28/09/2026
🇮🇹 CARTA DEDICATA A TE 2026 – €500 PARA SA PAMILYA! 🛒
Magandang balita po sa ating mga kababayan! Babalik ang Carta Dedicata a Te ngayong taon, at magsisimula ang pag-credit ng €500 sa ika-4 ng Nobyembre 2026.
📌 Ano ito?
Isang prepaid card mula sa Poste Italiane na may €500 para sa bawat pamilya, para lamang sa pagbili ng pangunahing pagkain (bawal ang alak at inuming may alkohol).
✅ Sino ang puwede?
• Pamilyang nakatira sa Italya, at lahat ng miyembro ay nakarehistro sa Anagrafe ng Comune
• May ISEE ordinario na hindi hihigit sa €15,000
• Priority ang pamilyang may 3 o higit pang miyembro, lalo na kung may anak na ipinanganak hanggang 31 Disyembre 2012
❌ Hindi puwede kung may miyembro ng pamilya na tumatanggap ng:
Assegno di Inclusione, NASpI, DIS-COLL, Cassa Integrazione, o Carta Acquisti
📝 Kailangan bang mag-apply?
HINDI po. Ang INPS at ang Comune ang pipili ng mga benepisyaryo. Ang Comune ang magpapaalam sa inyo kung kasama kayo, at kukunin ang card sa Poste Italiane.
⏰ Mahahalagang petsa:
• Mula 4 Nobyembre 2026 – pag-credit ng €500
• Bago 16 Disyembre 2026 – kailangang magamit na ang card kahit isang beses, kung hindi ay mawawala ito!
• Hanggang 10 Oktubre 2027 – dapat maubos ang laman
• Posibleng may pangalawang karga sa Abril 2027
⚠️ Mag-ingat po sa scam! Walang hihingi ng bayad, PIN, o personal na impormasyon sa tawag, SMS, o email para sa card na ito.
💬 May tanong po ba kayo o kailangan ng tulong sa ISEE? Mag-message lang po sa aming page. Nandito kami para tumulong! 🤝