08/11/2024
๐ง๏ธ ๐ฃ๐๐ก๐๐ช๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐ข๐ก๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก: ๐ง๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ง๐๐ ๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐๐๐๐ก, ๐๐๐จ๐๐จ๐, ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ง๏ธ
Muli na namang sinusubok ang katatagan ng ating mga kababayan dito sa Cagayan matapos maranasan ang matinding epekto ni Bagyong Marce. Hindi pa man ganap na nakakabangon mula sa mga trahedyang iniwan ng Bagyong Kristine at Bagyong Leon, heto na naman ang isang kalamidad na nagdulot ng malaking pinsala sa mga tahanan, kabuhayan, at pamumuhay ng ating mga kapatid.
Ngayong panahon ng pangangailangan, higit kailanman ay kailangan natin ang sama-samang pagkilos. Kaya kami po ay muling nananawagan sa inyong malasakit at tulong. Sa bawat maliit na ambag, tayo ay nagiging pag-asa para sa mga pamilyang nahaharap sa matinding pagsubok.
๐ฆ ๐ ๐ด๐ฎ ๐๐ป-๐๐ถ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐:
Malugod po naming tinatanggap ang inyong mga donasyon tulad ng pagkain (canned goods, bigas, instant noodles), malinis na tubig, damit, hygiene kits, kumot, at iba pa. Para sa mga nais magbigay ng in-kind donations, makipag-ugnayan lamang kay Ms. Nashiba A. Cariaga para sa karagdagang impormasyon.
๐ธ ๐ ๐ผ๐ป๐ฒ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐:
Bukas rin po kami sa pagtanggap ng pinansyal na tulong. Ang bawat donasyon ay gagamitin nang may buong katapatan at maipapamahagi sa mga pamilyang pinaka-nangangailangan.
๐๐๐ฎ๐๐ต: 0915-158-3755 (DIVINE BICERA)
๐๐๐ข: 0135-8005-1703 (DIVINE BICERA)
Kung sakaling makalikom tayo ng sapat na pondo, bukas ang aming puso na maipagpatuloy ang pagtulong sa mga karatig-bayan na apektado rin ng bagyo.
๐ซถ๐ป Tulong-Tulong sa Pagbangon!
Huwag nating ipagkait ang tulong sa panahong ito. Sa bawat donasyon, tayo ay nagbibigay ng liwanag at pag-asa sa mga pamilyang nangangailangan. Sama-sama po tayong bumangon at magtulungan para sa isang mas ligtas at matatag na Cagayan.
Maraming Salamat po sa inyong walang sawang pag-alalay. Ang inyong kabutihan ay inspirasyon para sa lahat.