Kilusang Magbubukid ng Pilipinas - KMP

  • Home
  • Kilusang Magbubukid ng Pilipinas - KMP
Website Contact the organization

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas - KMP Ang KMP ay ang pambansang organisasyon ng mga magsasakang nagsusulong sa tunay na reporma sa lupa.

21/10/2026

ATM: KULTURAL NA WORKSHOP NG MGA KATUTUBO SA KAMPUHAN NG MAGBUBUKID 2026

Kasalukuyang nagsasagawa ng kultural na workshop ang mga katutubong Ayta, Mangyan, at Molbog sa Kampuhan ng Magbubukid 2026. Nakiisa sila sa kampuhan upang mariing kondenahin ang tahasang pangangamkam at pagmimuna sa kanilang mga lupang ninuno.

Ika-6 na araw na ngayon ng kampuhan na kasalukuyang nakatirik sa Department of Agrarian Reform (DAR). Ito ay matapos marahas na ipademolisa ng Philippine National Police (PNP) ang naunang kampo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Kahapon, bago matagumpay na maitayo ang kampuhan, marahas itong binuwag ng PNP sa kabila ng permit na ibinaba ng DAR at QC LGU. Ilang magsasaka at peasant advocates ang nagtamo ng serious injuries.

Sa kabila ng panunupil, patuloy na ipinaglalaban ng mga magsasaka, manggagawang bukid, at katutubo ang kanilang mga karapatan sa lupa, kabuhayan, at makatarungang pamumuhay. Kasalukuyang nagsasagawa ng mga dayalogo sa DAR at DENR ang mga magsasaka mula sa iba't-ibang rehiyon.

Bukas, Oktubre 21, kasabay ng paggunita sa Araw ng Magbubukid, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Main Peasant Mobilization at patambulin ang laban ng mga magsasaka at katutubo para sa tunay na repormang agraryo, pagtatanggol sa lupang ninuno, at katarungang panlipunan.

📆 Oktubre 21 (Wednesday)
📍 Department of Agrarian Reform (DAR)
⏰ 6:00 AM

Sa ika-anim na araw ng kampuhan ng magbubukid ay nakararanas pa rin ng pamamasista ang mga delegado, advocates at peasan...
21/10/2026

Sa ika-anim na araw ng kampuhan ng magbubukid ay nakararanas pa rin ng pamamasista ang mga delegado, advocates at peasant leaders mula sa iba't ibang parte ng bansa sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City.

Mariing kinokondena ng SAKA ang panggigipit at panghaharas na ginagawa ng kapulisan sa mga magbubukid, kabataan at lalong-lalo na sa media na mapayapang isinasagawa ang karapatang manawagan sa gobyerno para sa patas na kompensasyon at tunay na reporma sa lupa.

Itigil ang imperyalistang pandarambong at atake sa mga manggagawang bukid ng bansa!


𝗨𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗪𝗘𝗥𝗦𝗔! 🌾✊ Ngayong Oktubre 21, Araw ng Magbubukid, balikan ang mahabang kasaysayan ng pakik...
21/10/2026

𝗨𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗪𝗘𝗥𝗦𝗔! 🌾✊

Ngayong Oktubre 21, Araw ng Magbubukid, balikan ang mahabang kasaysayan ng pakikibaka ng mga magsasaka para sa lupa. Sa araw ding ito noong 1972, inilabas ang Presidential Decree 27 sa ilalim ng diktadurang Marcos Sr., na nagkunwaring tugon sa panawagan para sa reporma sa lupa ngunit hindi nagbigay ng tunay na paglaya sa mga magsasaka mula sa pang-aagaw ng lupa at pyudal na pagsasamantala.

Sa kabila ng mga pangako ng huwad na reporma sa lupa, patuloy na nakakaranas ng landgrabbing, land-use conversion, at pinapalayas ang mga magsasaka sa kanilang lupain. Ngayon, dagdag na banta ang Pax Silica at Luzon Economic Corridor na nagbubukas ng mas maraming lupain sa interes ng mga imperyalista, habang lalong pinapasan ng mga magbubukid ang krisis sa pagkain at produksyon na mas lalong naglulugmok sa kanila sa kahirapan.

