18/07/2026
๐๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐๐ซ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก & ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง, ๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ -๐๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง๐จ๐ง
Para sa kabataan, sapat na minsan ang isang taong handang makinig. Para sa iba, isang tamang impormasyon ang maaaring magbago ng direksiyon ng kanilang kinabukasan.
Ito ang layuning isinabuhay ng Summer Youth Health & Wellness Caravan na ginanap nitong Sabado, Hulyo 18, 2026, sa Casandig II Covered Court, kung saan nagtipon ang mga kabataan mula sa Barangay Casandig I at II upang makilahok sa isang araw ng pagkatuto, konsultasyon, at pangangalaga sa kanilang kalusugan at kapakanan.
Sa ilalim ng Joint Program on Accelerating the Reduction of Adolescent Pregnancy (JPARAP), tinalakay sa caravan ang mahahalagang usapin hinggil sa mental health, adolescent pregnancy, at HIV at AIDS na mga paksang madalas na iniiwasang pag-usapan, ngunit higit na kailangang maunawaan ng kabataan.
Higit pa sa mga talakayan, inilapit din sa mga kalahok ang mga serbisyong nagbibigay ng agarang suporta. Nagbigay ang TrucKabataan ng libreng HIV testing, peer counseling, at mental health support, habang naghatid naman ang Rural Health Unit ng Paranas ng medical counseling, HEEADSSS adolescent assessment, at libreng mga gamot.
Nakaantabay rin sa buong aktibidad ang isang social worker at kinatawan mula sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Philippine National Police, bilang patunay na ang pangangalaga sa kabataan ay hindi lamang usapin ng kalusugan, kundi maging ng kanilang kaligtasan at proteksiyon.
Naging posible ang programa sa pagtutulungan ng Barangay Local Government Units ng Casandig I at II, Paranas Local Youth Development Office (LYDO), Paranas Peer Educators Network (PPEN), Paranas Gender Section (PGS), SK Federation of Paranas, UNICEF, Waray-Waray Youth Advocates, at iba pang katuwang sa pagsusulong ng adbokasiya para sa kabataan.
Sa bawat kabataang nabigyan ng tamang impormasyon, sa bawat tanong na nasagot, at sa bawat boses na napakinggan, muling pinatunayan ng Summer Youth Health & Wellness Caravan na ang paghubog ng isang mas malusog at mas responsableng henerasyon ay nagsisimula sa paglapit sa kanila.
๐๐ข๐ถ๐ฏ๐ข๐ธ๐ข: ๐๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ฌ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ต ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ ๐ญ๐ฆ๐จ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ฉ๐ฐ๐ฌ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ๐ข ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ถ๐ฉ๐ข ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐จ๐ข๐ฎ๐ช๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฅ๐ฐ๐ฌ๐ถ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข๐จ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ฎ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ฐ๐ฌ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐ข๐ด.
(Mga litrato mula sa Municipal Public Information Office)