16/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐!
Nakakadismaya. Nakakasuka. Nakakagalit.
Kung ang mga inaasahan nating tagagawa ng batas ay sila mismo ang bumabaluktot ng batas para sa kanilang interes, wala tayong maaasahan sa bulok na sistemang ito. Patunay ang โpagkanlongโ at hinayaang โmakatakasโ ang puganteng si Senator Ronald โBatoโ Dela Rosa ng pag-iral ng kawalan ng pananagutan o impunity sa bansa.
๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐๐จ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ค๐๐ง๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ซ๐๐ฉ ๐๐ญ ๐ค๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐ง๐๐ฅ. Insulto ito sa mga mahihirap na pamilya at biktima ng pamamaslang sa panahon ng pekeng โwar on drugsโ ni Duterte.๐๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐จ ๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐๐๐ฒ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ก๐ฎ๐ก๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฒ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ก๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฒ๐.
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ก๐ข๐ก๐ข๐ฒ๐๐ง, ๐ข๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ฌ๐ฒ๐ฎ๐ง๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ค๐๐ก๐ข๐ก๐ข๐ฒ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ข๐ก๐๐ญ๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข ๐๐๐ง๐๐ญ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ โ๐๐๐ญ๐จโ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐จ๐ฌ๐. . Lalong nalantad ang kabulukan ng sistema sa pulitika kung saan namamayani ang pagtatanggol ng mayayaman at makapangyarihan sa sarili nilang interes. Pinatunayan lang nito kung gaano kalala ang sistema ng palakasan at aregluhan sa pagitan ng mga naghaharing-uri.
๐๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ก๐๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข ๐๐๐ญ๐จ. Dahil sa kanyang boto, napatalsik bilang presidente ng Senado si Sen. Tito Sotto na nangakong agad na simulan ang paglilitis sa impeachment ni Sara Duterte. Ipinalit sa kanya si Sen. Alan Peter Cayetano, kilalang tagasunod ng pamilyang Duterte. Si Bato mismo ang umamin na may kinalaman ang kanyang surpresang paglantad upang pigilan ang impeachment ni VP Sara Duterte.
๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ฉ๐๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ sa mga kaguluhan sa Senado nitong nagdaang Linggo. Walang balak ang gobyernong Marcos-Duterte na lutasin ang malalang kahirapan, malalang korapsyon at pagpapanagot sa mga kurap at tiwali. Pansariling interes, ambisyon sa kapangyarihan at kasakiman sa pagkamal ng kaban ng bayan ang pawang ipinakita ng mga bulok na pulitiko mula sa kudeta sa Senado, pagharang sa pag-aresto ng NBI kayBato, pagkakanlong sa isang pugante sa pamamagitan ng โprotective custodyโ at pagpapabaya na siya ay makatakas.
Samantalang kapag mahirap o ordinaryong tao, hindi pa man napapatunayan na maysala - arestado, ikinukulong, tinotortyur at pinapatay pa nga nang walang paglilitis. Nagagawa pa nilang maghasik ng mga mapanghating naratibo upang iligaw ang mamamayan sa hustisya. Dahil hindi nananaisin ng mga naghaharing-uri na magkaisa ang mga ordinaryong mamamayan laban sa bulok na sistema.
Walang nakaaangat sa batas. Lalo na sa krimen laban sa sangkatauhan. May rekurso man si Bato para tumakas at magtago, hindi niya habambuhay na matatakasan ang libo-libong inosenteng biktima ng pekeng โwar on drugsโ ni Rodrigo Duterte.
Hindi na tayo maloloko ng mga damuhong ito, hindi mapapatigil ng teleserye sa Senado ang paglilitis kay VP Sara Duterte sa kanyang pandarambong at mga kasalanan sa bayan.
Dapat managot si Pangulong Bongbong Marcos sa kawalang aksyon upang papanagutin ang berdugong si Bato hanggang sa makatakas pa nga. Dapat panagutin si BBM sa malaganap na korapsyon at kriminal na kapabayaan sa sambayanang Pilipino sa loob at labas ng bansa.
Nagkakaisang galit ng mamamayan ang magdadala kay Bato at iba pa niyang kasapakat ang sa ICC. Ang lumalakas na panawagan ng ng mamamayan ang lilitis kay Sara Duterte at magpapanagot kay Bongbong Marcos.
Sama-sama nating ipanawagan:
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
!