Sa Araw ng Magbubukid, patuloy ang pakikibaka natin para sa tunay na reporma sa lupa at ang pagtutol natin laban sa imperyalistang pandarambong at pang-aatake ng rehimeng US-Marcos Jr.!

Kabataan, makiisa sa magbubukid!
Sama-sama tayong maningil para sa lupa, pagkain, at hustisya!

9:00AM - Formation @ UST
9:30AM - March to Mendiola
10:00AM - Program @ Mendiola

𝗪𝗘𝗔𝗥 𝗥𝗘𝗗!


𝐔𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀, 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐖𝐄𝐑𝐒𝐀!✊🌾‎Mula sa mga lupang ipinagkakait sa mga magsasaka, nagtagpo-tagpo ang mga tinig ng...
21/10/2026

𝐔𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀, 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐖𝐄𝐑𝐒𝐀!✊🌾

‎Mula sa mga lupang ipinagkakait sa mga magsasaka, nagtagpo-tagpo ang mga tinig ng kanayunan sa lansangan ng Maynila!

‎Nitong Oktubre 21, matagumpay na nagkaisa ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang rehiyon, mga lider-magbubukid, manggagawa, kabataan, at peasant advocates sa Araw ng Magbubukid bilang bahagi ng paggunita sa October Peasant Month 2026. Mula Padre Noval, nagmartsa ang nagkakaisang hanay ng mamamayan patungong Mendiola upang igiit ang tunay na reporma sa lupa, tutulan ang Pax Silica at mga mapanirang proyektong nagbabanta sa kabuhayan at pambansang soberanya, at singilin ang administrasyong Marcos Jr. sa harap ng lumalalang krisis sa agrikultura, pangangamkam ng lupa, kawalan ng sapat na suporta sa mga magsasaka, at nakaambang epekto ng Super El Niño.

‎Sa mga talumpati ng mga lider-magbubukid, muling nabigyan ng boses ang mga hinaing sa kanayunan. Sa bawat sigaw, mga plakard na bitbit, at pagtatanghal na nagbigay-buhay sa programa, malinaw na ipinamalas ang isang katotohanang hindi kayang ikubli ng anumang pangako ng pamahalaan: hindi makakamit ang hustisya hangga’t nananatili sa iilang kamay ang lupa, habang ang mga tunay na nagpapayabong dito ay patuloy na nagdurusa sa kahirapan, pang-aapi, at banta ng pagpapalayas. Ang matagumpay na pagtatapos ng anim (6) na araw na kampuhan ng mga magsasaka mula Oktubre 15 hanggang Oktubre 21 sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at University of the Philippines Diliman, na sinundan ng malawakang pagkilos sa Mendiola, ay patunay ng tibay ng pagkakaisa at paninindigan ng mamamayan.

‎Ngunit hindi nagtatapos sa pagtatapos ng programa ang laban. Hindi maituturing na ganap ang tagumpay hangga’t wala pa ring lupang masasaka ang mga magsasaka, hangga’t patuloy silang pinagkakaitan ng makatarungang kabuhayan, at hangga’t nananatili ang banta ng pangangamkam, militarisasyon, at mga patakarang pumapabor sa iilan.

‎Hangga’t may inaapi, may dahilan upang lumaban. At hangga’t hindi nakakamit ang tunay na hustisya, magpapatuloy ang pakikibaka sa lansangan!

