11/09/2026
Nasa sentro na ng isang malaking plunder case si Martin Romualdez kaugnay ng kontrobersiya sa flood-control projects. Pero hindi lang ang ₱7.44 bilyon ang dapat bantayan: sino-sino ang mga kasama sa kaso, paano umano dumaloy ang pera, anong mga ari-arian, kumpanya at stocks ang sinusuri, at hanggang saan aabot ang imbestigasyon?
Sa episode na ito ng DAMDAMING MAKABAYAN, himayin natin ang kaso—mula sa mga alegasyon, mga co-accused at money trail hanggang sa usapin ng detention, no bail, hospital confinement, at posibilidad na mas marami pang pangalan ang lumutang.
Hindi sapat na may isang malaking pangalan na managot. Kung may sistemang nagkamal ng bilyun-bilyong pondong para sana sa proteksiyon ng mamamayan laban sa baha, kailangang sundan ang ebidensiya at pera—kahit saan at kanino pa ito humantong.
HUWAG ISANG MALAKING ISDA LANG — BUONG NETWORK ANG DAPAT IMBESTIGAHAN!
DISCLAIMER: Ang talakayang ito ay batay sa publicly available reports, court proceedings, allegations at official statements. Ang mga akusado ay itinuturing na inosente hangga't hindi napapatunayang guilty sa hukuman. Ang komentaryo ay para sa public-interest discussion at accountability.
DAMDAMING MAKABAYAN
+BANA.Media