19/08/2026
🏀 CATAMBAYAN BULILIT BASKETBALL LEAGUE 2026 🏀
Isang makabuluhang programa para sa ating mga batang Pilipino!
Sa pangunguna ng Catambayan Care Club, katuwang ang Inang Mutya Barcelona 2026 Season 2 at Slaughter Basketball Association, isasagawa ang Catambayan Bulilit Basketball League 2026 para sa mga batang 13 taong gulang pababa sa Tanauan City, Batangas ngayong September 26–27, 2026.
Layunin ng programang ito na bigyan ang mga bata ng pagkakataong mahasa sa basketball, magkaroon ng bagong kaibigan, matuto ng teamwork at sportsmanship, at higit sa lahat, maipakita na ang bawat batang Pilipino ay may pangarap na maaaring abutin.
Patuloy ang paghahanda at pagpapalista dahil sa dami ng mga batang nais maging bahagi ng liga!
Maraming salamat sa ating mga katuwang:
🤝 Catambayan Care Club
👑 Inang Mutya Barcelona 2026 Season 2
🏀 Slaughter Basketball Association
Sama-sama nating suportahan ang ating mga batang atleta! Dahil sa bawat dribble, bawat tira, at bawat laro—may munting manlalaro na may malaking pangarap.