‎𝗧𝗨𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗣𝗔, 𝗜𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡!✊
‎𝗟𝗨𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗫 𝗦𝗜𝗟𝗜𝗖𝗔❗
‎𝗦𝗜𝗡𝗢, 𝗦𝗜𝗡𝗢, 𝗦𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗥𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔?
‎𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗦, 𝗦𝗜 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦, 𝗦𝗜𝗟𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗥𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔!
‎_______________________________
‎✊Sumali sa NNARA Youth - PUP!
‎📝Sign-up:

‎https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
‎https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
‎https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP

‎🌾MAKIPAMUHAY, MAKIBAKA🌾

HIBLA NG PAG-ASA: ISANG TALAKAYAN SA KALAGAYAN AT PANAWAGANG NAKAUGAT SA LUPA 🌾Noong Oktubre 17, 2026, matagumpay na idi...
21/10/2026

HIBLA NG PAG-ASA: ISANG TALAKAYAN SA KALAGAYAN AT PANAWAGANG NAKAUGAT SA LUPA 🌾

Noong Oktubre 17, 2026, matagumpay na idinaos sa Claro M. Recto Hall ang forum para sa Buwan ng Magbubukid ngayong 2026. Ang talakayang ito ay pinangunahan ng IBON Foundation at NNARA-Youth, kasama ang mga magsasaka mula Bicol, Negros, at Nueva Ecija upang ilantad ang tunay na kalagayan ng sektor ng agrikultura sa bansa.

Ibinunyag sa forum ang talamak na sapilitang pagpapalayas, militarisasyon, at mapanirang land use conversion sa mga produktibong lupang sakahan. Sa Nueva Ecija, umaabot sa 3,500 ektarya ang saklaw ng M-Terra Solar Project na pumipinsala sa mga lupang agrikultural. Sa ilang sitio sa Gapan, nasa 1,000 ektarya ng produktibong lupain at humigit-kumulang 300 pamilyang magsasaka ang apektado, kung saan ang iba ay napipilitang kumapit sa mapanganib na small-scale gold mining o subcontractual work sa mga solar farm dahil nawalan sila ng kabuhayan sa sakahan.

Mariing kinondena ng mga magbubukid, kabataan, at tagapagtaguyod ang patuloy na kapabayaan at direktang pagpapahirap ng rehimeng US-Marcos Jr. at ng mga katuwang nitong imperyalistang patakaran at lokal na naghaharing uri. Sa halip na bigyang-suporta ang mga tunay na nagbubungkal ng lupa, mas pinapaboran ng estado ang mga dambuhalang proyektong kumakamkam sa mga lupang agrikultural kapalit ng kita ng iilang dayuhan at burgesya-komprador.

Nang dumako ang hapon ay nagkaroon ng makasaysayang pagpapalitan sa pamamagitan ng cultural performance na sumasalamin sa determinasyon at sining ng pakikibaka ng mga magbubukid at paglalahad ng iba't ibang situationer na pinangunahan ng Peasant Situationer sa Nueva Ecija, na sinundan ng Bicol Situationer at Negros Situationer na naglatag ng matinding pasakit, militarisasyon, at pyudal na pang-aapi sa mga magbubukid sa rehiyon. At ang panghuli ay ang pagkakataon para sa isang Open Forum na kung saan ay makabuluhang natalakay ang iba't ibang kalagayan na nag-uugat sa kahirapan ng mga magsasaka sa malapyudal na sistemang umiiral sa bansa.

Kaya naman, patuloy ang panawagan para sa tunay na reporma sa lupa para sa mga tunay na nagbubungkal nito, itigil ang militarisasyon sa kanayunan, at wakasan ang pasistang pag-atake sa mga magsasaka at tumitindig kasama ng masa; tutulan ang land use conversion sa mga lupang sakahan na sumisira sa seguridad sa pagkain at kabuhayan ng bayan!

MAKIPAMUHAY, MAKIBAKA, AT MAKIISA SA MAGSASAKA!🌾✊
_________________________
✊Sumali sa NNARA Youth - PUP!
📝Sign-up:
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP

🌾MAKIPAMUHAY, MAKIBAKA🌾

Nagsama-sama kaninang alas-9 ng umaga sa harap ng University of Santo Tomas (UST) ang mga magsasaka, iba’t ibang organis...
21/10/2026

Nagsama-sama kaninang alas-9 ng umaga sa harap ng University of Santo Tomas (UST) ang mga magsasaka, iba’t ibang organisasyon, at kabataan upang ipahayag ang kanilang mga panawagan sa gitna ng paggunita sa Peasant Month.

