pantas) na ang paglabas ng unang buwan sa lahat ng bansa ay magkakaiba ng panahon.

Ang bagay na ito ay nasasaksihan (nararamdaman) at sinang-ayunan ng may tamang kaisipan at pang-uunawa!!

👉 Kung ating sisilipin ang kasaysayan sa loob ng mahigit 1400 taon na ang nakakalipas,

Walang naganap na panahon na nagkaisa ang lahat ng bansang Muslim at nagdepende lamang sa iisang bansa sa pagsilip ng buwan❗

Dahil dito, kanilang nakikita ang pagpapanatili sa anumang ginawa ng sinaunang mga mananampalataya at huwag gawing malaking issue ang bagay na ito.

-Ang bawat bansa ay may karapatan sa pagpipili kung ano ang nakikita ng kanilang mga pantas (Ulama) na nakakabuti na pinapanigan ng matibay na batayan” FATAWA LUGNA DAIMA 10/102

👉 Kaya ang pag silip na ito sa unang buwan ay ipinag utos sa lahat ng bansa.

👉👉 MATIBAY NA DALEEL:

- Sa panahon ng pamumuno ni Muawiyya kung saan siya ay nakabase sa bansang Syria, kanilang sinilip ang unang buwan, Gayundin sa Madinah sa pamumuno in Abdullah Ibn Abbas ay kanila ring sinilip ang unang buwan.

- Ang dalawang bansa ay nagkaroon ng pagkakaiba ng kalagayan sa araw ng paglabas ng unang buwan❗

👉 Kung ang kautusan ay magdepende lamang sa isang bansa sa pagsilip ng unang buwan, hindi sana mangyari na magkaroon ng pagkaiba sa pag-umpisa sa araw ng pag aayuno at hindi narin payagan ang ibang lugar na sumilip ng unang buwan.

👉👉 Alalahanin natin sa panahong yaon ay iisa lamang ang pinuno ng mga Muslim sa buong mundo, walang iba kundi si Muawiyya, Ngunit magkaganun pa man, magkaiba ang araw ng kanilang pag-umpisa ng pag-aayuno.

👉👉 NARITO ANG DALEEL:

♦️ Isinaylaysay ni Kuraib:
“Inutusan ako ni Um Fadal (ina ni Ibn Abbas) na pumunta kay Muawiyya (Ameerul Mu’mineen) sa lugar sa Sham (Syria, Lebanon,Palestin & Jordan),

Sinabi ni Kuraib: “Nakarating na ako sa Bansang Sham at nagawa ko na ang kautusan sa akin. Pumasok ang buwan ng Ramadan na ako ay nasa Sham at nakita ko ang unang buwan sa gabi ng Biyernes,

Muli, ako ay bumalik na ng Madinah sa huling buwan.

Tinanong ako ni Abdullah Ibn Abbas (anak ni Um fadl), muli ay binanggit niya ang pagkakita ng unang buwan at kanyang sinabi:

“kailan niyo nakita ang unang buwan?”

Sinabi ko: “Nakita namin ang unang buwan sa gabi ng Biyernes”

Muli, Sinabi ni Ibn Abbas: “Nakita mo ba mismo sa iyong sarili?”

Sinabi ko: “Oo nakita ko at nakita ng mga tao at sila ay nag ayuno at nag ayuno rin ang Pinuno ng mga Muslim na si Muawiyya.

Sinabi ni Iban Abbas:

“Ngunit kami ay nakita namin ang unang buwan sa gabi ng Sabado” at kasalukuyan kaming mag-aayuno hanggang sa makumpleto namin ang 30 araw o Makita namin ang buwan”

Sinabi ko: “Hindi ba tayo magdepende sa pagkakita ni Muawiyya (ng buwan) at sa kanyang pag-aayuno?”

Sinabi ni Ibn Abbas:

“Hindi! Dahil ito ang kautusan ng Sugo ni Allah sa amin”

Naiulat mula kay Imam Muslim

👉👉 Ito ang pinaka matibay na batayan na bawat bansa ay nararapat sumilip ng unang buwan at hindi magdepende sa pagsilip ng iba.

♦️ Binanggit ni IMAM AN-NAWAWI hinggil sa bagay na ito: “Katunayan ang HADITH na ito ay tumutukoy na ang bawat bansa ay nangangailangan ng pagsilip ng unang buwan, at kung sakali kanilang makita ang unang buwan, hindi sakop sa hatol na ito ang mga lugar na malayo sa kanila”
Paliwanag mula sa Saheeh Muslim

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

ن كريب أن أم الفضل بعثته إلى معاوية بالشام، فقال: فقدمت الشام، فقضيت حاجتها، واستهلَّ عليَّ رمضان وأنا بالشام، فرأيت الهلال ليلة الجمعة، ثم قدمت المدينة في آخر الشهر، فسألني عبدالله بن عباس، ثم ذكر الهلال فقال: متى رأيتم الهلال؟ فقلت: رأيناه ليلة الجمعة، فقال: أنت رأيته؟ فقلت: نعم ورآه الناس وصاموا، وصام معاوية، فقال: لكنَّا رأيناه ليلة السبت، فلا نزال نصوم حتى نكمل ثلاثين أو نراه، فقلت: ألا تكتفي برؤية معاوية وصيامه؟ فقال: لا هكذا أمرنا رسول الله صلى الله عليه وسلم [رواه مسلم:1819

وقد ذكر النووي: "أن هذا الحديث يدل على أن لكل بلد رؤيته، وأنهم إذا رأوا الهلال في بلد لا يثبت حكمه لما بعد عنهم" شرح صحيح مسلم (ج ص188 ـ 197)

✍️ Zulameen Sarento Puti

19/03/2026

SA ARAW NG SABADO ANG ARAW NG EID SA PILIPINAS!!

👉Dahil sa hindi pagkakita ng unang buwan ngayong gabi, Ideneklara ng DARUL IFTA (BARMM) sa PILIPINAS,
Sa araw ng Sabado ang ARAW NG EID (March 21, 2026)!

Paalaala: Ngayong gabi ay magkakaroon parin tayo ng pagdarasal ng Taraweh sa buong Pilipinas.

✍️ Zulameen Sarento Puti

Address

Agoo

Telephone

+639454995533

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Green Masjid Agoo, La Union posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share