28/08/2026
IN PHOTOS || BUKLAT AKLAT at SIKMURANG BUSOG YEAR 3! 📚🎒🍲☂️
Isang makabuluhang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 na tunay na nagbigay ng saya, aruga, at inspirasyon sa mga kabataan ng Macaboboni.
Sa tulong ng SK Federation at Local Youth Development Council, na pinamumunuan ni SK Federation President, Hon. Kimberly Sagana, matagumpay na naipamahagi ang mga school supplies at naisagawa ang Buklat Aklat at Sikmurang Busog Program para sa mga mag-aaral ng Macaboboni Elementary School.
Bukod pa rito, handog naman ng SK Macaboboni, na pinamumunuan ni SK Chairman, Hon. Aaron Barandoc ang mga payong para sa lahat ng mag-aaral ng Macaboboni Elementary School — simbolo ng proteksyon at malasakit ng kabataan para sa kapwa kabataan.
Katuwang din sa programang ito ang mga Abagatanen Integrated School – SSLG Officers na pinamumunuan ng kanilang SSLG President, Bb. Richy Claire Notarte at Abagatanen Kabataan Barangay Association Officers na pinamumunuan ni G. Jerick Tauro na nagbigay ng kanilang oras at lakas upang maging matagumpay ang adhikaing ito.
Masustansyang pagkain, pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagbabasa, at mga gamit pang-eskwela ang nagsilbing hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga kabataan.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito. Tunay na kapag kabataan ang nagkakaisa, mas matibay ang pag-asa ng bayan! ✨
📸: Youth Development Sector - LGU Agno