29/09/2023
𝗔𝗚𝗛𝗔𝗠| 𝙍𝙄𝘾𝙀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗮𝗯𝗹𝗲: 𝗕𝘂𝘁𝗶𝗹 𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀
Ang kasalukuyang pagtaas ng presyo ng bigas ay nagsilbing dagok sa kabuhayan ng mga Pilipino, lalo na ang mahihirap na nahihirapang makabili ng sapat na pagkain araw-araw sa pag angat ng halaga ng bigas.
Ang kanin, bilang pangunahing pagkain ng Pilipino, ay hindi lamang simpleng butil kundi may natatagong kayamanang sustansyang puno ng bitamina na nagbibigay ng pag-asa para sa malusog na pamumuhay. Hindi mawawala ito sa mesa ng bawat pamilya, maging sa almusal, tanghalian, hapunan, o meryenda.
Ayon sa mga eksperto mula sa International Rice Research Institute (IRRI), ang bigas ay isang mapagkukunan ng mahahalagang sustansya na naglalaman ng matataas na antas ng protina, bitamina tulad ng tiamina at niyasin, at mga mineral gaya ng zinc at posporus na kritikal para sa pag-unlad, pagpapalakas, at pagpapabuti ng kalusugan ng tao.
Bilang resulta, napatunayan na ang regular na pagkain ng bigas ay may positibong epekto sa pagpapababa ng cholesterol sa dugo, na makakatulong sa pag-iwas sa mga sakit sa puso, nagbibigay ito ng linaw at kredibilidad sa halaga ng bigas bilang mahalagang sangkap ng ating pang-araw-araw na nutrisyon.
Sa pagtutulungan ng mga eksperto, magsasaka, at mamamayang Pilipino, mahalaga na itaguyod ang tamang kaalaman at pagpapahalaga sa bigas. Hindi lamang ito simpleng pagkain, kundi isang haligi na rin ng ating kultura at kinabukasan. Karapatdapat na ating alagaan at itaguyod ang industriya ng bigas upang masiguro na may sapat na suplay ng mataas na kalidad na bigas para sa lahat.
Sa bawat butil ng bigas, may potensyal na makamit ang mas malusog na bukas. Kaya hindi ba't oras na para maging RICEponsable?
𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶
𝗔𝗶𝗿𝗲𝗻𝗲 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱
Tagapamahala sa Lathalain
𝗜𝗻𝗶𝘄𝗮𝘀𝘁𝗼 𝗻𝗶
𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗚𝗿𝗲𝗴𝗼𝗿𝗶𝗼
Tagapamahala sa Agham
𝗚𝗿𝗮𝗽𝗶𝗸𝗼 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗸𝗮𝘆
𝗔𝗹𝘆𝘀𝘀𝗮 𝗕𝗼𝗻𝗱𝗲
Punong Patnugot