24/04/2026
Matagumpay nating naisagawa ang programang Alagang Kalusugan, Tulong sa Bayan na sa pakikipagtulungan ng Villar Foundation para sa mga residente ng Barangay Talon 5, katuwang ang mga volunteer doctors mula sa Las Piรฑas General Hospital sa pangunguna ni Team Leader Dr. Daryll Tamparia, Hepatology Society of the Philippines headed by Pres. Dra. Jen Agcaoili-Conde, LPGH Diabetes Club headed by Pres. Carmelita Conde, LPGH Pharmacy managed by Ms Fe Reyes and Mr. Arthur Molo, Las Piรฑas Host Lions Club, kasama ang ating local officials at HOAs. Bukod sa libreng serbisyong medikal, namahagi rin ng mga libreng gamot, libreng eyeglasses, at nagsagawa ng libreng gupit, at Philhealth registration sa lahat ng dumalo.
Ipinaalala natin na maaaring i-avail ng mga taga-Las Piรฑas at mga karatig-lugar ang mga libreng serbisyong medikal sa Las Piรฑas General Hospital and Satellite Trauma Center (LPGHSTC), na suportado ng PhilHealth. Matatandaang isinulong namin ni Sen. Camille Villar ang Republic Act 11497, na layuning pataasin ang bed capacity ng LPGHSTC mula 200 hanggang 500 beds, ipatayo ang 12-storey hospital building, at tiyaking may sapat na pondo para sa dekalidad na serbisyong medikal sa pakikipagtulungan ni Sen. Mark Villar. Sa kasalukuyan, ang LPGHSTC ay may state-of-the-art MRI, CT scanners, at ang bagong dialysis facilities na maaari nang gamitin ng mga pasyente.