16/09/2026
Malugod na Pagtanggap sa mga Bagong DOH-HRH Personnel sa Bayan ng Looc! π©Ίπ
Isinagawa ang courtesy call ng mga bagong DOH-HRH personnel na nakatakdang magsilbi sa Bayan ng Looc. Malugod nating tinanggap sina Ms. Yasvin L. Fernandez, Nurse, na itatalaga sa Ambil Tabao, at Ms. Julianne Nadine S. Fernandez, Nutritionist-Dietitian II, na magiging bahagi ng ating patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan at nutrisyon sa komunidad.
Pinangunahan ng Punong Bayan Marlon V. Dela Torre at Pangalawang Punong Bayan Abelardo Tria, Jr, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang mainit na pagtanggap at pakikipagkilala sa ating mga bagong health professionals.
Ang kanilang pagdating ay dagdag-lakas sa ating healthcare workforce at mahalagang hakbang upang higit pang mailapit at mapahusay ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Loocano.
Maligayang pagdating sa Looc, Ms. Yasvin at Ms. Julianne! π€
Nawaβy maging makabuluhan ang inyong paglilingkod at sama-sama nating maisulong ang mas maayos, mas accessible, at mas de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating komunidad. ππ΅π
RHU Looc: Serbisyong Medikal, Hatid sa Bawat Isla ποΈ