Mula UST, nagmartsa ang hanay patungong Mendiola upang ipanawagan ang tunay na reporma sa lupa, tutulan ang proyektong PAX Silica, at igiit ang kongkretong solusyon sa epekto ng Super El Niño. Kasabay nito, mariing kinondena ang patuloy na pagpapahirap sa mga magsasaka dahil sa kawalan ng tunay na reporma sa lupa at mga patakarang pumapabor sa mga panginoong maylupa at malalaking korporasyon.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 27 (PD 27), na ipinatupad noong panahon ng diktadurang Marcos Sr. noong 1972, ipinangako ang pagpapalaya sa mga magsasakang kasama sa pagtatanim ng palay at mais mula sa pyudal na pagsasamantala. Gayunman, nanatiling limitado ang saklaw nito, dahil hindi kabilang ang maraming magsasakang nagtatanim ng ibang pananim. Marami rin ang hindi tunay na nakinabang sa programa dahil sa mga limitasyon sa implementasyon, mabigat na bayarin sa lupa, at mga mekanismong hindi nagbigay ng sapat na proteksyon sa mga benepisyaryo. Sa halip na tuluyang wakasan ang monopolyo sa lupa, maraming magsasaka ang patuloy na naghirap sa ilalim ng utang, pangangamkam ng lupa, at banta ng pagpapalayas.

Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling panawagan ng mga magsasaka ang tunay na reporma sa lupa, na magbibigay sa kanila ng sariling lupang sasakahin at magwawakas sa kontrol ng mga panginoong maylupa at malalaking korporasyon sa agrikultura. Kasabay nito, iginiit ng mga nagmartsa ang pagtutol sa mga proyektong nagbabanta sa soberanya ng bansa at kabuhayan ng mamamayan, gayundin ang agarang pagtugon sa krisis sa agrikultura at epekto ng Super El Niño.

Sa gitna ng patuloy na krisis, nananawagan ang mamamayan sa administrasyong Marcos Jr. na tugunan ang mga hinaing ng bawat Pilipino. Hindi sapat ang mga pangako at programang hindi lubusang naipatutupad. Kailangan ang kongkretong hakbang para sa lupa, kabuhayan, pagkain, at kinabukasan ng sambayanang Pilipino.

Uring Magsasaka, Pangunahing Pwersa!Sa araw na ito ang ika-54 na taon mula nang maipasa ni Marcos Sr. ang Presedential D...
21/10/2026

Uring Magsasaka, Pangunahing Pwersa!

Sa araw na ito ang ika-54 na taon mula nang maipasa ni Marcos Sr. ang Presedential Decree No. 27 o PD 27 na siyang panimula ng sunod-sunod na huwad na reporma sa lupa na nagpahirap sa mga magsasaka at mamamayang Pilipino.

Sa kampuhan na nagsimula noong Oct. 15, 2026 sa DENR (Department of Environment and Natural Resources) kung saan pumunta ang mga magsasaka na nanggaling pa sa iba’t ibang rehiyon ng bansa ngunit sinalubong ng intimidasyon at pwersahang pagbuwag sa kampuhan ng PNP. Kaya naitayo ang kampuhan sa Vinzons Hall sa UP Diliman at sumunod sa DAR (Department of Agrarian Reform), ngunit karahasan at matinding pasismo mula sa kapulisan ang isinagot muli sa mapayapa at sama-samang pagtitipon ng mga progresibong grupo at magsasaka. Sa kabila ng matinding pamamasismo at pananakot ng PNP at ng US-Marcos Jr. regime ay matagumpay paring naisulong ang kampuhan hanggang sa Araw ng Magbubukid.

Mula sa sektor ng mga artista, estudyante, katutubo, mangagawa, mangingisda at magsasaka ay laksa laksang kumilos ang masa upang idiin na ang tunay na reporma sa lupa ang sagot sa matagal ng paghihirap ng bayan. Ang mga huwad na reporma sa lupa gaya ng PD 27, SPLIT, CARP, at marami pang iba ay patunay na hindi pinapahalagahan ng sistemang ito at ng rehimeng US-Marcos Jr. ang kalakhang mamamayan ng bansa na mga magbubukid at magsasaka kung hindi ay pinapahalagahan lamang ang mga malalaking burgesya kumprador at mga dayuhan.

