06/06/2026
Bilang pakikiisa ng MATES Organization sa Brigada Eskwela 2026, nagkaloob kami ng mga cleaning supplies sa Bayog Elementary School bilang suporta sa paghahanda para sa panibagong taon ng pag-aaral. Nawa’y makatulong ang munting handog na ito sa pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral. Sama-sama para sa edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan!