Ms. Love

Ms. Love Be the inspiration ��

13/04/2026

Hindi marunong makinig eh🤦‍♀️ iLan beses na pinagsabihan pero bingi ey🤦‍♀️ Ako pa nagiging masama kesyo Pakialamera daw ako🤦‍♀️🥺

31/01/2026

REALTALK ‼️
PARA SA MGA BABAE AT LALAKI NA MAGULANG NA.

Sana bago ka magloko, mag-isip ka muna ng ilang beses.
Hindi lang puso ng asawa mo ang nilalaro mo
—buong pamilya ang winawasak mo,
lalo na ang pamilyang ikaw mismo ang nangarap buuin.

Ang pinakamalupit na tinatamaan sa kalokohan mo ay ang anak mo.
Yung batang dapat ikaw ang unang nagprotekta,
ikaw pa ang unang sumugat.
Ikaw ang dapat maging halimbawa, sandigan,
at ligtas na tahanan ng puso niya
—pero sa ginagawa mo,
ikaw pa ang nagiging dahilan ng trauma paglaki nya.

Kung totoong mahal mo ang asawa at anak mo,
hindi ka aabot sa puntong “natukso”.
Ang taong may respeto sa pamilya niya,
umiwas pa lang sa simula.
Hindi ka biktima ng tukso—may utak ka,
may konsensya ka, at alam mo ang tama at mali.

Ang masakit, alam mong mali pero pinili mo pa rin.
Huwag mong gawing dahilan ang lungkot, stress, o kakulangan.
Dahil sa oras na nag-asawa ka at nagkaanak,
may responsibilidad ka nang panindigan.
Hindi ka na nabubuhay para sa sarili mo lang.

Nakakahiya lang isipin na kung kailan may anak ka na,
ikaw pa ang mas pasaway,
ikaw pa ang walang disiplina,
ikaw pa ang hindi marunong magpigil
—samantalang ang anak mo ang pilit mong tinuturuan ng tama.

Tandaan mo ito:
Darating ang araw na magtatanong ang anak mo
kung bakit sira ang pamilya niya.
At kapag dumating ang araw na ‘yon,
wala kang ibang masisisi kundi ang sarili mo.

Hindi lahat ng sugat naghihilom.
At hindi lahat ng pagkakamali may pangalawang pagkakataon
—lalo na kapag pamilya at anak ang nasira.

31/01/2026
Tinood
08/01/2026

Tinood

Ikaw pa ang gagawan ng kamalian para lang pagtakpan ang maling pinag gagagawa niya. 😒

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ms. Love posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization?

Share