Ngayon ang mga inisyatiba gaya ng Pax Silica, MTerra, at marami pang iba ay salungat sa matagal nang hinanaing ng mga magsasaka. Ang mga proyektong ito na aagaw sa mga lupang ninuno, sisira sa kalikasan, magpapahirap sa masa, at magpapakinabang lamang sa mga dayuhan ay nagpapatunay lang na hindi matatapos ang laban ng masa para sa Tunay na Reporma sa Lupa hangga't hindi naipapabagsak ang Imperyalismo at ang rehimeng US-Marcos Jr.

Ipinakita lamang ng araw na ito ang lakas ng nagsama-samang masa at ito'y magpapatuloy sa pagdating ng No. 1 Terrorist na US-Donald Trump sa Pilipinas sa November 16. Muli nating isisigaw ang ating mga panawagan at irehistro na Trump not welcome!

Makibaka, Huwag matakot!
Artista ng bayan, tuloy tuloy ang laban!
Tunay na Reporma sa Lupa, Ipaglaban!


Farmers from across PH culminate protest vs. US-Marcos land grabbing, plunder of national patrimonyFarmers from differen...
21/10/2026

Farmers from across PH culminate protest vs. US-Marcos land grabbing, plunder of national patrimony

Farmers from different regions successfully reached to Mendiola today to culminate the week-long Kampuhang Magbubukid 2026, denouncing the US-Marcos regime’s sellout of the country’s land and natural resources to foreign corporations through mining, wind and solar energy projects, and other forms of plunder.

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) said the mobilization highlights how the Marcos Jr. government prioritizes foreign corporate interests over farmers’ rights to land and livelihood, threatening agricultural lands, ancestral territories, fishing grounds, and rural communities.

“Marcos is selling out our national patrimony to foreign interests. From mining operations targeting our mineral wealth to wind and solar projects encroaching on agricultural lands and fishing grounds, the government puts corporate profits ahead of the people’s right to land and livelihood,” said Danilo Ramos, KMP chairperson.

Held from October 15 to 21 at the Department of Environment and Natural Resources (DENR) and the Department of Agriculture (DA), the Kampuhang Magbubukid brought together farmers and advocates from Bicol, Southern Tagalog, Central Luzon, Negros, and Nueva Vizcaya for protests, dialogues, and solidarity activities demanding genuine agrarian reform and an end to land grabbing.

KMP raised concerns over large-scale energy projects involving corporations such as AboitizPower, Vena Energy, and ACEN, which threaten to displace farming communities, convert productive agricultural lands, and restrict access to coastal waters. The group stressed that it does not oppose renewable energy itself but demands energy development that serves national industrialization and the people’s needs.

“Ang kailangan ng bansa ay enerhiyang magsisilbi sa pambansang industriyalisasyon at tunay na pambansang kaunlaran,” said KMP Secretary General Ronnie Manalo.

The group also warned against the Marcos administration’s participation in Pax Silica, a US-led initiative focused on critical minerals, semiconductors, artificial intelligence infrastructure, and supply chains. With US President Donald Trump expected to visit the Philippines in November, KMP said the government is further aligning the country’s resources and economic priorities with US strategic and corporate interests.

KMP said the October Peasant Month mobilizations are a buildup to a broader people’s action against imperialist plunder and Marcos’ subservience to the United States. It called on farmers, workers, indigenous peoples, fisherfolk, and other sectors to unite against policies that sacrifice national sovereignty and people’s livelihoods for foreign profit.

“At this crucial time of El Nino, farmers are demanding land, irrigation, affordable farm inputs, fair palay prices, and compensation for crop losses. Instead of addressing these needs, the Marcos government makes it easier for corporations to take over the land and resources that sustain our communities,” Ramos said.

