OFW Global Movement For Empowerment- Israel Chapter

OFW Global Movement For Empowerment- Israel Chapter Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from OFW Global Movement For Empowerment- Israel Chapter, Nonprofit Organization, Tel Aviv.

10/05/2025

BUKAS NA LIHAM

Sa lahat ng aking mga KAIBIGAN,

Nang aking tinanggap ang hamon, panawagan at imbitasyon na kumandidato upang pamunuan ang tunay at maisug na oposisyon sa senado, naging tapat ako sa paglahad sa ating limitasyon sa usaping materyal at pinansyal.

Subalit sa kabila ng paglalahad na ito, mulat at kolektibo natin pinagpasiyahan na tumuloy sa laban dahil wala ng hihigit pa sa pagmamahal sa ating Bansa, kapwa Pilipino at kinabukasan ng ating mga Kabataan.

Tinapos at nakumpleto ko ang 90 araw ng kampanya ng hindi nadama kahit isang saglit na tayo ay salat sa mga bagay na kinakailangan para sa isang matagumpay, organisado at seryosong national campaign.

Ito po lahat ay dahil sa inyong tiwala, kumpiyansa at paniniwala sa aking pagkatao at layunin na maging abang lingkod ninyo.

Sa lahat ng tumulong, nagsakripisyo, umunawa at sumama sa dakilang layunin ito, MARAMING SALAMAT po!

Ano man ang maging resulta ng halalan sa Lunes, ika-12 ng Mayo, 2025, habang buhay ko pong tatanawin ang inyong kabutihan, pagmamahal at ginintuang kalooban.

Mabuhay po kayong lahat at patuloy natin mahalin ang Pilipinas, respetuhin ang Saligang Batas at pagmalasakitan ang kapwa natin Pilipino.

Lubos na gumagalang at nagmamahal sa inyo,

Atty. Vic Rodriguez
Pilipino, Abugado, Maisug🇵🇭

18/04/2025

Payag ka ba na si VP Inday Sara Duterte ang susunod na Presidente ng Republika ng Pilipinas? E comment ang malaking YES! at pakishare narin. Maraming Salamat po!

14/04/2025

Isama natin Ang tunay na may pusong Marcos.....

Address

Tel Aviv

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OFW Global Movement For Empowerment- Israel Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share