28/01/2026
Sa buong Pamilya ni Kuya Henio, taos-puso kaming nakikiramay sa inyong pagdadalamhati. Nawa’y pagpalain at paginhawahin ng Maykapal ang inyong puso sa panahong ito ng kalungkutan. Kasama ninyo kami sa panalangin. Mananatili sa aming alaala ang kanyang kabutihan, ang kanyang pakikisama, at ang kanyang tapat na suporta sa lahat ng mabubuting layunin at mithiin ng ating samahan.
Ang mga magaganda niyang alaala ay magsisilbing liwanag at inspirasyon sa ating lahat. Sa bawat proyekto at pagtutulungan, dama namin ang kanyang presensya at ang kabutihang iniwan niya sa ating lahat. Nawa’y maging payapa ang kanyang paglalakbay, at manatili sa atin ang kabutihang kanyang ipinamalas.
Rest in Peace Kuya Henio🤍🤍🤍🙏