KMP condemned the harassment and criminalization of farmers and indigenous peoples defending their communities, saying state repression clears the way for corporate land grabbing and resource plunder.

“Defending our land is defending our national patrimony. Our land and resources must serve the Filipino people, not foreign corporations and their local partners. Our struggle for land is a struggle for food, livelihood, and national freedom,” Ramos said.

Similar peasant-led protests and activities are happening in Isabela, Cebu, Negros, Panay and Davao. # # #

ABOITIZ POWER, GANID SA TUBO! Nagsagawa ng protest action ngayong araw sa Ayala Avenue, Makati ang mga magsasaka, mangin...
21/10/2026

ABOITIZ POWER, GANID SA TUBO!

Nagsagawa ng protest action ngayong araw sa Ayala Avenue, Makati ang mga magsasaka, mangingisda, at tagapagtanggol ng kalikasan upang kondenahin ang mga proyektong pang-enerhiya ng AboitizPower, Vena Energy, at ACEN na nagbabanta sa mga lupang sakahan, pangisdaan, at kabuhayan ng mga komunidad.

Sa ngalan ng diumano’y kaunlaran at transisyon sa malinis na enerhiya, patuloy na nalalagay sa panganib ang mga likas na yaman na pinagkukunan ng pagkain at ikinabubuhay ng mamamayan. Hindi makatarungan ang transisyon sa enerhiya kung ang mga magsasaka at mangingisda ang nagdurusa habang ang malalaking korporasyon ang nakikinabang.

Panawagan sa AboitizPower, Vena Energy, at ACEN: Ilantad ang mga kasunduan sa pagkuha at pagpapaupa ng lupa, environmental assessments, mga permit, at plano sa kompensasyon para sa mga apektadong komunidad! Itigil ang mga proyektong lumalabag sa karapatan ng mga magsasaka at mangingisda, at tiyaking may tunay na partisipasyon ang mga komunidad sa mga desisyong direktang nakaaapekto sa kanilang kabuhayan.

Panagutin din ang rehimeng US-Marcos sa pagsusulong ng mga proyektong inuuna ang interes ng malalaking negosyo kaysa sa kapakanan ng mamamayan. Hindi dapat isakripisyo ang lupa, karagatan, at kabuhayan para sa tubo ng iilan! Ipaglaban ang tunay na reporma sa lupa, seguridad sa pagkain, at makatarungang transisyon sa enerhiya! ✊🌾

Maaga pa lamang ay sinimulan na ng mga peasant delegates at advocates mula iba’t ibang rehiyon ang programa para sa Araw...
21/10/2026

Maaga pa lamang ay sinimulan na ng mga peasant delegates at advocates mula iba’t ibang rehiyon ang programa para sa Araw ng Magbubukid!

Matapos ang masalimuot na linggo dahil sa pamamasista ng QCPD, pinakita ng progresibong hanay ng mga magbubukid na hindi mapapatinag ang kanilang militanteng diwa. Sa pamamagitan ng prop action ay nakabandera ang mga panawagan para sa karapatan, kabuhayan, at tunay na reporma sa lupa.

Sa kabila ng intimidasyon, matapang na nananawagan ang mga magsasaka, manggagawa, at mangingisda mula sa iba’t ibang rehiyon na wakasan na ang militarisasyon sa kanayunan at ang pagpapatupad ng pambansang industriyalisasyon. Kasama na din dito ay ang mariing pagtutol sa makasarili at makadayuhang proyekto na Pax Silica.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa, kalampagin, at mas palakasin pa ang tinig ng masa ngayong Araw ng Magbubukid!

Sumama sa Pagkilos
8AM-8:30AM | Pormasyon sa UST
8:30AM-9AM | Martsa papuntang Mendiola
9AM-11AM | Programa sa Mendiola

Humanay sa SAKA
http://bit.ly/join_SAKA



Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kilusang Magbubukid ng Pilipinas - KMP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kilusang Magbubukid ng Pilipinas - KMP:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed non profit organization?

Share