30/12/2025
Batang Bolanday
Araw ng linggo aking inaabangan
Sabik sa kuwentong dagdag kaalaman
May pagkain bubusog sa aking tiyan
May laruan din magbibigay kasiyahan.
Sa lilim ng punong mangga kami’y nagsimula
Matutong magbasa at huwag mahiya
Mga libro’y iba iba’t makukulay sa aking mata
Sa isang malaking sapin nakaupo kami’y sama sama
Nakikinig sa kuwentong binabasa.
Ang aklat akala ko noo’y walang dating
Sinubukang buklatin malayo pala ang natarating
Punong puno ng kaalaman, aral at pag-asa
Mga letrang dati di ko kilala ngayon aking nababasa.
Ang team Bolanday ay may pangarap para sa amin
Kaming Batang bolanday matutong magbasa
Makapagtapos ng pag-aaral at umunlad sana
Sa kalsada’y sagipin balang araw diploma aming tanggapin.
Hindi madali ang buhay ng Batag bolanday
Madalas kaposcsa pagkain, kaalaman at gabay
Kaya Salamat sa team Bolanday
Sa ami’y hindi nagsasawang umalalay.
Annarose Permales
Volunteer reader 2019-2020
Volunteer youth facilitator 2023-2024
FnB-EAP Volunteer Youth Coordinator 2025
Sunday Food n’ Books sa Luneta