18/05/2026
PYAP Orientation in Barangay Culandanom, Aborlan, Palawan
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng lumahok sa isinagawang PYAP Orientation. Ang aktibidad na ito isang daan upang mas lalong maunawaan ang layunin, programa, at tungkulin ng Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP).
Sa pamamagitan ng orientation, naipakita ang kahalagahan ng pakikilahok ng kabataan sa mga proyekto ng pamahalaan at komunidad. Naging pagkakataon din ito upang mapalalim natin ang ating pagkakaisa, at mapalakas ang ating kakayahan, at maipahayag ang ating adhikain bilang kabataan na handang makiisa sa paghubog ng mas maunlad na kinabukasan.
Maraming salamat sa inyung aktibong partisipasyon at suporta. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang orientation na ito upang patuloy tayong maging masigla, responsable, at makabuluhang kabataan ng ating bayan.
Mabuhay ang kabataan ng Aborlan.