12/09/2026
AIMCI Regional Quarterly Meeting & Fellowship | Bacnotan, La Union 🙏🏼❤️
“Caring for those who care for the Church of Christ.” 🤍
Maraming salamat po, Pastor Christam Chua Badua, Sis. Patricia Badua, at buong pamilya, sa mainit na pagtanggap, pagmamahal, at maalagang pag-aasikaso sa buong team. Tunay na pinagpala kami sa napakagandang fellowship at sa oras na sama-sama nating ginugol sa presensya ng Panginoon.
Dalangin po namin na ang AIMCI ay patuloy na maging daluyan ng Salita ng Diyos upang magbigay ng kalakasan, encouragement, at panibagong sigla sa bawat lingkod ng Panginoon—lalo na sa mga patuloy na naglilingkod at nag-aalaga sa Kanyang Iglesia.
Nawa’y patuloy tayong magpalakasan, magtulungan, at magmalasakit sa isa’t isa, sapagkat tayo ay iisang katawan kay Cristo.
“Therefore encourage one another and build each other up.” — 1 Thessalonians 5:11 🙏🏼
Pagpalain pa po ng Panginoon ang inyong pamilya, tahanan, at ministeryo. Maraming salamat po sa inyong bukas na puso at sa pagiging pagpapala sa buong team!
All glory belongs to God!