Ofw Tambayan conversion and communication international

Ofw Tambayan conversion and communication international Sharing problems and advice.. Kulitan, at libangan feel free to share your problems here. Don't hesitate to ask an advice..we will help if we can.. Ofw.

Hehehehe
05/20/2017

Hehehehe

Aiwa Aiwa..
05/20/2017

Aiwa Aiwa..

05/07/2017

Ang "ngiti" minsan ginagawa lang kasangkapan ng mukha, para maitago ang pait na nararamdaman💔💔

04/26/2017

Good evening ofws around the world.. Good evening middle east...

Kaway kaway sa mga kq ofws natin dyan😘😘😘

04/13/2017

Good morning Philippines
..

04/09/2017

Magandang hapon mga kabayan..

❤❤❤

04/08/2017



Masarap pakinggan, pero mahirap panindigan??

?

Kc maraming hindi nakakatupad sa mga pangakong kanilang binitawan..sad to say pero totoo po.. Noong unang panahon hindi pa uso ang Internet,80% ng ofw ay broken family..
Ngayon na uso na ang Internet.. 90% of ofw is broken family... Bakit?? At pano maiiwasan..

Unang una, sa lahat ng ofws na umaalis ng bansa,meron silang kanya kanyang dahilan, at kung ano man ang mga iyon..nawa'y sana manatiling hawak at pinaninindigan ninyo hanggang sa kayo ay makauwi..
Panatilihin ang pagiging malapit sa mga asawa at anak,gaano man ka busy sa trabaho dpat naglalaan parin ng kahit kaunting oras sa pamilya,wag hahayaan na hindi nakakausap o nakukumusta manlang sila sa loob ng isang araw, wag magbabago ng pakikitungo sa mga asawa, laging isaisip at isapuso ang mga pangako at dahilan ng inyong pangingibang bansa,katuparan ng pangarap para sa mga anak,makapag simula ng maayos na buhay, makatulong sa pamilya,ano paman ang maging dahilan ng pag alis nyo,nawa'y wag ninyong kalilimutan ang mga taong naghihintay sa inyong pagbabalik, kung kayo ay nangungulila at nalulungkot, nawa'y ganon din ang naiisip ninyong nararamdaman ng mga pamilyang pansamantala ninyong iniwan, wag na wag ipagpapalit ang pamilya sa mga panandaliang kaligayahan... God bless us all

Happy Sunday morning ❤❤❤❤

04/08/2017

Magandang umaga
Sa mga nasa middle East.. Lalong lalo na sa mga nasa saudi.. Pinakamahigpit na bansa sa middle east, mag iingat po lagi mga kabayan,,

04/08/2017

Maayong buntag
Marahay na aldaw
Buenas dias
Good morning

Sa lahat ng ating mga ka ofws
Saang mang sulok ng mundo..ingatan at alagaan ang mga sarili..

Have a blessed Sunday morning to all of you❤❤❤❤

04/05/2017

GOOD MORNING MIDDLE EAST.. Kaway sa mga nasa saudi... Magandang umaga...😘😘😘

Dollars vs homesick Pamilya vs pangarapGaano nga ba kahirap ang buhay ng isang ofw??Libo libo sa bawat araw na lumilipas...
03/27/2017

Dollars vs homesick
Pamilya vs pangarap

Gaano nga ba kahirap ang buhay ng isang ofw??

Libo libo sa bawat araw na lumilipas ang mga taong gustong makapag trabaho sa ibang bansa, sa kanya kanyang dahilan minsan kahit mabigat sa kalooban ang lumayo gagawin mo parin para sa mga taong mahal mo,mabigyan sila ng maayos na buhay, matupad ang mga pangarap para sa mga anak..gaano ba kahirap para sa isang ina ang lumayo at mawalay ng mahabang panahon sa kanyang mga anak? Gaano ba kahirap sa isang ama ang bawat oras, araw,buwan at taon na lumilipas na hindi kapiling ang iyong binuong pamilya, at gaano kahirap para sa mga ulirang anak na mag isang mamuhay sa malayong lugar para makatulong sa magulang at mga kapatid?? Hindi mo masasagot ang mga katanungang iyan hanggat hindi ka naging ofw o maging isang ofw.. Araw araw nakikipagsapalaran tayo sa ibang lugar na kung saan ibat ibang klase ng tao ang ating nakaksalamuha, nariyan ang panganib na kahit anong oras pwdng dumating sa atin, nariyan ang mga pagsubok na mag isa mong haharapin, malulungkot na araw na lumilipas na kailangan mong malagpasan, sa bawat masasayang okasyon sa buhay mo, ng mga taong mahal mo..na kailangan mong harapin mag isa.. Isang ina na nagpapakahirap mag alaga ng anak ng iba para sa kapakanan ng sariling anak, isang ama na nangungulila sa pamilya at nagbabanat ng buto sa malayong lugar para sa kinabukasan ng pamilya, isang anak na mas piniling lumayo kapalit ng maayos na buhay para sa magulang, at mga kapatid...alin nga ba ang mas mahalaga, dolyar o pamilya... Pamilya na sama sama pero kapos sa buhay, o dolyar at maayos na kinabukasan para sa pamilya.. Mahirap makipag sapalaran..lalo pa at malayo ka sa mga taong nagbibigay ng lakas ng loob sayo, minsan malas,minsan nman swerte,,at kung mamalasin ng todo.. Broken family..minsan kabaong.. Salute sa mga ofws saan mang sulok ng mundo...


03/27/2017

Ang mga ofw matatag yan kung titingnan mo
Habang papaalis ng bansa
Pero deep inside.. Kabado yan dahil di nila alam
Ang klase ng buhay na haharapin nila sa bansang kanilang pupuntahan at magiging tahanan sa loob ng ilang taon

Address

Calgary
Calgary, AB

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ofw Tambayan conversion and communication international posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share