08/06/2026
Pambansang Araw ng mga Migranteng Manggagawa o “Migrant Workers’ Day”
Pagdiriwang o Patuloy na Pagsasamantala?
[Fil] (see German below)
Kahapon, sa paggunita ng 31st Migrant Workers’ Day, naglabas ang pamahalaan ng pahayag kung saan binigyang-pugay nito ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) bilang mga makabagong bayani at muling pinagtibay ang kanilang kontribusyon sa bansa.
Ang mga migranteng manggagawang Pilipino ang gulugod ng ating bansa sa loob ng maraming henerasyon. Hindi mabilang ang mga OFW na nagdesisyong lisanin ang Pilipinas at iwan ang kanilang pamilya upang magbigay ng mas magandang kinabukasan sa ating mga mahal sa buhay.
Malaking bahagi ng ekonomiya ang remittances, at mahalaga ang papel natin bilang mga migranteng manggagawa dito. Tayo ang nagbibigay ng sapat na pangtustos sa araw-araw na pamumuhay.
Itinalaga ng Pamahalaan ng Pilipinas ang ika-7 ng Hunyo bilang Migrant Workers’ Day.
Bilang mga OFW, dapat maramdaman natin sa araw na ito ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating mga sakripisyo, at ang pag-asa na hindi tayo nag-iisa. Dapat sana’y isa itong sandali ng ginhawa, ngunit hindi ito ang realidad.
Karumal-dumal ang pagtrato ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga migranteng manggagawa. Nakakahiya ang kakulangan ng suporta para sa mga OFW. Ang “LEP” o Labor Export Program ay ipinapakitang suporta sa atin, ngunit isa itong sistemang ginagawang kalakal ang mga manggagawa dahil sa mabagal na pag-unlad ng lokal na industriya. Pinananatili nito ang istrukturang nagpapababa ng sahod, nagpapahina ng proteksyon, at naglilimita sa tunay na suporta para sa mga manggagawa.
Dahil dito, napipilitan ang marami sa atin na mangibang-bansa, na nagreresulta sa panibagong anyo ng pang-aabuso sa ibang bansa. Halimbawa nito ang mga cleaners na nakararanas ng matinding hirap mula sa kanilang mga amo. Marami sa atin ang nakararanas ng pananalitang mapang-abuso, rasismo, at seksismo. Ang iilan na nagsasalita ay madalas pinapatahimik o binabalewala, kaya nawawalan ng lakas ng loob ang iba na ilahad ang ating mga kuwento. Saklaw ng pang-aabusong ito ang hindi patas na sahod, diskriminasyon, at karahasan.
Ngunit ang mga problemang kinakaharap natin bilang mga migranteng manggagawa ay hindi doon nagsisimula o nagtatapos. Dapat unahin ng pamahalaan ang pagresolba sa mga isyung kawalang-katarungan, ngunit patuloy silang abala sa mga away-pulitika at pagpapalakas ng mga alyansang pampulitika para sa sariling kapakinabangan, habang binabalewala ang mga mamamayang nasasaktan.
Dapat tayong bumuo ng mga ugnayan ng tiwala at kaligtasan, at magsalita hanggang sa maubos ang ating tinig. Ilabas natin ang ating sakit at pangamba hanggang sa kumilos ang pamahalaan at ibigay ang respeto at suportang matagal na nating ipinaglalaban.
Karapatan ng OFW, ipaglaban!
Proteksyon, hindi pang-aabuso!
Hindi kami remittance machine!
Tumindig tayo laban sa mga kawalang-katarungan, hindi lamang sa nararanasan natin, kundi sa lahat ng uri ng pang-aabusong nakaaapekto sa atin bilang mga Pilipino.
[De]
Gestern, anlässlich des 31. „Migrant Workers’ Day“, veröffentlichte die philippinische Regierung eine Erklärung, in der Overseas Filipino Workers (OFWs) als moderne Held*innen gewürdigt und ihr Beitrag zur Nation erneut hervorgehoben wurde.
Dies ist keine bloße Würdigung: Es ist eine Ironie einer Regierung, die Migration als Heldentum darstellt, während sie zugleich die Bedingungen nicht adressiert, die Filipinos dazu zwingen, das Land zu verlassen.
Filipino Migrant Workers sind seit vielen Generationen das Rückgrat der philippinischen Wirtschaft. Unzählige OFWs haben die schwierige Entscheidung getroffen, die Philippinen zu verlassen und ihre Familien zurückzulassen, um ihren Liebsten eine bessere Zukunft zu ermöglichen.
Ein bedeutender Teil unserer Wirtschaft beruht auf Rücküberweisungen (Remittances), und die Rolle von uns als migrantische Arbeitskräfte ist zentral. Wir sichern damit den täglichen Lebensunterhalt vieler Haushalte.
Dafür hat die Regierung der Philippinen den 7. Juni zum „Migrant Workers’ Day“ erklärt.
Als OFWs sollten wir an diesem Tag Wertschätzung und Anerkennung für unsere Opfer spüren, sowie die Hoffnung, dass wir nicht allein sind. Eigentlich sollte dies ein Moment der Erleichterung sein, doch die Realität sieht anders aus.
Die Behandlung von migrant workers durch den philippinischen Staat ist erschütternd. Der Mangel an Unterstützung für OFWs ist beschämend. Das sogenannte „LEP“ (Labor Export Program) wird als Unterstützung für uns dargestellt, ist jedoch ein System, das Arbeitskräfte zu einer Ware macht, bedingt durch die langsame Entwicklung der lokalen Industrie. Es stabilisiert Strukturen, die Löhne drücken, Schutzmechanismen schwächen und echte Unterstützung für Arbeiterinnen einschränken.
Infolgedessen sind viele von uns gezwungen, ins Ausland zu gehen, was zu einer neuen Form von Ausbeutung im Zielland führt. Ein Beispiel dafür sind Reinigungskräfte, die unter extremen Bedingungen arbeiten. Viele von uns erleben verbale Gewalt, Rassismus und Sexismus. Die wenigen, die ihre Stimme erheben, werden oft zum Schweigen gebracht oder ignoriert, wodurch andere den Mut verlieren, ihre Erfahrungen zu teilen. Diese Ausbeutung umfasst unfaire Löhne, Diskriminierung und Gewalt.
Doch die Probleme, mit denen wir als migrantische Arbeitskräfte konfrontiert sind, beginnen oder enden nicht dort. Die Regierung sollte diese Ungerechtigkeiten vorrangig angehen, ist jedoch weiterhin mit politischen Machtkämpfen und dem Ausbau von Allianzen zum eigenen Vorteil beschäftigt, während die betroffenen Menschen ignoriert werden.
Wir müssen Netzwerke des Vertrauens und der Sicherheit aufbauen und sprechen, bis unsere Stimmen erschöpft sind. Wir müssen unseren Schmerz und unsere Sorgen ausdrücken, bis die Regierung gezwungen ist zu handeln und uns den Respekt und die Unterstützung zu geben, die uns zusteht.
Stoppt die Ausbeutung.
Wir müssen uns gemeinsam gegen Ungerechtigkeit erheben und nicht nur gegen das, was wir selbst erfahren, sondern gegen alle Formen der Ausbeutung, die uns als Filipinos betreffen.