06/07/2026
Madalas nating ipinagdiriwang ang tagumpay.
Pero sa likod ng maraming tagumpay ay may mga taong tahimik na ginamit ng Diyos upang tulungan ang iba na magpatuloy.
📖 Exodus 17:12
“Nang mangalay ang mga kamay ni Moises, kumuha sila ng bato at inilagay sa ilalim niya upang kanyang upuan. Pagkatapos, inalalayan nina Aaron at Hur ang kanyang mga kamay—isa sa bawat tagiliran—kaya nanatiling nakataas ang kanyang mga kamay hanggang sa paglubog ng araw.”
Habang nagtatagumpay ang Israel sa labanan, may dalawang taong tahimik na nakatayo sa tabi ni Moises.
Nang makita nila ang kanyang kahinaan, hindi nila ito sinamantala.
Their concern was not how they could stand out, but how they could help Moses keep going.
At marahil, ito ang isa sa pinakamagandang larawan ng kung paano ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga tao upang palakasin ang isa’t isa.
Hindi lahat ng ministry ay nasa harapan.
Sometimes, ministry looks like encouraging a weary brother or sister.
Sometimes, it looks like praying for someone who is carrying a heavy burden.
Sometimes, it is simply choosing to stay when someone is struggling.
Sa totoo lang, marami sa atin ang nakarating sa kinaroroonan natin ngayon dahil may mga taong ginamit ng Diyos upang palakasin tayo noong mahina tayo.
People who prayed for us.
People who encouraged us.
People who stayed during some of the hardest seasons of our lives.
At isa rin itong paalala ng biyaya ng Diyos.
Kapag tayo ay nanghihina, hindi Niya tayo iniiwan na mag-isang lumaban.
He sends people to remind us of His promises.
He sends people to strengthen our faith.
He sends people to help carry burdens that are too heavy for us to carry alone.
At kung minsan naman, tayo ang ipinapadala Niya upang gawin din iyon para sa iba.
God often strengthens weary hearts through the people He places beside them.
Kaya marahil, ang tanong ay hindi lamang:
“Sino ang Aaron at Hur sa buhay ko?”
Kundi,
“Kanino kaya ako tinatawag ng Diyos upang maging Aaron at Hur?”