12/05/2026
💙
Kapehan sa Barangay Season 7, muling ilulunsad!
Nagbabalik ang programang tunay na inilalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa bawat mamamayan ng bayan ng Nagtipunan. Ang “Kapehan sa Barangay” ay patuloy na inaabangan ng ating mga kababayan dahil ito ay hindi lamang simpleng pagtitipon, kundi isang programa ng malasakit, pakikinig, at direktang paglilingkod sa komunidad.
Sa pamamagitan ng programang ito, personal na dinadala ng ating lokal na pamahalaan ang iba’t ibang serbisyong pampubliko sa lahat ng barangay upang mas mapadali at mas mapalapit sa mamamayan ang mga tulong at serbisyong kanilang kailangan. Kabilang dito ang libreng medical at dental services, veterinary services para sa mga alagang hayop at livestock, agricultural assistance at technical support para sa ating mga magsasaka, health and wellness programs, feeding activities, konsultasyong legal at marami pang iba.
Higit pa rito, nagsisilbi ring daan ang Kapehan sa Barangay upang mapakinggan ang hinaing, suhestiyon, at mga pangangailangan ng bawat komunidad. Sa bawat pagbisita, mas napapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan tungo sa mas maayos, mas mabilis, at mas makataong serbisyo publiko.
Patunay lamang ito na kapag ang serbisyo ay inilalapit sa tao, mas maraming buhay ang naaabot at natutulungan. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkakaisa, malasakit, at serbisyong may puso para sa bawat taga-Nagtipunan.